Clyte
Kapag naalala ko ang kissing scene namin ni Austin ay may kumakawalang paru-paru sa tyan ko.
Pero hindi pwede! Kailangan ko na talagang mag move on e.
Hindi ako pumasok ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Austin ngayon dahil sa nangyaring halikan namin kagabi. Nahihiya ako, grabe naman din kasi yung pag ganti ko ng halik sa kanya. Tangina! Parang wala ng bukas.
Wala naman na talagang bukas! Hayss!!!!
Nakakahiya kung pano kumapit yung mga kamay ko sa batok nya at paano ko nagaya ang galaw ng mga labi nya.
Yaaahhh! Pabali-balikad ako ng higa sa aking kama. Hindi ko pinansin ang tawag ni Papa sa akin. Minsan pa akong tumambling para lang mawala sa isip ko yung nangyaring halikan. Pero kahit yata magbitay ako nakaukit na talaga sa isip ko ang nangyari! Huwaaaahhh!!
Tres on the other hand invited me for lunch today kasi daw may sasabihin sya sa akin. Di ko alam kung ano ang sasabihin nya pero I told him to fetch me ditong bahay dahil hindi ako pumasok..
Twelve noon nang sunduin ako ni Tres.. He looks so handsome sa suot nyang blue tattered jeans at abuhin na t-shirt. Simple lang pero kita mong nagbibigay ng kakaibang aura yung suot nya na pinarisan nya ng fila rubber shoes.
I saw how broad his chest is. Whoa! Sarap sigurong yakapin nyan. Yay!
"Tayo na? Wala na sigurong himatayin ngayon di ba?" aniya at nakangiti akong iginiya papasok ng Porsche Cayman nya. Pero hindi muna ako pumasok.
Nagtataka siyang napatingin sa akin.
"Ipakilala muna kaya kita kay Papa.."saad ko. Nakangiti naman syang tumango at sumunod sa akin sa loob ng bahay.
Nagtataka si Papa nang makapasok kami.
"Pa, si Tres po, kaibigan ko. Tres, papa ko." pakilala ko sa kanila.
"Magandang araw ho Sir. Ipagpaalam ko ho muna si Clyte na maglunch sa labas."nakangiting bati ni Tres sa Papa ko habang ipinagpaalam ako.
"Sige! Pero ibalik mo kaagad ang anak ko ha.."saad ni Papa at kaagad itong bumalik sa ginagawa nyang pagkumpuni ng electric fan namin.
"Sige po sir. Salamat.."
Pagkatapos naming magpaalam ay dumeretso naman kami sa restaurant na sinasabi nya.
"Pasensya ka na kanina kay Papa ha. Wala yata sa mood kaya medyo masungit yun.."nakangiting paumanhin ko sa kanya.
"Nah! It's okay. Walang kaso sa akin yun."nakangiti parin nyang saad habang iginiya ako papasok ng restaurant.
Tinawag nya ang waiter at nag-order ng makakain..
"Anong gusto mo?"tanong nya na nakatingin sa menu.
"Ikaw nalang bahala mag-order para sa akin.."nakangiting saad ko.
"Sige na, pumili ka na.."giit nya kaya napatingin nalang ako sa menu.
Pero bwisit! Halos malunok ko ang lalamunan ko nang makita ko ang mga presyo ng mga pagkain. Makakabili na ako ng sampung kilong tuyo sa presyo ng mga pagkain rito.
Napalunok akong nakatingin kay Tres. Shit! Parang wala lang sa kanya ang presyo nung nasa menu.
"Nakapili ka na?"tanong pa nya.
"Dun nalang kaya tayo sa toro-toro.." medyo nahihiya kong suggest sa kanya.
He just laughed. " Don't worry about the price. It's my treat, okay? It's on me, don't worry.." saad nya giving me assurance na sya talaga ang magbabayad. Haha buset!
Sa huli, yung steak lang at Ceasar Salad ang inorder ko. Nakahiya umorder ng marami kung sya ang magbabayad e. Pero dapat nag-order sya ng marami diba? Para makakain ako ng maayos? Pero hindi eh, kung ano yung inorder ko yun lang talaga ang nakain ko.
Tssk! Sabi ni Sev, di ako magugutom kasi mayaman si Tres. Pero tangina! Di pa nga naging kami gutom na ako. Hayss! Kuripot!!!!
"Clyte.."
Napaangat ako ng tingin ng tawagin nya ako habang nginunguya ko pa ang lettuce sa Ceasar Salad ko.
"Hmmm?"
"I like you and I want you to be my girlfriend.."
Biglang akong napaubo at kaagad na uminom na tubig. Like WTF! Biglaan naman sya kung maglahad ng damdamin. Wala man lang thrill!
"Come again?"tanong ko pa. Gusto ko pa yatang mabulunan.
"I like you.. Can you be my girlfriend?" he said smiling..
Hindi ako nagsalita. Naisip ko, pag naging boyfriend ko 'to paniguradong papayat ako yung tipong malnourished.
"Ah.. hehehe. Nakakabigla naman yata. It's been a week pa lang mula ng magkakilala tayo, tapos gusto mo na ako? Let me think about it first, pwede ba?" I said smiling.
"Sure! I can wait Clyte.."he said staring at me.
I looked away. Spell awkward!
"Hehehe.." yun lang ang naging sagot ko. Paktay! Pano kaya pag pabayaran nya yung steak sa akin? Lagot ako, bente lang dala ko.
Pero, natapos kaming kumain, hindi naman nya ako pinagbayad. It's on him sabi nga nya diba.
After having our lunch, we decided to watch a movie. Gusto ko yung romantic comedy, sya naman gusto action. Pero dahil siya ang nagbabayad, action ang pinanood namin.
Tangina! Dapat romance pinapanood namin diba kasi nsa date kami! Putek! Anong gusto nya magkarate kami? Hayys! Suntukan nalang kaya para matapos na! Chus! Hahaha tanginang date!
First date ko, na-frustrate ako. Nagutom na ako, di pa ako nakapanood ng romcom na movie. Hayyy! Bigti na Clyte!
After we watch movie I decided to go home na. Nawalan kasi ako ng gana. Hahaha bwisit!
Ihinatid naman nya ako pero di na sya pumasok ng bahay kasi daw may appointment sya.
Keber! Huwag na syang bumalik ever kung gusto nya! Tssk! Hindi sya kawalan! Putek!
Asar akong pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko pa si Papa na naglilinis nung cabinet na lagayan nya ng mga tools.
"Oh, asan na yung kaibigan mo?" tanong nya.
"Umuwi na!" nakabusangot kong saad at padabog sa sumalampak sa sofa! I felt so tired.
"Huwag ka ng sumama dun, ayaw ko sa klase ng tingin nya sayo.."
"Ay! Di na talaga ako sasama dun Papa. Kuripot!!!"
"Mas gusto ko yung unang lalaki na dinala mo rito.."saad nya kaya bigla akong napaubo!
Unang lalaki na nakapasok sa bahay namin? It was Austin! Grabe si Papa namimili talaga?
"Boss ko yun Papa! Ayos ka lang?"
"So, pag boss hindi pwede? Maganda ka naman saka bagay kayo.."aniya at iniwan ako.
Natulala ako sa sinabi ni Papa. Hayss! Kung alam mo lang Papa na nabasted ako nung bet mong lalaki para sa akin.
Ayoko na mag-aassume! Period! Ayokong bigyan ang sarili ko ng Hope. Spell pag-asa? H-O-P-E! 😄
A/N
Vote please 😅😘
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
Ficción GeneralClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...