Chapter 25-Kent

2 0 0
                                    

Sumenyas siya kay Kurt para ihudyat rito na babarilin na niya si Akbar. Hindi nila hahayaang patayin nito ang babaeng dayuhan. Hinawakan niya ng mataman ang gatilyo ng kanyang baril. May nagpaputok na isang terorista at pareho silang nagulat ni Kurt at napalingon sa target nito.

Inatake siya ng kaba ng makitang si Lorelle ang pinupuntirya ng bala.He saw Kurt as he frustratedly attempted to manage the situation. Nakita niya how relief he was ng makita nilang iniharang ni Samiya ang katawan nito sa dalagang doctor.

"Samiya!" Sigaw ni Akbar ng makitang tinamaan ng bala ang
pinsan nito.

Naibalik niya kay Akbar ang tingin ng mapansing maging ito ay nagulat sa mga pangyayari. Lalo na ng sinalo ng pinsan nito ang balang para kay Candice.

Sinamantala niya iyon para barilin ito. Natamaan niya si Akbar habang hawak nito si Lola Brett at nakaumang ang baril nito sa ulo ng dayuhan.

Nawala sa balanse si Akbar. Kaya sinamantala ito ni Lola para makawala rito at tumakbo palayo.

Mabilis na itinakas naman ni Kurt ang foreigner ng madistract ang mga kalaban nila sa pagkakatama niya kay Akbar.

Nagkaroon ulit ng putukan bago umatras ang mga kalaban nila. Dala ng mga ito ang duguang si Akbar Mobar.

Hindi man niya napuruhan ang terorista pero alam niyang matatagalan bago ito makabalik sa dati. Sana ay napatay na lamang niya ito.

Masyado kasing mahirap bumaril ng mga hostage itong hawak. Hindi niya makuhang barilin ang mga kill zone points nito dahil natatakot siyang mahagip ang hostage.

Sa braso niya lang ito nabaril at natamaan. Just enough para mabitawan nito ang armas at ma-distract. Sinamantala ito ng bihag para makatakas.

Agad naman itong narescue ni Kurt at itinakbo papunta sa asawa nito.

Kinabahan siya kanina nang barilin ng sniper ng mga kalaban si Candice. Lagot sila kapag nagkataong natamaan ito.Mabuti na lamang at humarang ang muslim na babae.

Inutusan niya ang mga tauhan nila na mag search sa area. Si Kurt naman ay bigla silang iniwanan para i-check si Candice.

Hindi niya ito masisi. Ito ang pinaka-importante sa lahat ng bihag na narescue nila. Ano ang sasapitin nila kung mapahamak ito?

"Men, make a 1 kilometer parameter search. Kung may buhay pa, dadalhin natin sa post for interrogation." He commanded.

Mabilis na sumunod ang mga tauhan niya. 

Napatingin siya sa dako nila Kurt. Napahugot siya ng malalim na buntong hininga ng makita si Candice na buhay at walang anumang galos.

Ngunit medyo sumikip ang dibdib niya ng makitang napayakap ito kay Kurt.

Aaminin niyang naging totoo ang attraction na naramdaman niya sa babae ng makita niya ito sa personal.

He already decided to pursue her.

Pero parang kay Kurt yata ito attracted at hindi sa kanya.

Lalo siyang natigilan sa sumunod na nakita niya. They shared a kiss. Hindi lang isang beses but dalawa.

Hindi makapaniwalang napakuyom ang kamao niya. What is Kurt doing?

"Naku, may bago na namang target si Kap. May bago na namang iiyak nito."

"Paano ang pamangkin ni General? Naku, kawawa ang doctor na yan? Paano si Colonel Martinez?"

"Lagot na! Nangangamoy love triangle ito."

He overheard their men talking about Xander and Candice. Medyo nainis siya kay Kurt.

He already made himself clear ng sabihin niya ritong may past sila ni Candice. Kahit gawa-gawa lang niya lang iyon ay dapat rumespeto na sa kanya si Kurt.

Hindi siya papayag na sulutin nito sa kanya ang bagong napupusuan niya. He is serious about pursuing her.

May girlfriend si Kurt ngayon. He cannot two time. It is against their unspoken rule.

Nagbitiw ang dalawa. Halatang nahiya si Candice sa naganap sa pagitan ng dalawa dahil hindi ito makatingin kay Kurt.

Maya maya ay tumingin sa kanya si Kurt at sumenyas.

Napatiim bagang siya bago sumunod rito. What the fuck is his friend doing? Kanina lang ay binastos nito si Candice tapos ngayon bigla nitong hahalikan.

Hindi niya ito maintindihan. Is he doing drugs now? Para kasing bigla bigla nalang itong nag-iiba ng mood. Hindi naman ito ganoon. Ngayon ang unang beses na mainitin ang ulo nito sa mission nila.

What is this man taking? What is Kurt thinking while kissing one of their hostiles? Hindi ba ito natatakot sa CO nila? Col. Martinez will be furious once he learn this. Sa inaanak pa talaga nito iyon ginawa ni Kurt.

He is breaking the rules of engagement. Malaking kasalanan ito sa hanay nila.

Napailing siya ng makitang pinasan na nito si Candice.

Nahihimigan naman niya na attracted rito ang dalaga pero alam niyang kaya niyang i-divert ang atensyon nito sa kanya. Only if Kurt will back off.

He should back off dahil determined siyang makuha si Candice. Habang nakikilala niya ito ay lumalakas ang atraksyon niya rito.

She is not just a beautiful face, she is more than that. May katangian ito na hindi niya basta basta mahahanap sa ibang babae. She is strong principled and she asserts for what she thinks is right.

Alam niyang napahalik lang ito kay Kurt dahil gulong gulo ang isip nito. Iyon ang sinamantala ng kaibigan niya para makascore rito.

He better talk to him about her. Babakuran niya ang dalaga from his friend. Ano ngayon kung superior niya ito? Hindi naman naging problema sa kanila ang babae dati.

Iwinaksi niya ang personal na interest. He needs to focus on their mission. Napatingin siya sa dalawang dayunan na  nasa di kalayuan. He walk towards them at dinaluhan ang dalawang banyaga. Naratnan niyang magkayakap ang mga ito.

"Are the two of you okay?" He asked wearily.

Sabay na tumango ang dalawa.

"We will do another hike to reach the post. We will be picked up by a chopper there." He explained.

"Thank you officer for saving my life." Sabi ng maluha luhang si Lola Brett.

"You do not have to say thank you, Madam. It is our duty to protect you." He said humbly.

"The Australian government will be very happy to know that you did your best to rescue and protect us." Ang asawa naman ngayon ang nagsalita.

"We are happy to have pleased them."

Luminga siya sa paligid at ng masigurong walang kalaban ay muli niyang kinausap ang dalawang hostile.

"We better keep going. The sooner we reach the post, the better for all of us." Sabi niya bilang hudyat na anumang oras ay aalis na naman sila.

Tumayo na kaagad ang dalawa at inayos ang mga sarili.

These couple must be terrified. Ang dapat sana ay honeymoon ng mga ito ay nauwi sa isang bangungot.

Hindi niya ma-blame ang mga ito for choosing Samal Island as their honeymoon place. Matagal na rin namang payapa ang Samal at wala ng reported kidnapping for how many years. Not until now.

Malas na masasabing ang dalawa pa talaga ang naisama ng mga terorista sa pagdukot kay Candice. Honeymoon na pero naging kidnapping pa.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now