Chapter 1

2.6K 55 4
                                    


I was once studied as a nurse (sa mga tao ha), pero dahil minsan ako masipag at madalas tamad, sa pagiging nurse ng mga aso ang bagsak ko. Di kasi ako nakapag-tapos. Pero di naman talaga ako nurse ng mga aso eh,  assistant ako ng isang veterinary doctor. I'm a doctor's assistant. Okay, iningles ko lang. Muehehe

Saklap ng life diba?

Pero kahit ganun ay masaya naman ako. Mas masarap din naman magtrabaho dito kasi makakakita ka ng iba't-ibang klase ng aso.  Mahilig din kasi ako sa mga aso.

I'm Clyte Almendras nga pala. Twenty-five pero NBSB. Virgin pa ako mga besh. Ayaw kasi sa akin ng mga lalaki kasi daw maliit lang ang dyoga ko! I'm five foot and six inches in height, long straight black hair, kissable lips (pero walang gustong humalik), hindi naman kapanguan ang ilong ko pero pwede ng tawaging matangos.

Tanginaaa! Anong pinagkaiba ng malaki at maliit na dyoga mga boys? Parehas namang may nipple yun kung gusto nyo lang dumede diba? Ehehe!

Maganda naman ako, kinulang nga lang sa dibdib. Natulog kasi ako nung naghagis ng mga malalaking dyoga ang diyos, kaya ayun, parang pinaglihi sa tagtuyot ang dibdib ko.

Five years na akong nagtatrabaho ditong Ausy Paws Clinic, pero ni minsan hindi ko pa nakikita ang tunay na may-ari dito. Yung pinsan nya lang na vet doctor ang minsan kong kasama rito. Madalas kasi ako lang mag-isa.

Bakit nga ba hindi, kung ang clinic na 'to ay parang karo ng mga patay ang usad.

Matumal mga teh, lalo na ngayon, may nagtayo na naman ng clinic sa tapat ng clinic namin. O diba? Nakakainsulto na kung sino man ang may-ari ng clinic na yun! Tssk!

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat..." Pakanta-kanta nalang ako kasi, wala talagang customer.

Kahit mga walang-kwenta na mga kanta pinatos ko na. Ayaw ko pang matulog. Mamaya nalang. Hehehe.

Paupo na ako sa monoblock chair dun nang tumunog ang chimes, akala ko customer na, si Doc Sev lang pala. Ito yung pinsan ng may-ari nitong clinic na pinagtatrabahuan ko.

Gwapo, hot, matangkad pero gago. Kala nya siguro may sanga ang notch nya kung sinu-sino nalang na babae ang kinakama nya.

"Hi Klay!!" bati nya sa akin habang may hawak na milktea. Sana all milktea.

"Hi din po Doc Sev.." nakangiting bati ko rin sa kanya.

"Wala pa bang customers?"tanong nya.

Kung maka-customers eh noh? Akala naman nya dinadagsa ng tao ng clinic na 'to.

"Wala eh. Narinig nyo po ba ang ingay dyan sa tapat? Clinic din yan eh. May gana pa talaga silang makikipag-kumpetensya sa atin e noh?" Nakabusangot kong saad.

Tumawa lang sya sabay iling. Anong masama sa sinabi ko? Okay lang talaga sa kanila kahit walang kita? Ganun na ba sila kayaman? Whoa! Sana all mayaman!

Hmm panigurado naman na well-experienced 'to sa mga babae kaya pwede ko sigurong tanungin sya kung anong gusto ng isang lalaki maliban sa malaking dyoga. Siyempre, gusto ko na rin kasing magkaroon ng boyfriend noh.

Lumapit ako sa table nya habang may inisa-isa siyang mga records ng mga customers nung nakaraang buwan, pero hindi yun ganun karami ha. Siguro mga sampu lang..

"Doc Sev, pwedeng magtanong?" tawag ko sa kanya na nakangiti.

Lumingon naman sya at seryosong nakamasid sa akin habang umiinom nung milktea nya.

Umupo ako katapat nung upuan nya.

"Bakit ang hilig nyong mga lalaki sa malalaking suso, eh pare-parehas lang namang may nipple ang maliliit at malala...."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang naibuga sa mukha ko ang iniinom nyang milk tea. Fvck!

Tssk! Kadiri.. asar akong naghilamos sa banyo roon.

Nang makabalik ako, hindi sya makatingin sa akin.

"Hoy, Severino!" inis kong tawag sa kanya kasi di talaga sya tumitingin sa akin.

"Ano?" he pouted. Putek! Nagmukha tuloy syang BULLDOG!

"Sagutin mo yung tanong ko sayo kanina!" singhal ko.

"Ano bang klaseng tanong yun Klay?.. pero, kung gusto mo talagang malaman, gusto namin yung malalaki kasi, masarap yung malaki ang nahahawakan. Di katulad nung sa maliit, para ka lang nagroromansa ng pader nun." aniya.

Bwisit! Bigla akong napaubo sa sinabi nya. Yun pala yun?

Malungkot akong umalis sa harap nya. Kaya pala wala akong boyfriend kasi namumukha akong pader.

Sino bang lalaki ang gustong humalik at dumede sa pader? Patulan ko na kahit pangit! Buset!

Pero, ano naman kung maliit lang ang dibdib ko, atleast bawi naman sa pwet ko.

Yung dibdib ko napunta sa pwet. Ganern!

Imagine nyo? Malalaki nga ang dibdib tapos walang pwet? Anong tawag dun? Dibdib na na-pwetan? O pwet na pinaderan? Hehe. Ang gulo ko!

Pag ako talaga nakapag-ipon, ipapasilicon ko 'tong dibdib ko, yung tipong malulunod ka sa laki! Kala nyo ha?

Pero, ni piso wala pa akong naitabi. Hayy! Wala na talagang pag-asa.

Mag-hire nalang kaya ako ng boyfriend, yung ganito "WANTED BOYFRIEND, YUNG HINDI SUSO ANG HANAP KUNDI BUTAS LANG ANG SAPAT!"

Tanginaaa! Natampal ko nalang ang sarili ko. Ganun na ba talaga ako ka desperada? Sort of. In my twenty years of existence, gusto ko na talaga makatikim ng kiss eh. Kung anong feeling ng nahahalikan ng boyfriend. Chus!

Virgin, wala pang first kiss. Pero okay lang at least dalisay at malinis pa ang aking pagkatao. Charoot lang!

Okay na rin ang ganito, walang boyfriend, walang inaalala. Pero nagtataka lang ako, sa five years na pagsasama namin nitong si Severino. Bakit di man lang tumibok ang puso ko sa kanya kahit crush man lang?

Nakatitig ako sa kanya habang kinakagat ang mga labi.

"Hoy! Minamanyak mo na ba ako sa imagination mo Clyte?!" sita nya sa akin.

I tsk-ed! "Feeler ka masyado Doc Sev ha! Naisip ko lang kung gaano ka ka-gago. Yun lang."ismid ko sa kanya.

He laughed. Kala nya gwapong-gwapo talaga ako sa kanya.

"Akala ko kung gaano ako ka-gwapo. By the way, Austin will manage this clinic starting tomorrow." aniya.

What? Austin? Yung may-ari?

"Anong pumasok sa kukute nya at gusto nya ng siya ang mamahala rito?" Takang tanong ko.

"I'm going back to States na kasi Klay,may asikasuhin lang ako dun sandali.. kaya siya na ang mamahala muna rito. Besides, sya naman talaga ang real owner nito. Pumayag lang akong mag-manage dito kasi, bukod sa wala akong pinagkaabalahan, mas tahimik kasi dito."

Sus, tahimik dito, minsan nga lang sya pumasok dito eh. Pero di nalang ako umimik.

"Gwapo din ba yung Austin?"wala sa sariling tanong ko sa kanya. Kaya napahagalpak sya ng tawa.

"Oo, gwapo yun tulad ko. At mas hot yun. Kaya lang ayaw nun sa kagaya mong flat at hindi sexy!" asar nya sa akin.

Bwisit! Ulit-ulit? Kailangan talagang ipamukha sa akin ang pagiging FLAT CHESTED ko? Yan dama nyo ba readers?

Siyempre hindi, flat nga diba? Ano dama nyo ang pader? Ehehe

A/N

Ganun ba talaga ang mga boys? May problema ba kayo sa mga flat chested?

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon