Seeing Kurt and Candice together made her realize that Kurt is not really in love with her. Iba ang chemistry na nakikita niya habang pinagmamasdan ang dalawa. It's like magic between them, the spark is there.
Then she realized that no matter what she do, she cannot replace her in his heart. Never.
Natunugan na niya na may ibang nararamdaman si Kurt noong gabi na tinawagan ito ng CO nito para sa isang mission. Kinutuban na siya lalo na ng makita ang mukha ng babaeng tinititigan nito sa cellphone nito habang naninigarilyo sa condo nito.
Noon pa lang ay nanibugho na siya kay Candice Domingo. Kaya niya sinundan si Kurt ay dahil natatakot siyang mapalitan nito.
But here she is, packing her things and trying to plea from his shadow. Masakit na masakit pero hindi niya kayang magmakaawa pa ulit.
Tama na na nagmakaawa si kay Candice kanina. Tama na na nalaman ni Kurt na mahal na mahal niya ito.
If he really love her, he will pursue her. But she knew that the battle for Xander's heart was already won by Lorelle long time ago. Even before her, Lorelle was already there in the most special place in his heart.
She cannot win a battle that has already been won by someone. Nasanay siya na lagi siyang nananalo sa isang laro but not this time. She lost BIG this time. Isang Alexander Kurt Ravena ang naipatalo niya.
Masakit pala ang pakiramdam na hindi ikaw ang pinili. It is her first time to be rejected. All her life she is a first choice.
Nagulat ang mga marines na nasa loob ng six by six truck ng umakyat siya roon.
"Pakiakyat nga ang mga gamit ko." Utos niya sa mga ito.
"Saan po kayo pupunta, Ma'am?" Magalang na tanong ng mga ito.
"Sa airport. Ihatid ninyo ako sa airport."
"Ma'am, alam na po ba ito ni General?"
"Yes." Pagsisinungaling niya.
Nang hindi agad tumalima ang mga ito ay kinuha niya ang kanyang cellphone.
"Gusto nyo ba na tawagan ko si Tito at ipaalam na hindi kayo sumunod sa akin?" She tried to bluff them.
Natataranta na tumalima ang mga ito sa kanya. Lihim siyang nagpasalamat at sumunod ang mga ito sa kanya The truth is, even his Tito doesn't know about this. Ayaw niyang magtanong ito. Ayaw niyang mag-explain rito, not now, not yet.
Umalis na sila pagkatapos ng ilang sandali. Apat ang kasama niyang marines. Dalawa sa unahan at dalawa ang kasama niya rito sa likod.
Naghead set siya para makinig ng music. Napapikit siya habang nakikinig sa kantang nakaplay sa kanyang playlist.
It was a song by Lady Gaga. Always remember us this way. Hindi niya naiwasang maisip ulit si Kurt at ang mga pinagsamahan nila. Mapait siyang ngumiti on the thought of him.
Ilang minuto na silang naglalakbay sa lubak lubak na daan ng bigla silang huminto.
Kinuha niya ang kanyang headset.
"What's going on?" Tanong niya sa mga sundalo.
"May matanda pong tumatawid Ma'am. Hinihintay lang po na makapunta sa kabilang side ng kalsada."
Tumango siya at ibinalik ang pakikinig sa music.
Napasigaw siya ng biglang binaril ng mga armadong lalaki ang dalawang marines na nasa bungad ng six by six truck na kinalulunanan niya.
Napataas siya ng kamay ng tinutukan siya ng baril ng mga ito.
"Baba!Bilis!"
Hindi niya maipaliwanag ang takot na lumukob sa kanya. Is this really happening to her? Is she really being abducted?
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...