Katulad ni Dr. Domingo ay hindi siya tumigil sa kakatakbo habang papalayo sa kuta ng grupo ng pinsang si Akbar. Siguro naman ay maiintindihan siya nito kapag nalaman nitong sumama siya sa Doctor. Tsaka wala na siyang ibang choice, it's either tumakas siya kasama ang doctor o patayin siya ng mga sundalo.
Hindi niya alam kung kailan siya makakauwi sa Cotabato kapag hinintay niya ang desisyon ni Akbar. Minsan, nasabi nito sa kanya na buwan ang binibilang kapag bumababa ito.
Malapit na ang enrollment sa Unibersidad na kanyang pinapasukan at ayaw niyang matagalan siya sa lugar na iyon. Baka maging dahilan pa iyon na madelay ang kanyang pag-graduate.
Nakikita niyang wala siyang bukas sa kuta ni Akbar. Hindi siya papayag na matengga sa bundok at mamuhay kasama ang mga ito. It is not her way of life. Wala sa isip niya na maging rebelde na kagaya ng pinsan niya.
Napatingin siya sa mga sundalo nilang kasama. Mabibilis tumakbo ang mga ito na tila walang kapaguran. Iyong Guzman ay may dala pang maleta ng doctor pero hindi nito alintana ang bigat niyon.
Napahawak siya sa kanyang bibig ng makarinig ng mga putok sa di kalayuan. Kumusta kaya ang tatlong sundalong naiwanan nila? Buhay pa kaya ang mga ito?
Nagkatinginan sila ni Dr. Domingo. Kahit sa pamamagitan lamang ng ilaw galing sa buwan ay nakikita niyang humihingal rin itong katulad niya.
Napaka-thankful niya sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya kanina. Kung hindi dahil rito ay malamang na patay na siya ngayon. Kinilabutan siya sa maaring ginawa sa kanya ni Guzman at maging ng lider na mga ito na tinawag ng doctor na Xander.
Magkakilala yata ang mga ito dahil first name basis ang mga ito. At hindi magiging ganoon katapang ang si doc kung hindi nito kilala ang sundalo. Hindi niya kaya ang ginawa nitong pakikipagsagutan sa isang armadong sundalo. Nakakatakot iyon.
She was very thankful that she vouched for her. Kahit hindi siya nito lubos na kilala ay tinulungan siya nito. Hindi ito nagdalawang isip na ipagtanggol siya sa mga sundalo. Kahit pa pwedeng ikapahamak nito iyon.
Nang hindi niya na talaga makaya ang pagod ay huminto siya para magpahinga. Ganoon din ang ginawa ng Doctor. Nawalan na sila ng hangin at pagod na pagod na siya. Hingal kabayo na silang kapwa ni doc.
Walang nagawa ang mga sundalo kundi huminto para hintayin sila. Napapahangang napatingin siya sa mga ito. Normal lang ang hininga ng mga ito na parang hindi galing sa malayong pagtakbo.
Anong klaseng training ang ginawa ng mga ito? Bakit parang hindj ito tinatablan ng pagod?Lumaklak ba ng sang katutak na epinephrine ang mga ito?
Habol pa rin niya ang kanyang paghingang katulad ni Dr. Domingo kahit ilang minuto na silang nagoaoahinga. Para siyang sumali sa marathon sa ginagawa nila.
"Doc, 5 minutes lang po ang pahinga. Kailangan na nating magpatuloy." Magalang na sabi noong Monte ang apelyido.
Tumango si Dr. Domingo bago tumingin sa kanya.
"Kaya mo pa ba?" She asked.
Tumango siya. "Opo.Salamat." Taos puso niyang sabi rito.
"Malayo pa ba tayo?" Humihingal na tanong ni Dr. Domingo.
Nagkatinginan ang dalawang sundalo
"Mga ilang oras pa po doc," si Guzman ang sumagot rito.Humugot siya ng malalim na buntong hininga ng lumipas ang 5 minutong pahinga. Nanlalambot na ang tuhod niya sa sobrang pagod. Hindi siya sanay sa ganitong takbuhan.
Pero napilitan siyang pinagpatuloy ang kanyang pagtakbo ng nagsimulang tumakbo si doc Domingo. Alam niyang pagod na pagod na ito pero kinakaya nitong tumakbo pa ulit.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...