Chapter 12

794 32 2
                                    


Naging professional naman kami sa isa't-isa.. I mean Austin and I. Kapag kinakausap nya ako, kinakausap ko naman sya normally.

Kaya lang, nagtataka na si Sev sa amin ni Austin kung bakit parang may awkward feeling between me and Austin.

"Okay lang kayo??" tanong pa sa akin ni Sev nang mapansin nyang para akong normal na tao. Okay, kailan pa ba ako naging abnormal?

"Oo naman.." saad ko.

"Talaga? Parang may mali e. Wala na kayong biruan na dati naman nagbibiruan kayo ah."

"Tsk! May amnesia ka ba Sev? Di ba nga nag-confess ako about my feelings sa kanya? Nakalimutan mo na bang binasted nya ako?" asar kong tanong..

"Ah.. hehe yun pala yun. Aww! Arayy ko! Awww.."

Kinurot-kurot ko ang gago at pinisil-pisil ang mukha pero nagulat kaming dalawa nang may biglang nambato sa amin ng sapatos. Muntik pang matamaan ang mukha ni Severino.

Tatawa na sana ako nang makita ko ang galit na si Austin papunta sa amin na isa lang ang sapatos! So, siya pala ang salarin? Malamang! Tatlo lang naman kami rito, unless may multo ditong clinic diba?

"Masyado kayong PDA! Get a room Sev!" asar nyang saad kay Severino sabay dampot ng sapatos nya at mabilis na lumabas ng clinic, pero wala pang isang minuto kaagad namang bumalik at mabilis na pumasok sa opisina nya.

"Problema nun?" baleng ko kay Sev.

"Jealous! Hay! Obvious naman na may gusto pero torpe ang gago!"asar nyang bulong sa sarili habang hawak-hawak parin ang pisngi na kinurot ko kanina.

"Jealous? Ayos ka lang Sev? Mga pinagsasabi mo!" natatawa kong saad pero sinimangutan lang ako ng hayuff!!

"Parehas ba kayong nakakainom ng ANESTHESIA Clyte? Tanginaa! Ang mamanhid nyong dalawa! Puro nyo lang pinakiramdaman ang isa't-isa!" asar nyang saad at bumalik na sa ginagawa.

I just shrugged my shoulders. Di ko kasi naintindihan ang sinasabi nya. Hehe. Yung utak ko kasi ngayon parang internet lang, L-O-A-D-I-N-G, hirap maka-sign in. Chus!

Maya-mayay tumunog ang text tone ng cellphone ko and it was Tres.

Laging tumatawag at nagtetext si Tres sa akin after nung ihatid nya ako galing bar.

He's somewhat nagpapahangin na gusto nyang manligaw pero ikibit-balikat ko nalang. Ayokong managinip ng gising. Saka hindi pa ako totally naka-move on sa feelings ko para kay Austin.

Mabait naman si Tres, gwapo din at halatang may kaya din sa buhay na gaya nila Sev.

Hindi naman sa naghahanap ako ng mayaman na boyfriend, pero para sa akin, sapat na ang mahal nya ako at mahal ko sya.

Pero nagpapahangin pa nga lang si Tres diba? Hindi pa naman nanligaw!

Napatampal ako sa noo ko. Oo nga naman. Masyado yata akong advance. Advance mag-isip pero loading, ganern!!

From: Tres

Can I treat u for dinner 2nyt?

Me: Sure. Fetch me here nalang sa clinic.

"Uy, may something naba sa inyo ni Tres?" biglang saad ni Sev kaya nagulat ako. Sumilip pala sya sa kung sino ang ka-text ko sa phone ko.

"Tsk! He's asking for dinner.."simangot ko sa kanya.

He nodded habang ang lapad ng ngiti nya sa akin.

"Mabait yan si Tres Klay, don't worry.. May-ari ang parents nyan ng automobile company ditong Pilipinas at marami din silang branch sa ibang bansa.."aniya.

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon