Chapter 40- Lorelle

2 1 0
                                    

Naiwanan siya ni Kent sa dalampasigan nang sumama ito sa mga kasamahan nila at naligo sa dagat. Masaya niyang pinagmamasdan ang mga kasama nila habang masayang naglalaro at nagtatampisaw sa tubig.

What just happened earlier is mind boggling. Hindi niya rin alam kung bakit napasukan ng demonyo ang utak niya at nakipagshowdown siya sa current gf ni Xander.

Pinagsisihan niya iyon. Para na rin siyang bumaba sa level nito sa ginawa niya.

Naiintindihan niya ito. She was just jealous. Lahat ng babaeng nagseselos ay ganoon ang magagawa o higit pa.

Kahit sinong gf ay mate-threatened sa ex kung lalabas na walang closure at mukhang hindi pa nakakamove on ang bf sa past nito. Kahit naman siya ay magagalit.

Mali kasi si Xander, dapat ay hindi na nito binigyan ng rason si Belle na magselos. Pafall din kasi itong ex niya. He is not a good actor, one of the  worst.

Manhid ito. Hindi nito alam na nasasaktan ang mga damdamin nila ni Belle sa mga sinasabi nito.

Akala niya ba niya ay magaling ang mga sundalo at laging mind over matter ang mga ito?

Babae rin siya. Alam niyang masakit ang marinig lahat ng mga sinabi ni Xander kanina. Kung siya si Belle ay kanina pa siya nagwalk out.

Speaking of Belle, she needs to apologize to her. Imbes kasi na maki-emphatize siya ay dinagdagan niya ang selos na nararamdaman nito.

Napakislot siya ng maramdamang may nakatingin sa kanya behind her.Lumingon siya at nakita si Xander na matamang nakatingin sa kanya.

Napasinghap siya with the sight of him.

Nagtama ang mga mata nila. Nagbaba siya ng tingin agad. Bagay na pinagsisihan niya dahil sa katawan naman siya nito napatingin.

Hindi pa nito naisusuot ang sando nito na hinubad kanina sa stripping game  kaya tumambad sa kanya ang 8 packs na abs nito.

Kanina sa stripping game pa siya naasiwa na makita ang katawan nito. Lalo na nang pumulupot rito si Belle ng mahigpit.

Gaya ng mga kasamahanan nito ay bato bato rin ang mga muscles nito sa katawan. Masculity is well showcased in these men.

She is his number one fan
back in high school noong nagbabasketball pa ito. Noon ay nakikita lang nila ang braso nito sa jersey, ngunit ngayon ay half body na talaga.

Ano ba itong ginagawa niya.Bakit pinahpapantasyahan pa niya ito?Iiwasan nga niya diba?

Mas ibinaba niya ang tingin ng lalo itong nakalapit sa kanya.

Maya maya ay huminto ito sa tabi niya. Her heart is acting weird again. Sa tanda niyang ito ay kinakabahan pa rin siya sa mga ganitong pagkakataon na magkalapit sila.

"Pwede ba kitang tabihan?"In his baritone voice he asked ng mapatapat ito sa kanya.

Bahagya siyang tumango bilang pagsang ayon rito. Mabilis itong tumabi sa kanya.

She can smell his scent now. It still his perfume way back 15 years ago.At ganoon pa rin ang tama nito sa kanya. It is making her heart beats irregularly.

Ilang inches lang naman ang pagitan nila. He occupies the space that Kent emptied earlier.

Walang isa sa kanila na nagsalita matapos itong nakaupo sa tabi niya. Nagpakiramdaman sila.

Ano pa ba ang gusto nitong mangyari? Bakit iniwanan nito si Belle at nagpunta pa ito sa kanya? He should comfort her gf and assure her na siya ang mahal nito at hindi ang ex nito who happened to be her.

"Ano ba talaga ang plano mo?" Binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila.

Napatingin ito sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito.

"Instead of comforting your girlfriend ay narito ka sa tabi ko, gusto mo ba talagang magmukha akong masama sa harap ng mga tauhan mo?"

Ayaw niyang isipin na ganoon nga ang gustong mangyari ni Xander pero iyon ang naiisip niyang dahilan nito for tormenting her like this.

"Alam mong hindi ko magagawa iyan sayo." He said while looking at her longingly.

"Stop this Xander, nakikita mo naman di ba? Nagkakamabutihan na kami ni Kent. May Belle ka na, bakit hindi nalang siya ang atupagin mo? Tantanan mo na ako."

Nakita niya ang pagbahid ng lungkot sa mga mata nito ng marinig siya.

"Is that what you really want?Layuan kita?"

"Yes, dahil iyon ang tama. If you keep on doing this, you will complicate things. Nakita mo ang nagyari kanina? It will come to worst kapag ipinagpatuloy mo ang paglapit sa akin."

Baka magkasakitan na sila ni Belle sa susunod na engkwentro nila.

"Kahit pa ikaw pa rin ang mahal ko?Kahit ngayon din ay hihiwalayan ko si Belle para sa iyo?"

Kinastigo niya ang puso niyang natuwa sa sinabi nito. Hindi niya dapat ikatuwa ang downfall ng ibang tao. Breaking up with Belle just to prove na siya ang mahal nito is a BIG mistake.

"A mistake cannot be corrected by another mistake. Hindi mo maayos ang sa atin kapag sinaktan mo si Belle. Hindi laruan ang mga babae na kung ayaw mo na ay itatapon mo na."

Tama naman ang sinabi niya diba? Iyon ang prinsipyo niya sa buhay kaya ayaw niya ng two timing. Kahit pa sabihin nitong mahal siya nito at kahit pa sabihin niya rito na mahal rin niya ito ay makakasakit pa rin sila ng tao. It is still very wrong.

"And besides, hindi ibig sabihin na kapag hihiwalayan mo si Belle ay automatic na okay na tayo. Hindi na tayo mga teenager Xander, we are grown ups. We have more serious matters to deal with rather than plain feelings."

Napahugot ito ng malalim na buntong hininga matapos marinig ang mga paliwanag niya rito.

"I don't know about you, but, mahal pa rin kita. Iyon lang ang mahalaga para sa akin. Grown ups or not importante pa rin kapag may feelings."

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. May point rin naman ito.

"When I saw that terrorist who is targeting you, isa lang ang pumasok sa utak ko." He paused and look at her with his mysterious eyes.

"What is it?" She asked.

He continued. "I have to protect you, you are the only one who matters at that moment. I could take that bullet for you, just to protect you."

Napatingin siya rito. Totoo ba ang sinasabi nito o pinapadama lang siya nito?

Pero hindi ito sinungaling dati at kilala niya ito kapag nagsisinungaling.

"Simula high school ikaw lang ang nandito." Humawak ito sa dibdib nito.

"Pinilit kitang kalimutan, ilang babae ang dumaan sa buhay ko pero ang lakas ng tama mo."

Napatingin ito sa kawalan. She look at him eagerly.

"Akala ko, kaya hindi ka mawala wala sa isip ko, kasi, wala tayong closure. You just left eh, nang-ghosting ka. Pero ng makita kita sa kubo na iyon bumalik lahat ng feelings sa puso ko."

Gusto na niya itong awatin sa pagsasalita para matahimik ang pag-aaklas ng puso niya. Gustong gusto na nitong magsabi rito ng tunay na nararamdaman na pinipigil ng isip niya.

It is true. The heart is not as logical as the brain. It is emotion based, while the brain is fact base.

"Maghihintay ako sayo,  Lorelle, kahit for another 15 years. Basta bigyan mo lang sana ako ng chance." He sincerely said na napatingin ulit sa kanya.

"Only time can tell, Xander." She said with a narrow smile. With this complication only time can really tell.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now