Chapter 26-Lorelle

1 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi mawala sa utak niya ang halik na iyon. Unang halik niya iyon sa labi matapos ang labin limang taon. And it was still from Xander.

Her first is also from Xander. Both episodes are sweet. The first is a young innocent one. The second and the third are both mature and passionate.

Napayakap siya rito ng mahigpit habang mabilis itong tumatakbo papunta sa kinaroroonan ni Samiya.

This man right here is her high school sweetheart. Isang taong naging parte ng buhay niya 15 years ago. Naging part ng mga pangarap niya noon.

He has changed a lot and so does she.

What will become of them after that kiss? Ibabalik ba nila ang dati nilang relasyon? Is that a make up kiss?

Paano nga pala ang magiging set up nila? Paano ang maging girlfriend ni Capt. Alexander Kurt Ravena?

Dati ay kilalang kilala na niya ito. Classmate sila mula first year hanggang 4th year. Pero ngayon, what have become of him after 15 years?

What about his preference for women? Will he change it for her? She is not the happy go lucky girl who believes in the you only live once policy. Hindi siya ganoon.

"Hindi ka pa ba pagod?" She asked him after almost an hour of running non stop. Nag-aalala siya rito dahil nasa 60 kilograms din siya.

"We will be there in 15 minutes. Doon na ako magpapahinga." He said without a halt.

"Bakit ka ba talaga nagsundalo?" She asked him for the second time.

Noon lang ito tila natigilan. Pero saglit lang iyon dahil nakabawi ulit ito at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Para maiba naman," he replied shortly.

"I thought you will took over your business after college." She said truthfully. Hindi niya talaga inasahan ang magiging career nito.

"Business is boring, and besides my brother is happy in managing the business now." She can sense the happiness in his voice while saying that.

Kilala niya ang bunso nitong kapatid. He is 3 years younger than him. He is as handsome as Xander.

"Alexis is running the business now?" Hindi niya naitago sa kanyang boses ang tuwa. "Akala ko magpapilot siya?"

"He did not. He was compelled by my mom to run the business. He is married now with one kid."

"Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Akalain mo, nauna pa siya sa atin!" She exclaimed.

Napakamahiyain kasi ni Alexis. She can still recall his charming brother

"Sinong napangasawa niya?Kilala ko ba?" She asked again.

"A college friend, nakilala ni Alex noong pumasok ako sa PMA."

"You mean an AFP member?" Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain ang tahimik na Alexis ay makakapag-asawa ng babaeng militar.

"Yes." Maikli nitong sagot.

"Ikaw, bakit hindi ka nag-asawa?Anong pinaggagagawa mo sa loob ng 15 years?" She tried to lighten the mood and interrogate him at the same time.

Curious lang talaga siya sa isasagot nito. Ano kaya ang reason na hindi pa ito nag-asawa hanggang ngayon?

Siya ba ang dahilan?Gusto niyang sabihin nito na dahil sa kanya kaya hindi pa ito nag-asawa.

"Mahirap magseryoso sa babae. Nadala na ako. Nang-iiwan nalang bigla ng hindi man lang nagpapaalam."

Nakonsensiya siya sa sinabi nito. Is it her fault that he is still single now? But it is okay dahil may chance pa siya rito kung gusto nitong maging sila ulit.

"I am sorry if I left without saying goodbye. Hindi na rin kita nacontact dahil nasira na ang cellphone ko nang umalis kami ni Mommy. Nang mawala ang Daddy ay hindi na ako ulit nakabili ng cellphone kaya nag-expire nalang ang sim ko."

Hindi niya sinaulo ang number nito dahil hindi niya naman inakalang masisira ang cellphone niya. Walang cellphone ang Mommy niya dahil kasama ito sa mga ibenenta nito para maitaguyod siya sa magandang paaralan.

Pinagsisihan niya na hindi niya inilista man lang ang number ni Xander sa mga notebooks niya. Sana ay nagkaroon sila ng contact.

"I heard about your Dad kaya pumunta ako agad sa bahay ninyo. But I was not able to see you there. Ang sabi ng nadatnan naming tao roon ay umalis na kayo for good."

Tumango siya. Totoo iyon. So pumunta pala talaga ito sa bahay nila?

"Gusto ko sanang puntahan ka kung alam ko lang kung saan kayo lumipat. Pero hindi rin alam ng mga nadatnan ko kung saan kayo pumunta. Ang sabi lang sa Maynila raw ang punta ninyo."
He recalled with pain in his voice.

Lalo siyang nakonsensiya. Grabe pala ang effort nito para lang mahanap siya.

"Ilang buwan rin akong nagpabalik2 sa bahay ninyo. It is very painful every time kasi wala talaga akong makuhang information."

"Hindi na kami bumalik kasi ayaw na ni Mommy na maalala si Daddy at ang good memories namin sa bahay. Ibenenta na namin ang bahay kinalaunan para matustusan ang pang college ko."

"Did you really love me then?"

Hindi siya nakahuma sa tanong nito. Ganoon ba kasakit para rito ang pagkawala niya kaya nakapagtanong ito ng ganito?

"Xander, what was between us 15 years ago is true. Minahal kita ng totoo dati." She said sincerely. At mahal pa niya ito hanggang ngayon.

He went silent after her last statement. Nag-alangan na rin siyang magsalita.

Hindi na ito kumibo hanggang sa narating nila ang marine post na pinagdalhan kay Samiya.

Hindi na sila muling nagkausap dahil busy na siya habang ginagawa ang tungkulin niya bilang doctor.

Samiya needs her help. Hindi siya makapapayag na hindi ito mailigtas. She will do everything to ensure her safety.

Kahit masakit ang paa niya ay isinagawa niya ng mabilis ang operasyon. Si Pfc Agodo ang naging assistant niya sa operasyon.

Malalim ang natamong sugat ni Samiya sa kanang balikat. Kinilabotan siya ng maisip na tatagos sana sa kanyang dibdib ang balang tumama rito kung hindi siya nito niyakap.

What got into her mind for doing that? Bakit nagbuwis ito ng buhay para sa kanya? Kaunti nalang ay matatamaan na ang baga nito.

Napahinga siya ng maluwag ng makita ang bala. Kinuha niya ito gamit ang tissue forceps.

Lumakas ang pagdugo ng bahaging iyon ng tanggalin niya ang bala.

"Hemostat forceps, please," sabi niya sa kanyang assistant para ipitin ang bleeder vessel.

Pinagpawisan siya. Kailangan niyang i-ligate ang bleeder blood vessel nito.

"Give me more light. Hindi ko masyadong makita ang bleeder."

Tumalima kaagad si Pfc Agodo sa kanya.

Inipit niya ng hemostat forceps ang bleeder vessel ni Samiya. She ligated the vessel carefully. Tatlong reinforcement ligation ang ginawa niya para makasiguro.

Napatingin siya sa pasyente niya. Namumutla na ito sa dami ng nawalang dugo rito.

"Samiya, stay with me. Kailangan kang mabuhay. I still have to repay you for saving my life." 

Hindi niya ito gaano ka kilala pero itinuturing niya itong importanteng tao sa buhay niya. Parang kapamilya na kailangan niyang isalba.

Kung hindi nito sinalo ang bala na para sana sa kanya ay baka siya at hindi ito ang nasa operating table ngayon.




LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now