ClytePagkarating namin sa hospital di kalayuan sa condo niya ay kaagad naman kaming tinulungan ng mga nurse na naroon. Mabilis siyang ipinasok sa emergency room at inasikaso kaagad ng mga doctor.
Susunod sana ako pero pinigilan ako ng mga nurse.. Hindi ako mapakali, nanginginig ako sa takot baka kung ano ang mangyari kay Austin, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko..
Noon nama'y dumating sila Sev at Kiray..
"How's Austin Klay??"kaagad na tanong ni Sev pero hikbi lang ang naging tugon ko.
"Hush na besh.. Everything will be alright. Hush na.."alo sa akin ni Kiray..
Naupo kami sa may waiting area ng hospital habang nanginginig parin ako. Natatakot ako, dahil sa kagagahan ko kung bakit nangyari 'to kay Austin.
"Sinong guardian ng pasyente?"tanong ng isang doctor nang lumabas ito ng pintuan ng emergency room.
Kaagad akong tumayo."Ako po yung girlfriend niya Doc.."
Pumasok na ako sa loob, nakita kong wala paring malay si Austin habang nakahiga sa hospital bed.
"Buti at nadala mo kaagad siya rito, dahil kung hindi baka natuluyan na ang boyfriend mo Miss.."
"Bakit ho? Ano pong nangyayari Doc? Anong sakit niya?"
"Halos ma-dehydrate na siya. Ilang araw siguro siyang hindi kumakain at puro alak nalang ang naging laman ng tiyan niya."
Fvck!! Biglang tumulo ang luha ko sa nalaman. "Ok na ba siya Doc?? Wala na bang problema??"
"Thankfully at nadala mo kaagad siya dito Miss. Ok na siya. Kailangan niya lang ng kunting pahinga. Don't worry maya-maya'y magigising na siya.."saad ng doctor at iniwan ako.
Umuwi din muna si Sev at Kiray dahil may aasikasuhin pa si Sev at si Kiray naman ay papasok sa pinapasukang hospital.
After a couple of minutes of waiting ay nagising din si Austin. Kaagad akong tumawag ng doctor para ma-check ang mga vitals ni Ausy.
After niyang i-check ay lumabas din naman ang doctor nang makitang maayos naman ang mga vitals niya.
"Austin.."tawag ko sa kanya sabay tulo ng masaganang luha sa aking mga mata..
He's just staring at me.. blankly.
"Austin.. I'm sorry.."hikbi ko.
"What are you doing here? Why I'm here?.." cold na tanong niya sa akin na hindi pinapansin ang pagso-sorry ko sa kanya. Parang bumalik ang dating Austin na nagsusungit sa akin.
"N-nakita kitang n-nakahandusay sa sahig sa loob ng c-condo mo.."
"Who permitted you to come there?"
"Look.. nag-alala lang ako sayo kaya napasugod ako sa condo mo. Hiningi ko kay Sev ang passcode ng condo mo kaya ako nakapasok.."
"As if you care.."mahina ngunit naririnig kong sambit niya.
"I'm sorry.. sorry..sorry Austin.." hikbi ko.
"Sana pinabayaan mo nalang ako. Yun naman ang gusto mo diba? Bakit ka naman mag-aalala sa akin, ano mo ba ako? Wala diba? Hindi naman tayo magkaanu-ano, kaya bakit ka mag-aalala sa akin? Ano masaya ka na ba na nasasaktan mo ako ng ganito? Masaya ka na ba na nakita mo akong nagkaka ganito huh?" I can feel pain in his voice at nasasaktan din ako.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nakatungong nakaharap sa kanya.
"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ang awa mo!"
"Austin..."
"Mahal kita, hindi magbabago yun Clyte pero ayaw muna kitang makita ngayon. Please, umalis ka na.."
"Austin.."gumaralgal na ang boses ko sa kakaiyak.
"I said, get lost!"singhal niya sa akin kaya mabilis akong naglakad palabas ng room niya.
Naglalakad ako palabas ng hospital na hilam sa luha ang mga mata..
Ito naman ang gusto mo diba Clyte? Bakit ka iiyak-iyak ngayon huh? Dapat masaya ka dahil siya na mismo ang nagtaboy sayo diba? Bakit ka nasasaktan ngayon?
Dumerecho ako sa bahay at tinawagan si Sev na papuntahin sa Hospital dahil ayaw akong makita ni Austin..
*******
Sev's POVAfter ko sa office ay bumili muna akong prutas at dumerecho na ako sa hospital dahil tinawagan ako ni Clyte na ako muna ang magbabantay kay Austin dahil ayaw daw siya nitong makita.
Hayssss! Naman kasi na mga taong 'to e. Puro pride ang pinaiiral. Kung hindi lang sana sila parehas na nakainom ng anesthesia edi sana masaya na sila diba? Ginawa talaga nilang kumplikado ang lahat, dapat sana'y may happy ever after na sila e. Tssk!
Nang makarating akong hospital ay dumerecho kaagad ako sa kwarto ni Austin. I saw him sitting on his bed na nakatulala.
"Ausy!" masiglang tawag ko na nagpalingon sa kanya.
"How's my cousin eh? Ok ka na ba?"
He just tsk-ed.
"May dala akong fruits, baka gusto mo.."
"Tsk! Don't bother yourself Sev. I'm fvcking alive!"
"Alive? Eh,halos magpakamatay ka na nga e!"
Umupo ako sa may monoblock chair na nandun at seryosong nakatingin sa kanya. He looked away at kaagad na humiga sa bed niya.
"It's not healthy Ausy.."
"What??"singhal niya.
"Puro kayo pride! Walang mangyayari sa relasyon niyo kung parehas kayong nagpapataasan ng pride. Pwede bang may isa naman sa inyo na magpakumbaba?"
"Stop talking nonsense Sev! I don't know what you're talking!"
"Tsk! Sa relasyon kasi Ausy, dapat give and take kayo para smooth at healthy lagi ang relationship niyo. Ngayon, ayaw mo siyang makita, so paano na?" saad ko at binalatan ang mansanas na dala ko..
I heared him let out a deep sigh.
"Masisisi mo ba ako Sev, nasaktan ak...."
"Nasasaktan din si Clyte.." i cutted him off.
"Tanginaa! Patapusin mo kaya muna ako! Masisisi mo ba ako, kung ayaw ko muna siyang makita? Nasaktan ako Sev, ginawa ko naman ang lahat para maging okay ang lahat sa amin, pero ayaw niya. Tapos ngayon, iiyak-iyak siya sa harapan ko, anong drama niya?"
"Gusto na niya, pero ikaw naman ang ayaw. O diba ang gulo niyong dalawa?" Asar akong tumingin sa kanya habang kumakain ng mansanas.
Asar niya akong binato ng unan niya.
"Anong problema mo?"
"Ako ang pasyente Sev, ikaw ang kumakain ng mansanas! Tanginaa mo!"
"Diba sabi mo ayaw mo? Awww! Fvck! Anong binato mo sa akin?" asar akong tumingin sa kanya habang hawak ang noo ko na natamaan ng kung anong bagay na ibinato niya sa akin.
"Lumayas ka na, baka gusto mong ikaw naman ang humiga ditong hospital bed!"
"Fvck! I'm just trying to make you smile lang naman. Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa e."
He just tsk-ed.
"Hindi mo na ba talaga kausapin si Clyte? Ayaw mo na ba talaga siyang makita?"
"I don't know.."
"You loved her diba?"
"I love her so much Sev. I just couldn't live without her maybe.."
"Fvck you Ausy! You can't live without her, pero anong ginawa mo? Huwag mo akong sisihin kung maunahan ka ni Tres!"
"Fvcktard! Lumayas ka Severino baka mapatay kita ng di oras! Wag mong mabigkas-bigkas ang pangalan ng lalaking yun, kumukulo ang dugo ko kinginaa!!"
I just laughed. Kapag Tres ang usapan, talagang sobrang epic ng mukha ng pinsan ko. Haha.
Bahala siya! Ma-pride siya e..
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...