"Aalis kami ulit ng team for another mission, mag-ingat ka rito habang wala kami." Sabi niya kay Lorelle na halatang nangangamba para sa kanya.
Hindi niya na makuhang mainis rito dahil nakikita niya sa mga mata nito ang worry for him.
"Ingatan mo rin ang sarili mo, ano mang misyon ang pupuntahan mo tanging dasal lang ang maipapabaon ko sayo."
"Salamat." He said kahit mas marami pa siyang gustong sabihin rito.
She stared at him longingly. Parang may gusto pa itong sabihin na kinikimkim lang nito.
Then she made a move and embrace him tightly. Bahagya siyang nagulat sa ginawa nito. But he return her warm hug.
"Mag-ingat kayo ni Kent at ang buong team. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa iyong masama at sa buong team." Habilin nito sa kanya.
Hinagkan niya ang buhok nito bago bumitaw rito. Ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag-aalala para sa iyo na napakahalaga sayo. Parang ayaw na niyang tumuloy at gustong samahan nalang ang dalaga rito sa Brigade but he needs to rescue Belle.
Pakiramdam niya ay may kasalanan siya kaya na-abduct ito. Kung hindi sana sila nag-away. Kung sinamahan niya sana ito. Sana hindi ito nabihag ng mga kalaban nila.
Kung hindi sana niya ipinaramdam rito na may iba siyang gusto. Kung naging mas sensitive sana siya nararamdaman nito baka naiwasan niya ang pangyayaring ito.
"We have to go." Sabi niya para makalayo rito.
"Please come back to me safely."
Tumango siya. Masakit sa dibdib na iniwan niya ito. If only walang Kent na namamagitan sa kanila ay maniniwala siya na mahal pa rin siya nito. But what he saw last night is a proof that she has a change of heart.
Sakay ng kanilang military vehicle ay naglakbay sila at pinuntahan ang last place na nakita si Belle at ang sasakyang kinalulunanan nito.
Naglakbay sila via foot mula roon. Kung kailangang suyurin nila ang buong Sulu ay gagawin nila para lang makita si Belle.
She must be very frightened now. Naalala niya kung paano ito magsuot ng damit. Her wardrobe preference is daring and provoking. Paano kung napahamak na ito ngayon? What if sinapian ng kademonyohan ang mga abductors nito at ginahasa na ito?
Hindi pa kumucontact sa kanila ang mga kidnappers nito kaya nahihirapan silang i-trace ang location ng mga ito.
Ilang oras na silang naglalakad ng walang tigil. Kaya naisipan nilang magpahinga at kumain sa isang secure na lugar.
"Bok, kain na." Pukaw ni Kent sa pag-iisip niya. "Makikita rin natin si Belle."
He is still mad at Kent but he has to air some of his thoughts or else he will go crazy thinking about it.
"Pinalaya niya ako kagabi tapos ngayon ganito ang mangyayari." He bitterly said.
Nakita niyang natuwa ito sa sinabi niya. Kent is sometimes hard to configure, hindi ito dapat matuwa dahil magiging karibal na siya nito kay Lorelle.
"Wala na pala kayong problema ni Candice pagkatapos nito?" He said with a smile.
"Ikaw nalang." He said seriously.
Tumawa ito. "Paanong ako? Ang gulo mo talagang kausap, bok."
Napatiimbagang siya sa sinabi nito. Bakit pa ito nagsisinungaling sa kanya?
"Gago ka, nakita ko kayo kagabi." Nagngalit na naman ang puso niya ng maalala kung paano nito niyakap at hinalikan ang Lorelle niya.
"Tanga!Kaya ba galit ka sa amin?Akala mo may namamagitan sa amin?" Natatawang sabi nito sa kanya habang sumusubo.
YOU ARE READING
LOVE AND DUTY Series: Xander❤Lorelle
RomanceCandice was kidnapped while enjoying her first ever vacation after she become a physician. She was taken by her abductors in the war zone island of Sulu. With the help of her ninong, she was rescued by elite warriors of AFP. To spice things up,one...