Chapter 13

780 29 1
                                    


Austin

Fvck! I just kissed her! I don't know exactly what I felt, but I know for sure, there's something in me na nabubuhay after she responded my kisses.

She looks so shy nang bitawan ko sya. Ni hindi sya makatingin sa akin! Shit! Ano na naman bang ginawa ko?

"Look, Clyte you can slap me..  I'm sorry. But I'm not sorry kissing you.." saad ko. Umangat ang tingin nya sa akin.

"It's my fault too. Nagpadala parin ako sa nararamdaman ko sayo. I was trying very hard to stop, pero paano ko gagawin yun kung binibigyan mo ako ng dahilan para manatiling nakagapos sa nararamdaman ko sayo? Kung maaari sana, layuan mo nalang ako, dahil mas lalo lang akong mahihirapang mag move on kung dikit ka ng dikit sa akin. Alam mo bang masyado ka na ngayong papansin? Huwag mo naman sana akong bigyan ng dahilan para mag-aassume na may gusto ka rin sa akin kahit wala.." aniya na tumutulo ang luha.

Fvck! I hurt her again.

"I'm sorry. It's hard for me too Clyte. No matter how I tried to avoid you, pero I just couldn't. How will I ignore you if I already used to be comfortable with you?" saad ko sabay buntong-hininga.

She didn't answer. Patuloy lang sa tahimik nyang pag-iyak. I tried to hush her pero umiwas sya sa akin.

"Tres and I are now dating, and hopefully, sa susunod hindi ka na mag-acting na natutumba para lang hindi kami makapag-dinner ni Tres. Baka sa susunod na acting mo mamamatay ka na." aniya sabay pahid ng luha.

"No! You won't date with that asshole!"

"Wala kang karapatang pigilan ako!" sikmat nya sa akin.

"I am giving myself the right though! So, wala kang magagawa! I will interfere, whenever I wanted to interfere!" singhal ko rin sa kanya.

"Kakapal din naman ng apog mo eh noh? Sino ka ba para pigilan ako sa gusto ko?"

"So ano? Gusto mo na yung Tres na yun? Aba! Nung nakaraan lang nag-confess ka na may gusto ka sa akin, tapos ngayon si Tres na naman ang gusto mo? Salawahan pala ang puso mo!" naka-pout ko pang saad sa kanya. Fvck! I'm so gay!

Asar syang napatingin sa akin. Halatang nagpipigil lang ng galit nya sa akin.

"Diko alam kong anong drama mong putangina ka! Pero di ka na nakakatuwa piste ka!" mura nya sa akin.

Nakakarami na 'tong babae na 'to sa akin ah. Kanina nya pa ako minumura.

Napabuntong-hininga akong napatingin sa kanya. I'm seriously looking at her now.

"I'm not totally sure nor convinced kung ano 'tong nararamdaman ko, pero I don't want to see you with another guy. So please, can you just hold onto that, I mean huwag ka munang magkagusto sa iba habang inaalam ko pa sa sarili ko kung ano 'tong nararamdaman ko? Please?" pagsusumamo ko sa kanya.

Yeah! I really don't know kung ano talaga 'tong nararamdaman ko. Pero di ako natutuwa sa harutan nila ni Sev. Di ako natutuwa sa pakikipagtawanan nya dun sa barkada ni Sev nung nasa bar at mas lalong hindi ako natutuwa na makipag-dinner date sya sa Tres na yun! Fvck! Naiinis ako!

"Alam mo ba kung ano yang nararamdaman mo?"tanong nya.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Selfishness!"aniya sabay iwan sa akin at mabilis na lumabas ng opisina ko at lumabas ng clinic.

Sinundan ko pa sya pero hindi ko na sya naabutan dahil nakasakay na siya ng taxi.

Am I that selfish? Selfish na bang matatawag yun? Kung Oo, should I let her go? How will I let her go kung wala naman kaming commitment?

Fvck! Masyado na yata akong nilalamon ng sistema ko! Naiinis ako sa sarili ko, dahil nagawa ko pang mag,-acting sa harap ni Clyte at sa Tres na yun.

Siguro, hahayaan ko nalang muna sya. Baka iyon ang magiging paraan para magiging sigurado na ako kung ano 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

It's one in the morning when I reached home. Dumaan pa kasi akong bar to check kung ayos lang dun. Naabutan ko pa si mama sa living room na nanonood ng K-drama nya pagdating ko.

"Ma! It's late, di ka pa natutulog?"

"Oh, ba't ngayon ka lang nauwi?"tanong nya na nandun parin sa pinanood ang paningin.

"Dumaan pa akong bar Ma, kaya ngayon lang ako."

"Kumain ka na?"

"Yeah!"saad ko.

"Hindi ka pa ba matutulog?"kapag-kuway tanong ko sa kanya.

"Mamaya na pag natapos 'tong pinapanood ko."

"May TV naman sa room mo, dun ka nalang kaya manood.." saad ko pero di nya ako pinapansin. Seryoso talaga siya sa pinapanood nya.

Pabuntong-hininga akong umakyat sa kwarto ko.

I was a product of a broken family. My dad passed away when I was in my college. May ibang babae nun si Papa kaya sila nagkahiwalay ni mama. Pero kahit ganun ay todo suporta naman ang ama ko sa akin, ako lang kasi ang nag-iisang anak nila. At sa akin din iniwan ni papa ang pamamahala sa negosyo namin.

Takot akong magmahal, dahil nagmahal na ako dati pero iniwan ako dahil sa wala akong panahon sa kanya dahil sa bigat ng responsibilidad ko sa aming kumpanya. At mas natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayoko ng broken family dahil danas ko na iyon. Ayokong mangyari yun kung sakaling magkakaron na ako ng pamilya. Baka dumating sa point na magkakahiwalay kami ng magiging asawa ko dahil sa kawalan ko ng oras para sa kanya.

And my biggest reason is, ayokong matulad kay Papa. Takot akong maging tulad nya dahil saksi ako kung gaano kasakit ang hatid nun kay Mama. Naging dahilan yun ng pagka-depress ni Mama. Ayokong dumating sa point na masasaktan ko ang taong pinakamamahal ko.

When Clyte confessed her feelings towards me, deep inside me was happy pero mas nanaig ang takot ko kaya pinili ko nalang na saktan sya para umiwas sya sa akin.

Pero ako naman 'tong si gago,umiwas na nga yung tao ako naman 'tong lumalapit. At hindi ko alam kung bakit ko ginagawa yun.

Nagawa ko pang umarte para lang hindi matuloy yung pakipag-dinner nya kay Tres.

Aissh! Mabuti sigurong hayaan ko nalang siya. Pero hindi ko naman kasi kayang hindi nya pinapansin! Hayss! I'm doomed!

A/N

Akala ko magtapat na rin si Austin e.. tangina! Naduduwag na naman 😄😅😂

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon