Nakonsensiya siya ng makitang umiyak si Lorelle. Hindi niya matagalan ang makita ang mga luha nito. Kasalanan niya kung bakit ito umiyak. Dapat ay hindi niya ito sinumbatan.
He snapped, napuno ng galit ang puso niya. Ngayon lang kasi siya naharap sa ganitong sitwasyon.
Ipinahamak sila ng maling judgement ni Lorelle. Wala namang ibang pwedeng nagsumbong sa kanila para mahanap sila ng mga terrorist na naka-engkwentro nila kanina.
The muslim woman is the sole culprit.
Maya maya ay lumapit sa kanya si Kent na halatang nainis sa ginawa niya kanina.
"Bok, ano 'yon? Bakit kailangan mong bastusin si Candice?" Kent asked him, nagtataka ito sa inasal niya.
Hindi siya umiimik at pinagmasdan lang ang dalagang dinadaluhan ni Samiya. Nasa mga dalawampung metro ang distansiya nila kay Lorelle at sa muslim.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. He was wrong. Kailangan niyang humingi ng tawad. Kapag nalaman ng CO nila ang sinabi niya sa dalaga ay masasabon siya nito.
"Bad trip, bok. Nadala ako ng galit ko. I should apologize to her." He sighed.
"You should be, masyado kang tight bok, relax ka lang. Huwag masyado mainit ang ulo mo."
"'Tang ina naman kasi!" He cursed. Normal lang iyon sa kanila kapag galit. "Bakit ba kasi pinakinggan ko siya kagabi. We should just killed that muslim bitch para wala sana tayong problema ngayon."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, bok? Hindi pa natin confirm na siya nga ang nagtimbre sa mga kalaban. Lorelle has a point. We search her pero wala kaming nakita sa kanya."
"Nakapagbihis na yan eh, baka itinapon na kanina habang malayo sa atin. Walang ibang pwedeng magsumbong sa atin kundi siya lang."
"Hindi sila Akbar ang nakaengkwentro natin. Ibang grupo sila. Baka nagkataon lang talaga na narito sila sa malapit." Kent explained his point.
May punto rin naman ito. May malaking chance na nagkataon lang na naroon sa pick up point nila ang mga napatay nilang terorista.
Natigilan siya ng mahagip ng mga mata niya ang isang tao na gumagapang palapit sa isa nilang kasama.
Huli na para sumigaw siya dahil nagpaputok na ang mga kalaban nila. Itinulak niya si Kent para mapadapa ito bago siya dumapa. Napatingin siya sa kinaroroonan ng dalaga, narinig niya ang sigaw ng dalawang babae ng magsimula ang palitan ng putok.
Nag-alala siya sa para kay Lorelle kaya gumapang siya palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Baka kung anong ginawa rito ng babaeng muslim.
"Men, get cover. Ina-ambush tayo, siguraduhin ninyong ligtas ang mga hostiles." He said using their commu.
Nang mapalapit siya kay Lorelle ay nakahinga siya ng maluwag. She was covered by Samiya habang nagkakaputukan.
Lihim siyang nagpasalamat sa ginawa ng dalagang muslim.Nakonsensiya siya ginawang pagdududa rito. If she is a foe, hindi nito gagawin iyon sa dalagang doctor.
Nakita niyang minandohan ni Agodo ang mga ito na gumapang at maghanap ng matataguan.
He crawls towards Lorelle and Samiya.
At last, he was able to reached her. Napatingin ang luhaang mukha nito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Her eyes is full of fears.
"It is going to be okay. Hindi kita pababayaan. Just trust me, Lorelle." He gave her assurance.
He supported her para makahanap ng area kung saan pwede itong magtago. Kasama niya si Agodo habang naghahanap sila ng magandang cover para sa mga babae, ito naman ang sumuporta sa muslim.
Kinocover sila ni Kent at Aranas habang naghahanap ng safe spot para pagtaguan ng dalawang hostile.
Napasigaw ulit ang dalawang babae ng sa ilang metro mula sa kanila ay pumutok ang isang mortar. Napatiim bagang siya.
Sinenyasan niya si Kent na puntiryahin ang taong may hawak sa mortar. Agad naman itong tumalima para sumunod sa kanya.
"Junco, Roco, targetin nyo ang may hawak ng mortar." Utos niya sa mga snipers nila ng mahirapan si Kent na patamaan ang target nito. Malayo kasi rito ang target. Kailangan ng long range gun para matamaan.
Napatingin siya kay Lorelle at lihim na pinasadahan ang katawan nito. Baka natamaan na ito ng ligaw na bala.
Wala naman siyang nakitang dugo kaya alam niyang wala itong tama.
"Are you okay? May tama ka ba? Nasaktan ka ba?" Hindi niya napigilang tanungin ito.
Napatingin ito uli sa kanya. Litong lito at takot na takot ang mga mata nito. Napahikbi ito bago tumango.
"Kailan pa ba matatapos ito, Xander? Hindi ba nila tayo titigilan habang buhay pa tayo?"
Wala sa loob na niyakap niya ito.
"Hanggat nandito ako, walang mangyayaring masama sayo. Mamamatay muna ako bago ka nila makuha ulit." Mataman niya itong tinitigan.
Sa wakas ay nakakita sila ng pwede nilang pataguan sa mga ito. Isa iyong nabuwal na punong kahoy na napakalaki.
Pinadapa niya ang mga ito sa likod ng punong kahoy.
"Stay here. I will go back to you kapag na neutralize na namin ang mga kalaban." He told her.
Napatitig siya rito ng hawakan nito ang mga braso niya.
"No, please samahan mo ako rito Xander. Dito ka lang" Nagsusumamong sabi nito na hinawakan na ang kanyang kamay.
He kiss her in her forehead.
"Babalik ako promise."
"Pero-"
"Kailangan ako ng mga tauhan ko. Kailangan ko silang tulungan para matalo namin ang mga kalaban."
"Ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin." She said in a very worried face.
"I will not. Kailangan ko lang tulungan ang mga kasamahan ko. I will be back, I promise." He said gently. Hindi niya napigilang hawakan ang mukha nito at muli itong halikan sa ulo.
"Mag-iingat ka." She said wearily.
"I will." He said with a happy heart. Kailan ba niya huling narinig ang nag-aalala nitong tinig?
He leaved her with Agodo and Samiya.
Parang bumalik sila 15 years ago. When they are still sweethearts. Napakasarap marinig mula sa mga labi nito ang concern.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka hindi na talaga niya ito iniwanan.
Her concern for him and him for her, hindi nawala ang mga iyon sa loob ng mahabang mga taon. And his love for her hindi rin ito nawala sa gitna ng maraming taon.
He glance at her. Nakatingin pa rin ito sa kanya with her worried look. Sa unang pagkakataon sa buhay niya. Natakot siya na baka matamaan siya ng bala.
It is her concerned look that made him feel afraid. Hindi siya takot na masaktan kundi takot siyang iwanan ang dalaga. Takot siyang hindi na ito makita ulit.
Paano kung mapuruhan siya at hindi na siya mabuhay pa? He will truly miss her.
Gusto pa niya itong makasama. Gusto niya itong samahan para maging ligtas ito. Paano niya gagawin iyon kung mapapahamak siya?
The fifteen years that they were apart never made any changes in his feelings towards her. Nanahimik lang pala ito sa bahaging iyon ng puso niya. Naroon pa rin ito at ito pa rin pala ang nagmamay-ari ng puso niya.
Kaya pala sa dinami dami ng babaeng nakasama niya ay empty pa rin siya. Parang laging may kulang sa buhay niya. Narito lang pala ang sagot sa kanyang kahungkagan.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...