Chapter 5

812 42 0
                                    

Dahil wala namang customer at busy ang boss ko na may girlfriend sa mga paperworks nya at sa laptop lang lagi nakatutok, nag-explore nalang ako sa cellphone ko.

Naisip ko, baka nanonood na ng porn yung si Austin! Chus!

Paupo-upo, pakamot-kamot, pakanta-kanta habang abala ako sa kakahanap ng mga dating sites na pwede ako. Pero kahit talaga mga dating sites, gustong makita ang dibdib ko. Ang putek! Anong ipapakita ko? Dibdib ng bagong silang na sanggol? Pambihira!

Wala na talaga akong pag-asa mga dzai.. Si Austin taken. Pero pwede naman humanga diba? Di pa naman sila kasal. Pwede pang agawin! Chus!

Dahil wala naman akong matinong nakakausap sa mga dating sites na sinalihan ko, chi-nat (chat) ko nalang si Severino. Ke-gwapo ang bantot ng pangalan eh noh? Buti online sya.

Convo:

Me: Hayyy Severino, ba't di mo sinabing nakakalaglag panty 'tong pinsan mo?

Sev: Tangeks! Wala sigurong garter panty mo kaya nalaglag!

Me: Gago! Kapapalit ko lang ng garter nito kahapon! Sayang sya Sev eh.. huhuhu I like him very very very very much! Pero may girlfriend na! Bwisit! Two weeks palang yata sila magkakilala, girlfriend agad?

Sev: Eh, kasalanan mo, di mo naman kasi niligawan kaagad! Haha

Me: Tangina! Babae ako, nag-iisip ka ba? Siya dapat ang manligaw hindi ako!

Sev: Eh, uso na ngayon ang babae na ang nanliligaw e. Haha

Me: Hahaha nakakatawa! Bwisit ka! Kailan ba balik mo rito? Mas gusto ko pang ikaw ang nandito eh, naaalibadbadran ako sa pagmumukha ng girlfriend nyang bubuyog.

Sev: Two months pa ako rito Klay, may inasikaso kasi ako. Yaan mo, pagbalik ko, ipakilala kita sa mga kaibigan ko. Mga gwapo at hot din mga yun. Magdasal ka nalang na may hindi interesado ng malamang bundok sa mga barkada ko! Haha make the move nalang kaya Klay! Agawin mo si Austin! 🤣

Me: Tangina mo Severino! Bakit? Problema ba 'tong dibdib ko? Ingungudngud kaya kita rito para malaman mong may maliit din na laman 'to!

Sev: seen 1 minute ago

Edi wow! Aagawin ko daw si Austin? Eh wala nga ako sa standards nya! Fvck it!

Maya-maya'y may pumasok na isang customer, may dala-dalang Rottweiler puppy. Wow! Ang cute.

"Good morning po madam! How may I help you?" bati ko sa bagong pasok na customer. Parang nasa call center lang. How may I help you ang peg. Chus!

"Magpa-vaccine po ako ng anti-rabies dito sa puppy ko, andyan ba si Doc?"tanong nya na nakangiti.

"Ah, opo. Sandali at tatawagin ko."saad ko at kaagad na tinawag ang boss ko na kanina pa busy sa computer nya.

"Boss, Austin may customer! Vaccine daw!." kaagad naman syang napatingin sa akin. Shit! Ang sarap talaga nyang landiin! Charoot!

Mabilis naman syang nagpalit ng uniform at kaagad na lumabas para mag-inject dun sa puppy na dala nung babae na sa tingin ko nasa mid-thirties na yung edad.

After nya mag-inject ay nag-uusap pa sila kung kailan ang balik ulit nung babae.

Ang swabeng magsalita ng Austin ko.

Di ko namalayan na nakanganga na pala ako rito habang nakatitig sa kanya. Kaya, laking gulat ko nang pitikin nya ang noo ko. Bigla tuloy akong napahigop ng laway ko. Bwisit!

Tawa pa sya ng tawa kasi daw nagmumukha akong si Betty La Fea. Hay! Ba't ba kasi ako nagsasalamin!

Nagsasalamin ako, kasi akala ko mapansin nya ako na gumanda. Pero, ba't mukha ni Betty La Fea ang napansin nya? Arrrggghhh!

Oras na para mananghalian, sinadya ko talagang hindi kumain malay mo, imbetahan ulit ako ni Austin love.

Pero, alas dos nalang hindi parin sya lumabas sa opisina nya. Kaya, kinatok ko na. Baka maimpatso, este malipasan ng gutom ang Austin ko, ayaw kong magkasakit sya. Charr!

"Doc, kain ka na po, susunod ako pagkatapos mo.." tawag ko pero walang sumagot.

"Doc, boss, doc.." wala parin syang sagot. Kaya,binuksan ko na ang pintuan ng opisina nya at pumasok.

Pero ang nadatnan ko, si Austin naka-ubob sa mesa nya. Tinawag ko ulit pero wala paring sagot. Nang salatin ko ang noo nya, putek ang init!

"Doc, hoy! Gising! Ayos ka lang?"

Okay! Wag tanga Clyte! Ang init-init na nga, nagtatanong ka pa kung okay.

Nang magising sya, dinala ko sya sa may mini sofa nya doon at pinahiga.

Lumabas muna ako at tinignan ang first aid kit nya roon kung may pwede akong pang-gamot ng trangkaso nya. Buti nalang at may nakita akong pain reliever at paracetamol.

Kumuha din ako ng maligamgam na tubig at yung face towel ko nilabhan ko para gawin kong pangpunas sa kanya.

Nang nakahanda na ako ng maligamgam na tubig at nakahanda na ang gamot ang kaagad ko siyang binalikan doon sa opisina nya.

Hininaan ko muna ang aircon at pinunasan sya. He's really hot! Hot sa lagnat ha..

Pero, hindi ko pala sya pwedeng painomin ng gamot eh, wala pa syang kinain. Hayss!

Bumalik akong pantry at may nakita akong noodles dun, yun muna ang lutuin ko, mabilis lang maluto.

Pagkatapos kong lutuin ang noodles ay nagmamadali akong bumalik sa opisina nya. Nanginginig na sya! Haysss!

"Doc, kain ka muna para makainom ng gamot.."saad ko. Kaagad naman syang dumilat kaya inalalayan ko syang bumangon at pinaupo.

Pagkatapos nyang kumain ay pinainom ko kaagad sya ng gamot. Nang makainom ng gamot ay pinahiga ko ulit sya para punasan.

"S-salamat.." aniya na nakangiti sa akin. Tss! Kung di ko lang 'to love eh..

"Ayos lang..ano, tawagin ko na ba girlfriend mo at papuntahin rito?" tanong ko.

"G-girlfriend pinagsasabi mo dyan?" nakasimangot nyang saad.

"Si Clarissa diba? Si Clarice! Tsk!"

"She's not my girlfriend goodness!"

"Di raw, eh naghalikan nga kayo diba?"

"Halikan? Correction, sya ang nanghalik. Have you seen I responded the kiss?"

"Hindi.." I pouted. Pinitik nya noo ko. Wala na siguro syang lagnat.

"Kita mo na! Hindi na nga sya pumupunta rito diba? Ayaw ko sa mga babaeng flirt kasi."

"Whoa! Kung maka-flirt ka dyan, akala mo naman di rin nya nilandi si Clarissa!"

"Heck! I don't flirt with her! Pinagsasabi mo riyan! I'm just being nice to her okay.? I thought she's nice but, fvck it she kissed me at the restaurant and here!" reklamo nya na mukhang nandidiri.

Ayos! Ang laki ng ngiti ko feeling ko napunit na ang bibig ko. Lols

"Invite kita bukas, opening ng bar ng pinsan ko, isama kita.." aniya sabay higa sa sofa at talukbong nung uniform nya.

Hindi na nako nakahindi kasi, gusto ko rin naman syang makasama! Yay!

Naging ok din naman sya nung hapong iyon. Pinainom ko ulit sya ng paracetamol bago umuwi kasi every four hours ang inom nun.

"Hatid na kita.."aniya ng makalabas kaming clinic at nauna ng naglakad papuntang Mazda MX-5 nya. Whoa! Sana all sports car! Kailan kaya ako makabili ng ganyan? Chus!

"Hindi na Doc.." tanggi ko sabay tampal ko sa noo ko. Hay! Andito na naman ang pa-hard to get ko.

"No! I'll insist.." aniya na nakapamulsang lumingon sa akin.

Wala na akong nagawa. Kundi nagpadala sa bugso ng damdamin! Chus! Nakasakay din ng Mazda! Ahahaha.😂

A/N

Please support babies 😉 Thank you ❤️❤️

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon