Two months later..Nakaya kong iwasan si Austin sa loob ng dalawang buwan. Pero, kung kailan ako lalayo na sa kanya, sya naman 'tong lapit ng lapit sa akin. Tsk! Di ko alam kung anong problema nya.
I still love him.. pero, I'm keeping it to myself nalang. Pretending to be okay just to endure the pain. Minsan para siyang temang bigla nalang magpapa-cute sa akin.
Medyo, may dumagsa na ring customers sa clinic nya kaya kahit papano ay nakakaiwas ako sa kanya paminsan-minsan.
Busy ako ngayon dahil pina-arrange na naman nya ang mga paperworks nya sa akin. Tsk! Nalaman ko kasi galing kay Sev na nagmamay-ari din sila ng chains of clothing company ditong pinas at ibang bansa. Okay, sila na mayaman!
"Klay.." tawag nya sa akin.
"Oh?" walang ganang tugon ko na hindi tumitingin sa kanya.
Patuloy parin ako sa pag-ayos ng mga papeles dun na hindi tumitingin sa kanya.
"Tumingin ka nga sa akin.." aniya.
I lifted my gaze at him. Our eyes met. Di ako nagpatinag.
Bigla na naman syang nagpa-cute sa akin at may pakindat-kindat pa.
"Tsk! Problema mo Doc? Baka lumala yan, magpatingin ka na kaya sa psychiatrist." asar kong saad sa kanya at bumalik sa ginagawa ko.
"Sigurado ka bang naka-get over ka na sa akin ha Klay?" out of the blue na tanong nya sa akin.
"Oo naman. Tapos na ang infatuation ko sayo noh?"nakabusangot kong sagot sa kanya.
"Ba't ang bilis naman yata?" aniya na parang nag-iisip pa.
"Ewan ko sayo Doc! Diyan ka na nga!".
Mabilis akong lumabas ng opisina nya at iniwan sya doon. Dahil kung hindi ako iiwas, mawala na naman ako sa katinuan ko at baka maghuhurumentado na naman ang aking puso. Haysss!
Napailing akong umupo sa may counter. Noon nama'y tumunog ang chimes at iniluwa ang isang Labrador Retriever na aso kasunod ng amo nito.
"Sev?" hindi ako makapaniwala na siya ang kasunod ng isang Labrador.
"Clyte!"kaagad naman syang lumapit sa akin at sabik kaming nagyakapan. Walang malisya! He's my friend aside kay Kiray.
Bumitaw lang ako sa yakap ko sa kanya nang may narinig akong tikhim sa likod ko.
"Hi insan!" bati ni Sev kay Austin. Nakasimangot naman ang huli.
"Anong ipinunta mo rito?" nakasimangot na tanong ni Austin kay Sev. Tsk!
Pinuntahan ko nalang yung aso na dala ni Sev at nilaro-laro. He's cute and adorable.
Matapos mag-usap ng magpinsan na di ko alam kung anong pinag-uusapan nila ay umalis naman kaagad si Sev at nung aso nyang si Boddie.
"Araw-araw na tayong magkikita rito Klay starting tomorrow!" aniya na halatang tuwang-tuwa.
"Talaga?" tanong ko and he nodded. Bigla kong naalala yung sinabi nya dati sa chats namin.
"Sandali, di ko pa nakalimutan yung sinabi mo na ipakilala mo ako sa mga friends mo ha!" wika ko bago siyang tuloyang makalabas ng clinic.
"Oo! Tsk! Ipakilala din kita sa girlfriend ko soon.." saad pa niya at tuloyan ng lumabas ng clinic.
Whoa! May girlfriend na sya? Sana hindi laruan lang! Tsk.
Napangiti ako nang maalala ko na ipakilala nya ako sa friends nyang mga gwapo. Yey! Makalimutan ko na rin si Austin!
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
Ficción GeneralClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...