Ending/ Wakas/ Last Chapter 😂

1.3K 62 15
                                    

One year later..

"Austin!! Tanginaa!! Ako ang manganganak at hindi ikaw gago ka!"sigaw ko sa kanya nang mas nauna pa itong pumasok sa delivery room kesa sa akin. Kulang nalang ay hihiga na siya sa paanakan doon at siya na ang umere.

Natataranta siyang bumalik sa akin, dala ang mga gamit namin at ni baby. "Hon, kaya mo kaya yan?"aniya na nanginginig na hinawakan ako at iginiya papasok ng delivery room..

"Siyempre at patay ka sa akin kapag nasasaktan akong ilabas si baby!"

Bigla siyang napalunok ng laway. Feeling ko, halos lunukin narin niya pati ang dila at lalamunan niya.

"Eh, paano hon pag masakit talaga?"tanong pa niya sa akin.

"Hindi ka na makakatikim sa akin."saad ko at namimilipit na naman sa sakit ng tiyan at puson ko.

"No way! Hindi pwede yun, asawa mo ako kaya responsibilidad mong paligayahin ako wifey.."takot niyang saad sa akin.

"So, kung ayaw ko, may reklamo ka?"

"Siyempre wala. Ikaw naman lagi ang nasusunod."maktol niya at nagpaawa. Tatawanan ko na sana siya nang biglang sumakit na naman ang tiyan ko at nagsimula ng manginig ang mga paa ko at balakang ko. Hudyat na palabas na ang baby ko.

Mabuti nalang at tumino sandali si Austin at natawag niya kaagad ang OB ko..

"Ok, inhale, exhale push.." sabi ng OB ko.

Nasa tabi ko lang din si Austin na hindi maipainta ang mukha. Kapag eere ako, nakiki-ere din siya. Bwisit na lalaki. Pero nawala ang inis ko ng haplusin niya ang tiyan ko at kinausap ang baby namin.

"Baby, huwag mong pahirapan si mommy ha. We're excited to see you na."saad pa niya kaya tumulo ang luha ko sa tuwa.

"Ok one more push.."saad ni Doc Lianne.

Nag-inhale exhale muna ako. Nang gumalaw ang baby ko sa tiyan ko at nanigas ang tiyan ko ay tinodo ko na ang pag-ere ko.

"Austin!!! Ahhhhhhhhhh!!!"tili ko habang sinasabunutan siya at sinampal-sampal.

I delivered a baby boy. Pero natatawa ako sa hitsura ng asawa ko, namumula ang mukha gawa ng pagkasampal ko at sabog yung buhok dahil sa kasasabunot ko sa kanya kanina.

Nakasimangot siyang nakatingin sa akin.

"Why is that face??" tanong ko.

"Huhu napaka-brutal mo talaga sa akin hon. Ang sakit ng ulo ko feeling ko natatanggal na yung anit ko sa ulo. At ang hapdi pa ng mukha ko dahil sa kakasampal mo.."

"Bakit? Nagrereklamo ka?"

"Hindi. Siyempre hindi, kasi pag ginawa ko yun, baka patayin mo ako at pagkatapos hihiwalayan mo. Titiisin ko nalang lahat ng pangto-torture mo sakin.." he pouted. Aww ang gwapo talaga ng asawa ko.

"I love you hubby.. so so so much. I'm sorry kanina.."

"It's alright hon. Alam ko mas masakit pa yung pagdedeliver mo kay baby kesa dun sa pagkasampal mo sa akin. Pero, fvck feeling ko namamaga talaga ang kabilang pisngi ko hon."reklamo niya.

Pinalapit ko siya sa akin at hinawakan ang mukha as I planted sweet kisses on his cheeks.

"I love you hubby.. Sorry talaga kanina.." I pouted.

"I love you more hon.. you don't need to be sorry..mahal na mahal ko kayo ng anak natin.."aniya sabay yakap sa akin.

I smiled and hugged him back.

Noon nama'y pumasok ang isang nurse at tinanong kami kung anong pangalan nung baby namin.

"Austin, anong ipàngalan natin?"tanong ko kasi hindi ko rin talaga napaghandaan ang ipapangalan sa baby namin.

"Gusto ko hon, combination ng name natin..Aucly kaya? What do you think?"

"Aucly? Parang nang-ookray lang ganun? Gawin mo pa yatang bakla anak mo!"

Bigla naman siyang napaisip..

"How about Claus?"aniya.

"Ayoko, gawin mong Santa Claus anak mo?"taray ko sa kanya.

Ang ending naging Austin Jr. ang pangalan ng panganay namin kesa daw pangalanan namin ng sabon, charger, cellphone yung anak namin.

My Papa was happy seeing his apo. Tuwang-tuwa din ang pamilya ni Austin lalong-lalo na si mommy Anicia nang makita ang aming munting anghel.

Si Sev ay ikakasal na next month sa girlfriend nito samantalang engaged na rin si Sven at Kiray at katunayan, two months preggy na ito. Mas nauna pa siyang mabuntis e. Puro kasi totnak! Ikaw din naman Clyte e!

My dad and Austin's mom ay nagtulungang palaguin ang negosyo namin. Okay na rin ang lahat between our families. Pero kaming dalawa ni Austin ay hindi parin naiiwasan ang magbangayan. Pero, wala pang sampung minuto ay okay na kami.

I know Austin and I are really destined for each other. Dahil kung hindi ko siya nakikilala, siguro hindi rin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mom ko at dad niya.

Sa relasyon, isa lang ang tanging magpapatibay sa pundasyon na inyong binuo sa relasyon niyo, si God.

Always put God first ika nga. At higit sa lahat, para maging healthy and smooth ang relationship niyo dapat give and take. Walang mang-under at wala dapat magpa-under. Huwag kayong magpataasan ng pride, dahil ang PRIDE, sabon yun, may powder din nun. Joke!

Pride can kill you! Chus! 😂. Makakasira po siya ng relationship, pramis! Saka, kailangang magtiwala kayo sa isa't-isa. Pero pag sinira ng jowa mo yung tiwala na binigay mo sa kanya, tanginaa! Patayin mo na rin siya!! Hahaha bitter lang. Sabi nga sa kanta "kung di rin tayo sa huli, mamatay ka nalang!" 😂😂

Pero seryoso, pag ang tiwala na ang unang masira, mahirap na itong ibalik sa dati nitong anyo. Dahil ang tiwala katulad lang din ng isang baso na nabasag, mahirap na itong buuin muli kahit ilang scotch tape pa ang gagamitin mo sa pagbuo nito.

Kaya, huwag niyong sirain ang tiwala na ibinigay ng jowa niyo sa inyo at huwag niyong hayaang masira ito. Give and take, at huwag ma-pride dahil nga ang Pride ay isa ngang sabon. Sabunin ko kayo diyan! Chus! Joke lang.

Huwag niyong gayahin si Austin at Clyte sarap ibalibag sa pader 😂😂 daming arte sa buhay e. Pero, ang ending jugjug to the world at plokplok to the heaven din naman.

Remember, PRIDE is sabon hindi dapat ginawang UGALI 😝

A/N

Thanks for reading guys!

Alabuyooooo alll!!

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon