Flight MG-014: Necklace

8.3K 252 38
                                    

Mason has been busy for the past few weeks. Sunod sunod na ang flights niya at puro overtime pa.

He was in Caticlan today and he sent me a message as soon as they landed.

Mason:
We just landed. Love you.

Me:
Okay. Don't forget to eat your breakfast. Love you, too.

"Nasa hallway lang ang Clinical Instructor mo, baka makita kang nagce-cellphone, magkaka-violation slip ka niyan." Nagulat ako nang biglang magsalita si Dr. Riego.

Nasa loob ako ng Nurses' Station ngayon sa ward at nagpa-plot ako ng data sa chart ng patient ko habang ka-text si Mason.

"Sorry, Doc." Tinago ko agad ang phone ko.

"It's fine. 'Wag ka lang magpahuli. When I was still a nursing student, lagi rin naco-confiscate ni Dr. Garcia ang cellphone ko." Ngumiti siya at tinuro ang Clinical Instructor ko na nakatayo sa hallway at kausap sila Gia.

"Pasaway ka rin pala, Doc Carlos, e." Sabi ko.

Inabot niya sa akin ang isang chart. "Kunin mo rin 'tong pasyente na 'to. Alagaan mong mabuti, ha."

Kinuha ko ang chart sa kaniya at ni-review ang case ng patient. "Doc, ang toxic naman nito. May galit ka ba sa'kin?" Panloloko ko.

Ngumiti lang siya. "Kayang kaya mo 'yan. Sanay ka naman sa ICU, e. Blood transfussion at 9am, then check the vital signs every 15 minutes for the first hour, every 30 minutes for the next hour then every 1 hour na yung next. On seizure precaution din yung patient kaya dapat less stimulus. Tapos monitor the intake and output every 1 hour. I need updates. Intravenous lahat ng meds, ha? Baka magkamali ka. Tapos NGT feeding every 2 hours, milk-based naman, 'yon."

Grabe feeling ko pasan ko na ang mundo.

Tinalo pa nito ang duty ko sa ICU.

"Okay, Doc." Sabi ko na lang.

Pinaparusahan niya ba ako? I'm sad, mukhang mato-toxic ako today.

Umalis na si Dr. Riego sa station at nagprepare na rin ako ng medications ng patient ko. I went to the blood bank para kuhanin na ang ni-request na blood for the patient. I validated the blood information with another nurse before hooking it to the patient. Nakailang pabalik balik rin ako sa kwarto ng pasyente ko kaka-check sa vital signs and output nito.

I charted everything bago kami umuwi. Pagod na pagod na ako.

I sent Mason a text before going home, telling him how my day went and how tired I was dealing with three patients.

I was in my condo with Gia at gumagawa kami ng case analysis when I heard my doorbell rang.

"Are you expecting someone?" Tanong ni Gia.

"Um, no? Ikaw? Nagpadeliver ka ba ng food?" I returned the question to her.

"Hindi rin. Wait, ako na, I'll get the door." Sabi niya at tumayo para buksan ang pinto.

I watched her walked away and disappeared in the foyer.

Pagbalik niya ay may dala na siyang isang bouquet ng flowers at mga chocolates.

"Sige, ikaw na may love life, ako na ang single. I'll probably die alone and lonely. Malalandi kayo, nakakasakit ng feelings!" Natatawang sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak.

"Mason?" I asked.

"Walang name, e. And sabi ng delivery guy itinawag lang daw sa shop nila because the one who ordered it came from afar. Pero kanino pa ba manggagaling 'yan? Kainis ka, inggit ako." She playfully glared at me.

Scars and Skies Above (Sky Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon