Chapter 9-Candice

4 0 0
                                    

Matagal na siyang nakahiga sa matigas na papag. Pagod na pagod ang katawan niya sa buong araw.

Mula sa pagkidnap sa kanya ay hindi na siya nakatulog ng maayos. Habang nasa bangka sila ay kung anu ano ang pumapasok sa isip niya.

Napakaraming tanong sa isip niya. Ano ang naghihintay sa kanya sa lugar na ito ng mga abductor niya? Makakaalis pa kaya siya sa mga kamay ng mga dumukot sa kanya?

Ngayong natapos na ang pag-opera niya nanay ni Akbar, ano ang mangyayari sa kanya? Ngayong nagawa na niya ang nais ni Akbar sa kanya, ano ang susunod sa plano nito?

Papalayain ba siya nito? Gagantimpalaan ba siya nito sa pagsagip niya sa ina nito?

Napakislot siya ng dahan dahang bumukas ang pinto ng kwartong pinagpapahingahan niya.

Nakita niya ang ulohan ng baril bago pumasok ang isang lalaking terorista. Napabalikwas siya sa pagkakahiga.

Namumukhaan niya ito. Kasama ito ni Akbar sa pagdagit sa kanya. Napapansin niya na matagal ng malagkit ang mga tingin nito sa kanya. Nakaramdam siya ng panganib.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Shhh" Inilagay nito sa mga labi ang kaliwang hintuturo.

Heto na naman ang panibagong panganib. Alam niya na may masama itong balak sa kanya.

"Pagbigyan mo na ako, doc. Hindi naman kita sasaktan basta huwag ka lang mag-iingay." Nakangisi nitong sabi.

Napalinga siya sa paligid. Wala siyang pwedeng magamit para ipanlaban rito.

"Mabilis lang ito doc, basta wag ka lang maingay." He step forward towards her.

Kinakabahang pinagana pa rin niya ang utak niya. Paano niya ito iiwasan at tatakasan?

Nahagip ng mga mata niya ang Durian na nasa mesa. If she could only reach it. Pwede niya itong gamitin para makatakas rito.

She move towards it. Kunwari ay pupunta siya sa bahaging iyon ng kwarto dahil takot na takot siya.

"Kuya, parang awa na po ninyo. Huwag po ninyo akong gagawan ng masama." She tried to plea for her virginity while moving towards the table.

"Oppps!Saan ka pupunta?" Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

Hinayaan niya ito kahit baboy na baboy siya sa ginagawa nito. Napapikit siya habang minamaniobra ng kanyang mga kamay na mahawakan ang durian sa likuran niya.

The terrorist is now kissing her neck. Nanghilakbot siya sa ginagawa nito. Pero nagpaubaya siya. Hinayaan niya ito kahit naririmarim siya sa ginagawa nito.

"Iyan hayaan mo lang ako at patatakasin kita 'pag natapos ako sa'yo." He said while kissing her collar bone. "Ang bango mo doc, ganito pala ang amoy ng taga Maynila." Sabi nito habang sinasamyo siya.

Habang nag-eenjoy ito sa ginagawa ay  dahan dahan niyang itinaas ang durian gamit ang dalawa niyang kamay. Nang maitaas ito ay buong lakas na ibinagsak niya iyon sa batok ng lalaki.

Napasigaw ito sa sakit at umatras habang tila nahihilo. Iyon ang pagkakataong hinintay niya para tumakbo palabas ng kubo.

Akala niya ay makakatakas na siya rito pero nasa pinto na siya ng harangin siya ng isa pang terorista.

"Saan ka pupunta, doc?Hindi pa kami tapos sa'yo!" Sabi ng lalaki bago napatingin sa kasamang lalaki. Itininutok nito sa kanya ang hawak niyong balisong.

Bumalik siya sa loob ng kwarto, napaatras. Wala na siyang mapupuntahan. Nasukol siya. Nakita niyang nakakarecover na ang isang hinampas niya ng Durian. Galit na galit ito.

LOVE AND DUTY Series: Xander❤LorelleWhere stories live. Discover now