Chapter 24

717 32 4
                                    

Austin

"Ausy, hindi ka ba talaga uuwi ngayon? Di mo rin sinasagot tawag ni tita sayo.."Sev said while sipping his gin watching TV.

I let out a deep sigh. "Ayaw mo ba ako dito Severino?"

"Loko! That's not what you think it is, ang sa akin lang, kausapin mo naman si tita. Kasi,kahit baliktarin mo man ang mundo, she's still your mom.."

Breaking news: Isang business tycoon ng Pilipinas at sa buong Asia ang isinuko ang sarili sa mga pulis, matapos di umano nitong patayin ang sariling asawa at ang naka-relasyon nito twelve years ago. Sa kabila ng pag-amin ng sariling kasalanan ay ibabalik di umano nito ang kompanya na ninakaw niya sa pamilya Almendras.. ang report ay kay Allan Marino.

"Fvck!"tanging nasambit ko nang makita ko si Mommy na laman ng news ngayon.

"Oh, ayan! Hindi mo na kailangan ng ebidensya.. nagkusa na si Tita. Ano?"

I didn't say anything. Kaagad akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko at kaagad na lumabas ng penthouse ni Sev para puntahan ang ina ko!

I didn't expect she'll do that. Buong akala ko, pride niya parin ang papairalin niya.

Thirty minutes of driving ay nakarating din akong police station kung saan naroon ang nanay ko.

"Ma.."tawag ko sa kanya habang hinawakan siya ng isang police officer at tinanggalan ng hand cuffs para ipasok na sa kulungan.

She cried staring at me.

"Teka, boss pwede ba yung ipasok niyo na ang mommy ko sa loob eh, wala pa naman ho kayong ebidensya?" saad ko doon sa isang police officer  na may hawak kay mommy habang naiyak na rin. This is not what I want. Ang gusto ko lang ay umamin siya sa nagawa niyang kasalanan para naman sana magawan ko ng paraan. Hindi yung maabutan ko siya na nasa kulungan na.

Kasalanan ko rin naman. Sana sinunod ko yung sinabi ni Sev sa akin.

"Ma.. bakit naman kayo dumerecho rito?" I said wiping my tears. Nakakabakla man pero talagang masakit sa akin ang makita ang mommy ko na nakaposas.

"Austin, ito lang ang tanging paraan na naisip ko para mapagbayaran ko ang kasalanang nagawa ko. Hindi na kailangan ang ebedinsya dahil kusa ko ng isinuko ang sarili ko dito. Mahal kita anak, patawarin mo ang mommy kung nabulag ako sa pera ng mga Almendras. Sana, tanggapin ka parin niya sa kabila ng nagawa kong mali sa pamilya niya."she said smiling habang tumutulo parin ang mga luha sa kanyang pisngi. I know she's hurting too.

"Ma.."tanging nasambit ko nang tuluyan na siyang ipasok sa loob.

Months had past, tuluyan ng naibalik ang kumpanya sa pamilya Almendras sa tulong ng abogado ni mommy. I continue working on my clinic. Kahit papaano, sariling pundar ko ito para sa sarili ko.

My mom was found guilty and she's been sentenced twelve years in prison. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Hindi parin kami nagkausap ni Clyte since I talked to her at the resto. Kinasabwat ko pa nun ang kaibigan niya just to make sure na kakausapin niya talaga ako. She maybe hate me, pero I am also a victim here. Biktima ako ng kasakiman ng sarili kong ina. Pero sabi nga ni Sev, she's still my mom kahit baliktarin man ang mundo hindi magbabago ang katotohanang siya ay ina ko!

I sighed when someone entered the clinic. At nang tignan ko, it was Sev.

"Hi cous! Bar tayo mamaya." aniya at pasalampak na umupo sa mini sofa para sana sa mga customers ko.

"Nah. I'm busy.."

"Sus! Busy ka naman lagi e, kailan ka ba hindi naging busy?"

"Tsk! I can't come.."

"Kasama ko sila Sven at Tres mamaya.."

"Tres? Akala ko ba nasa ibang bansa na yun?"

"Well, bumalik kaya ayun. So, ano sama ka na? I won't take no for an answer. Libangin mo sarili mo uy!"

"Tsk! I won't promise okay? Labas na tsupi! Uwi na.."taboy ko sa kanya.

Humahalakhak pa siya bago lumabas ng clinic ko. Tsk!

Panahon na rin siguro na libangin ko muna ang sarili ko. Baka mabaliw pa ako sa dami ng problemang kinakaharap ko ngayon.

I decided na pupunta nalang akong bar. Sev texted me na nasa bar na raw sila ng mga kaibigan niya kaya dumerecho na ako dun pagkasara ko nang clinic.

Nang makapasok ako ay kaagad kong hinanap sila Sev at nakita ko naman sila kaagad malapit sa may lounge area ng bar. They have a girl with them. There's Kiray and....Clyte..

Para akong naestatwa nang makita ko siya ulit. My heart thumped hard nang magtagpo ang mga mata namin.

"Hi there Ausy.."tawag sa akin ni Sev. Bigla naman akong natauhan nang tawagin ako ni Sev. Kaagad akong lumapit sa kanila.

"Kanina pa kayo?"tanong ko and cleared my throat after.

"Thirty minutes before you came."

I nodded at pasimpleng tiningnan si Clyte. She's comfortable talking that Tres again! Tsk! Hindi ba niya ako nakita rito at kung makapag-usap siya sa gunggong na si Tres parang hindi ako nag-exist?

"Itagay mo na yan Ausy.."asar ni Sev sa akin. Tinignan ko siya nang masama kaya napatawa ang gago!

Tres and Clyte laughing na akala mo wala ng bukas! Fvck! I'm jealous! Wala man lang silang pakiramdam?

Sa inis ko ay bigla kong hinawakan si Clyte at hinila palabas ng bar.

"Hey! What are you doing bro.."awat sa akin ni Tres.

"Just mind your own fvcking business!"singhal ko sa kanya at mabilis na hinila si Clyte palabas ng bar. Walang nagawa sila Sev maski ang kaibigan ni Clyte na si Kiray nang makitang hila ko si Clyte palabas.

"Do you know what you're doing Austin?"singhal sa akin ni Clyte nang makalabas kami ng bar.

"Oh yeah! I know what I'm doing. Ikaw, alam mo ba ang ginagawa mo?"

"Ano bang ipinutok nang butse mo!"

"Wala ka bang pakiramdam? Fvck! I am jealous here, can't you see? Kung makipag-usap ka sa Tres na yun, parang hindi mo ako nakita ah!"

"Bakit ka naman magseselos? Ano ba kita?"

Fvck! Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niya. Mapakla akong ngumiti at hindi ko na napigilan ang luha ko. Shit! Nababakla na yata ako.

"Bakit, wala na ba talaga? Wala lang ba sayo yun?"tanong ko.

She didn't answer. At tahimik lang na nakatitig sa akin.

"I am also a victim here Clyte. Kung nawalan ka ng ina, nawalan rin ako ng ama.. Besides, pinagbayaran na ni mommy ang lahat at naibalik na sa inyo ang kompanya na kinuha niya sa inyo.."

She's still didn't answer.

"I still love you Clyte. Hindi nawawala sa akin yun. I know, you hated me, but please, huwag mo naman sanang isara ang puso mo para sa akin. Pero kung ayaw mo na talaga at hindi mo na ako mahal, okay tatanggapin ko at ipapaubaya na kita kay Tres.."saad ko at walang lingon-lakad ko siyang iniwan roon at dumerecho na sa kotse ko..

A/N

Sa akin ka nalang Austin! Chus.. haha malapit na siyang matapos mga lalabs..

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon