Nanghihina kami pareho ni Papa nang makarating sa bahay. Pilit kung isipin kung paanong nangyari yun, pero hindi talaga ma-absorb ng utak ko."Pa, ba't hindi mo hinanapan ng hustisya ang pagkamatay ni Mama?"wala sa mood na tanong sa kanya. Nanghihina pa talaga ako sa nangyari.
Austin's proposal turned out to be like this. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman sa ngayon lalo na at alam ko na ang mommy nya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng ina.
"Ginawa ko ang lahat anak, pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakakuha nang mas matibay na ebidensya na magpapatunay na pinatay nga ni Anicia ang Mama mo.." aniya na sapo ang mukha.
"I want to re-investigate Mama's case.."saad ko.
"There's no use Clyte. Wala tayong sapat na pera para halungkatin pa ang kaso ng mama mo. Alam natin kung gaano katinik ang Anicia na yun. Twelve years na ang nakaraan, kung bubuksan pa natin ang kaso ng mama mo, ganun at ganun parin ang magiging resulta nito."
"Pero,Pa!!.."
"Let's stop Clyte. Hayaan mo na ang Diyos ang gagawa ng paraan para masakdal ang Anicia na yun. Sorry kung napurnada ang dapat na engagement mo ngayon."
"Kung ganyan ang mindset mo Pa, mamatay nalang tayo na hindi man lang natin mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Mama."
"Bakit? Maibabalik pa ba ang buhay ng mama mo kapag ginawa pa natin yun?" Galit nyang saad sa akin.
Hindi ako umimik. Tama nga naman si Papa. Pero at least mabigyan man lang sana ng katarungan ang pagkamatay ni Mama di ba?
Hindi nalang ako nagsalita at pagod na umakyat sa kwarto ko..
Kinabukasan, hindi ako pumasok sa trabaho at wala na akong balak na pumasok pa. Hindi ko pa kayang harapin si Austin sa ngayon or mas tamang sabihin na ayaw ko na talaga siyang makita kahit kailan..
Months had past ni wala akong balita kay Austin. Ni hindi ko alam kung may balak din ba itong magpakita sa akin. I dunno. Masakit pa pareho sa amin ang nangyari. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil si Austin ang dahilan kung bakit nalaman ko kung paano namatay si Mama dahil simula pagkamatay ni Mama wala ako ni salitang naririnig galing kay Papa.
"Hoy bruha! wala ka na ngang regalo sa akin, ayaw mo pa akong samahang mag-celebrate ng birthday ko!" reklamo sa akin ni Kiray halatang asar na dahil ayaw kong sumama sa kanya. Gusto kasi niyang sa labas kami kakain.
"Bakit kailangan sa labas pa tayo kakain eh pwedeng sa bahay niyo nalang naman diba? Sa ganun ay makakasama mo pa ang mother mo.."
"Eh iba naman yung celebration na kasama ko ang pamilya ko e. Gusto ko mag-celebrate ng birthday ngayon kasama ang bestfriend ko..nang tayong dalawa lang.."
"Ano? Natotomboy ka na ba at pati ako isinama mo diyan sa kalokohan mo? Niloko ka ba ni Sven at pati ako papatusin mo? Arayy! Tanginaa!" asar kong saad sa kanya at napahiyaw sa sakit ng bigla niya akong sabunutan.
"Gaga! Hindi ako natotomboy at lalong hindi ako niloko ni Sven! Tanginaa naman oo! Ano sasama ka o sasama ka?"lumalaki na ang butas niya sa ilong na nakatingin sa akin.
"Oo na! Tsk!"padabog akong umalis sa kama at nagmadaling naligo.
Pagkatapos maligo at magbihis ay umalis na kaming dalawa sa bestfriends date namin. Grabe talaga ang babaeng 'to.. hindi ko talaga mahindian lalo na kung lahat libre niya. Charoot!
Naglanding kami sa isang restaurant. Yes naglanding kami kasi nag-eroplano kami papunta rito. Pero charoot lang! Halos tubuan ako ng pigsa sa kakalakad dahil naglakad kami galing sa bahay papunta ritong restaurant. Huwwaaa! Akala ko bestfriend's date, yun pala Alay-Lakad 2020. Kita niyo bestfriend ko? Salvage niyo na tanginnaaa! Kasi daw libre ang pagkain kaya paghirapan ko daw muna. Birthday niya diba?
Halos mapugto ang hininga ko nang makapasok kami sa loob ng isang restaurant dahil sa pagod sa paglalakad. Lintik lang ang walang ganti sa ginawa niya sa akin. Hmmp! Akala niya ha.
"Waiter.." tawag ko sa waiter nang medyo nahimasmasan na kami.
"Yes ma'am. Can I take your order na po ba?"
Nginitian ko nang matamis si Kiray bago bumaling sa waiter.
"Yes! And lahat ng nasa menu orderin niya.."saad ko sabay turo kay Kiray.
"Yes ma'am! Noted.."saad ng waiter bago umalis.
"Hoy! Anong ginagawa mo?"aniya na nanlalaki ang mga mata.
"As you can see beshie, nag-oorder ng pagkain at shoulder mo lahat yun, kasi pinaghirapan ko yung lakarin hanggang dito diba?" wika ko sabay kindat.
Asar niya akong hinampas ng hawak nyang menu book..
Dumating ang order namin na halos lahat punuin ang dalawang mesa na kaharap namin. Yay sobrang dami pala. Akala niya kunti lang.
"Isusunod nalang namin ang dessert ma'am.."saad nung waiter.
What? May dessert pa? Ang dami na!!
Nang dalhin na sa amin ang dessert ay nagulat ako nang makita ko ang may dala ng dessert, it was Austin.
My heary thumped hard habang nakatitig rito. He's now looking at me seriously nang magkaharap kami, pero ang ipinagtaka ko ay biglang umalis si Kiray na kumikindat pa sa akin. So ano 'to?
"Is this all planned?"tanong ko and he nodded.
Shit! Patay ka sa akin na Kiray ka mamaya! Papatayin kita at ipaanod sa ilog Pasig!
"Can we talk?"aniya. Nakatungo lang ako. Imbes na ready na akong lantakan ang mga pagkain na nasa harapan ko ay di ko nagawa.
"I'm sorry. But I'm working on it already.."aniya na hindi ko maintindihan.
"Huh? What are you saying? Working on it??"
"My dad and your mom's case. I just need evidence. Pero wala talagang mahanap kahit yung mga private investigators na hina-hire ko. Ang kailangan ko lang ngayon is màpaamin si Mommy na siya talaga ang may pakana ng lahat. I'm sorry hon.."aniya.
I remained silent. "Please don't leave me. Just give me a time to prove that I am willing to put my mom in jail if found guilty. Please.."
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
Ficção GeralClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...