Chapter 10

811 38 1
                                    


Clyte's POV

It's been a week mula nung magsagutan kami ni Austin dahil sa lunch na yun.

Nakakainis sya! Arrghh!

I'm on the last three steps of moving on na e, but he kept on pestering me! How will I able to move on kung lagi nya akong kinukulit?

I tried very hard to keep my distance from him kahit gusto kong lagi syang nakikita at nakakasama. Kahit mahirap pero sinubukan ko parin dahil ayokong masaktan ng paulit-ulit.

Pero bwisit talaga ang lalaking yun hindi ako tinantanan.

Tulad ngayon, kami lang dalawa sa clinic kasi may lakad si Sev dahil may kailangan itong asikasuhin out of the town. Lagi akong tinatawag para sa kape pero di naman nya iniinom. Kesyo daw malamig na. Kasalanan ko bang lumamig? Eh hindi naman nya iniinom kasi!

Pang siyam ko na 'tong hatid ng kape sa kanya, kapag hindi pa nya ito ininom ay ibubuhos ko talaga sa pagmumukha nya.

Mabilis kong inilapag ang tasa sa mesa nya. Nakangiti syang napatingin sa akin. Sarap dukutin ng mata nya pramis!

"Last ko na 'tong dala sayo ng kape! Kapag tinawag mo ulit ako para sa kape, bubuhusan kita ng mainit na tubig tandaan mo yan!" singhal ko sya at padabog na iniwan at ibinagsak ang pintuan ng opisina nya.

Kanina pa ako asar na asar sa kanya tanginaa nya!

Hindi na nga nya ako tinatawag para magpatempla ng kape pero ito na naman sya magpapatulong daw sa paperworks nya.

Asar akong pumasok sa opisina nya pero sya parang nakakain ng kasaltikan at ngiti ng ngiti sya sa akin.

"Nananadya ka ba talaga Doc Austin?"asar kong tanong sa kanya. Sarap nyang batuhin!

"Huh?" kunwari pa syang di naintindihan ang sinasabi ko.

"Ano bang binabalak mo?" I asked him with the pain in my voice.

"Wala.. wala ah..masama bang magpatulong sayo?"palinga-linga nyang saad.

Hindi ko sya sinagot. I just looked away at pasimpleng pinahid ang tumutulo kong luha na hindi ko namamalayang napahikbi na pala ako.

"Hey! Hey! Why are you crying?"

I remained silent. Kaya napatayo sya sa swivel chair nya at mabilis na lumapit sa akin.

"You alright?" tanong pa nya. Napakamanhid talaga ng bwisit!

"Alright-in mo pagmumukha mo!"asar kong singhal sa kanya.

Nagtataka syang napatingin sa akin.

"Anong drama mo Austin? I was trying my very best to keep my distance from you, pero lapit ka ng lapit sa akin. Lagi mo akong kinukulit. You acted weird sometimes, pero ayaw kong bigyan ng kahulugan dahil ayokong bigyan ng dahilan ang sarili ko na mas lumalalim pa ang pagkakagusto ko sayo. Kaya pwede ba? Hayaan mo naman akong maka-move on sa kahibangan ko sayo?" I cried hard.

"Sorry.. sorry.." aniya at akma akong yakapin.

Pero mabilis akong umiwas at pinahid ang mga luha at derechong lumabas ng opisina nya.

Para ano pa ang payakap-yakap nya? Para mas lumalalim pa ng nararamdaman ko sa kanya? Para masasaktan na naman ako? Hindi na! Tama na Clyte!

He never called me for another cup of coffee neither for a help to his paperworks. Ni hindi rin sya lumabas sa opisina nya.

Lunch time na pero hindi parin sya lumabas sa opisina nya. I'm a bit worried kasi naisip ko baka tulad na naman ng dati na hindi sya lumabas kasi may sakit sya.

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon