"Ganito pala ang feeling ng mag-asikaso ng kasal ano?"saad ko kay Kiray.Nandito kami sa isang botique ng mga wedding gowns at nagsusukat ng isusuot ko para sa kasal namin ni Austin. Austin's outside habang sinusukatan din ng susuotin niyang tux.
"Aba malay ko sayo beshy! Ikakasal na ba ako?"simangot niya sa akin.
"Bakit? Wala bang balak si Sven?"
"I dunno. Lahat ng balak niya sa akin maitim e.."
"Huh?"nagtataka akong napatingin sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa malaking salamin sa harap ko. I like the gown, sexy siya at medyo revealing ang dibdib. Kahit sa gown nalang mag-feeling malaking dyoga ako. Charing!
"Gusto niya lang yata sa akin jugjug, plokplok, totnak!"
"What? Ginagawa niyo lagi ang jugjug to the world?"
"Jugjug to the heaven dai! Oo, alangan namang magtitigan lang kami tuwing may date kami. Siyempre para mas maging mainit ang relasyon namin, kailangan namin yun noh? Bakit? Ikaw ba virgin ka pa hanggang ngayon?"
Bigla akong napaubo sa sinabi niya at mabilis pinamulahan ng mukha. Shit!
"See? Conservative kuno ang peg pero jumugjug din. Conservative na marupok lang dai?"dagdag pa niya habang tumatawa. Kaya napasimangot ako.
"Ah.. eh, alam mo naman, dalagang pilipina minsan marupok. Saka, makakatanggi pa ba ako kung nasa harapan ko na ang masarap na hotdog dai?"saad ko.
Humagalpak siya ng tawa. "Loko ka rin e noh? Akala ko conservative ka talaga e, may kamanyakan ka rin naman palang tinatago.."
"Tsee! Kay Austin lang naman e. Ikaw kaya makakain ng masarap, mataba at mahabang hotdog kung dika mabubusog!" simangot ko at lumabas na para ipakita kay Austin kong ayos na 'tong suot ko.
"Footlong pala ang gusto mo besh." saad niyang tumatawa.
Pagkalabas namin ay nakita ko si Austin na kampanteng nakaupo sa sofa na nandun halatang tapos na siyang sukatan ng tux at nakasimangot nang makita ako.
"Palitan mo yan! Sobrang seksi.."saad niya. Nakasimangot na bumalik ulit kami ni Kiray sa loob at namili ng isusuot ko.
Paglabas namin. "Palitan mo yan, kita ang likod mo."saad niya.
Bumalik ulit kami sa loob. Paglabas namin. "Palitan mo yan, you're showing too much skin."aniya.
Maka-ilang beses kaming pabalik-balik sa loob ng fitting room ni Kiray pero ni isa walang nagugustuhan si Austin para sa akin.
Last na 'to. Isang halter type na gown na hindi naman masyadong kita ang dibdib at sobrang ganda para sa akin.
Paglabas namin. "Ang pangit niyan. Palitan mo, daming gown sa loob bakit ganyan ang mga pinipili mo?"
Tangina naasar na ako.
"Gago ka ba? Kanina pa ako dito palit ng palit ni isa wala ka man lang nagugustuhan!"
"Eh ayaw ko sa mga napipili mong suotin e. Problema ba yun?"
"Oo, problema talaga yun dahil hindi na ako papakasal sayo tangina ka! Gusto mo yatang mag-jacket ako na may hood sa kasal natin bwisit ka! Kung gusto mong magpakasal pa ako sayo, ikaw na ang magsuot ng gown! Dami mong arte sa buhay piste!" saad ko at mabilis na hinubad ang gown at padabog na iniwan silang dalawa ni Kiray sa loob ng botique. Nakita ko pang pinulot ni Kiray ang gown saka ibinalik sa sales lady na nandun.
Bwisit talaga na lalaking yun. Asar akong pumasok sa loob ng bahay naming dalawa. O mas tamang sabihing bahay niya dahil hindi na talaga ako papakasal sa kanya. Ayaw niya akong magsuot nung gusto kong gown? Pwes manigas siya! Pakasalan niyang sarili niya! Bwisit!
Maya-maya'y dumating siya. Hindi ko pinansin, kunwari busy ako sa pinanood kong movie sa TV.
"Hon, I'm home.."malambing niyang saad habang tumatabing umupo sa akin.
"Hanhanin mo muka mo!"saad ko sabay iwas. Akala niya ha!
"Sorry na.. eh, ayoko lang talaga sa mga sinusuot mo kanina e. What's mine, is mine alone. Ayokong makita ng iba yung katawan mo, lalo na ang balat mo."
"Gusto mo pala akong balot na balot, bakit di mo nalang ako gawing suman tanginaa mo?!"
"Hon naman. Kanina mo pa ako minumura e."
"So ano, may problema?"
"Siyempre walang problema honey ko. Gustong-gusto ko ngang minumura mo ako hon e. Murahin mo pa ako hon, mamaya sa kama.."aniya sabay kindat sa akin.
Bwisit! Ang manyak ng langya. Bigla tuloy akong pinamulahan ng mukha.
"Sorry, pero may password ang keps ko ngayon at ako lang ang nakakaalam ng code!"mataray ko siyang inismiran.
He laughed. "Sorry na kasi hon. Ayoko lang kasing pinagpipiyestahan ng kung sinu-sino yung katawan mo e. Gusto ko ako lang."
"Wow ha! Ngayon ko lang nalaman na sobrang O.A mo pala! Tinuhog mo na ako't pinatuwad, insecure ka parin?"
"Bunganga mo talaga hon, nag-iinit ako!"
Inismiran ko lang siya kahit na lihim akong natatawa.
"Hindi insecurity ang tawag dun hon. Gusto ko akin ka lang, ako lang ang dapat magkagusto sayo, sa katawan mo, sa lahat ng sayo kasi ganun kita kamahal."
Enebey! Kenekeleg ekey!!
Inismiran ko siya pero deep inside me, hinihimatay na ako sa kilig! Chus!
"Ayaw mo nun, may iba pa palang pwedeng magkagusto sa akin bukod sayo. Dapat maging proud ka nalang.."sabi ko.
"Sige, matanong nga kita, ikaw ba eh gusto mo ba na may iba pang magkagusto sa akin bukod sayo?"
"Ayaw.."nakanguso kong saad sa kanya.
"Yun naman pala e. Ganyan din ang pakiramdam ko hon, kaya sorry na. Huwag na nating pag-awayan yung gown..please."
I sighed. "Eh sa yung last na sinuot ko, yun talaga ang natipuhan ko e. Saka, dapat pagbigyan mo ako kasi once in a lifetime lang 'to mangyayari sa buhay ko. Minsan lang akong ikasal Austin alam mo yan."
He sighed at tumitig sa akin. "Yun ba talaga ang gusto mong gown?"he asked.
I nodded. "Yeah! Ngayon lang naman 'to hon. Minsan lang naman. Saka, after ng kasal, sayo na man na ang katawan ko e. Sayong-sayo na kahit nga hindi pa tayo kasal, kinuha mo na.."nakabusangot kong saad sa kanya.
Napatawa siyang nakatingin sa akin. "Eh, bakit sayo na rin naman ang katawan ko ah, at may pa-bonus pang abs."aniya sabay kindat sa akin.
Hindi ko siya kinibo at nagkunwari ulit na nanonood ng TV.
"Hon..sorry na. Sige na, yung gown na last mong sinukat yun na ang kukunin nating design ng gown mo.."
"Really?"tuwang-tuwa akong napatingin sa kanya.
He smiled and nodded kaya natutuwa akong napayakap sa kanya.
"Thank you hon. I love you.."
"I love you more hon, pero may kapalit yun."
"Huh? At ano naman ang kapalit aber?"
Kinuha niya ang kamay ko. "Here.."aniya at idiniin ang kamay ko sa ibabaw ng pantalon niya.
"Austin!!!!" Hiyaw ko nang matanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. He's rock hard at nag-aabang na naman ang masarap na jugjugan to the heaven! Feeling ko pumapalakpak na ang yapek ko sa tuwa nang unti-unti akong hubaran ni Austin ng mga damit ko.
At hindi nga ako nagkamali. Maka-sampung beses niya akong dinala sa langit! Charrroooot!!
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...