May 02, 2019. 12:30 hours.
Napatingin siya sa dalagang doctor habang humihikbi ito sa isang tabi. Hindi niya ito gustong madamay sa hidwaan nila ng mga militar ngunit nakakita siya ng pagkakataong magamit ang alam nito sa medicina para sa may sakit niyang ina.
Hindi niya akalaing totoo ang sinabi ng kanilang informant na may isang doctor na nagpakilalang inaanak daw ni Colonel Restituto Martinez na nagcheck in sa isang resort sa Samal, Island.
Si Martinez ang nag-utos sa elite team nito na patayin ang ama niya. It was a certain Lt. Ravena who executed the order. Bumangon ang galit sa dibdib niya sa sinapit ng kanya ama.
He is a good father and a loving husband to his mother. Ngunit ngayon ay wala na ito. Pinatay ng mga militar kasama ang iilang ka-grupo nito.
Mabilis lang sanang maghiganti. Ivi-video lamang niya ang babae tapos pupugutan nalang ng ulo. It will be very painful for her ninong to see. But he is not that kind of person. Hindi niya kayang pumatay ng walang kamuwang muwang na inosenteng doctor.
He studied her. She is a beautiful woman. Natural ang ganda na hindi nababahiran ng kung anong kolorete. Pasensinya nalang ito kung nadamay ito sa hidwaan sa pagitan nila ng mga militar.
Unang beses ito na sinubukan niya ang mangidnap. Kailangan nila ng pera para matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang kumunidad.
Pero wala sa plano nila na maisama itong doctor na ito. Nagkataon na naroon ito sa pagkakataong kailangan niya ang galing nito sa medicina.
Jackpot na masasabi na malapit ito sa isang officer na kalaban nila. It will be easy to take revenge.
The truth is, this woman will help him treat his mother. Pagkatapos nitong maoperahan ang nanay niya ay baka ibenta niya ito sa mga dayuhan o di kaya ay iparansom nalang talaga niya ng tuluyan.
The 100 million ransom is just an alibi. Sinubukan lang niyang lansihin ang mga kalaban nila. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang totoo.
"Akbar, ready na ang operating room." Sabi ni Samiya sa kanya na nakapukaw sa kanyang pag-iisip.
Si Samiya ay nursing student na pinakiusapan nilang mag-assist sa doctor na kinidnap niya. She is his dear cousin.
Napatingin siya sa dalaga. "Salamat, Samiya." Bumaling siya kay Dr. Domingo.
"Kainin mo na ang tanghalian mo. May ipapagawa ako sa iyo." He command her.
Nagpunas ito ng luha sa kanyang mga mata bago siya tiningnan.
"Papatayin mo na ba ako pakatapos kung kumain?" She said in an angry voice. Her eyes looked at him as if he is a monster.
He smiled. "O-operahan mo ang nanay ko sa appendicitis niya. Ayusin mo ang pag-oopera dahil doon nakasalalay ang buhay mo."
He saw her startled. Hindi marahil makapaniwala sa sinabi niya.
"Wala akong gamit. Baka mapahamak siya lalo kung hindi natin siya dalhin sa ospital?" She replied wearily.
"May mga gamit na sa operating room. Ikaw nalang ang kulang." He said while looking at her beautiful face.
"Bakit hindi mo siya dalhin sa ospital? Kailangan niya ng intensive care pagkatapos ng operasyon." The doctor said again. Tila may bahagi ng puso niya na napukaw ng concern nito.
"Gawin mo nalang ng maayos ang tungkulin mo. Ako na ang bahala pagkatapos." He said to put a period to the argument.
Kumain na ito sa pagkaing nakahain para rito. Paminsan minsan ay napapatulala ito. Hindi niya ito masisi dahil isa itong bihag.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...