Wala kaming imikan ni Austin habang nagbabyahe. Punta daw kaming Coronava Beach at dun gaganapin ang birthday party ni Sev.Nauna na sila ni Kiray at Tres sa Coronava, diko alam kung bakit sobrang bagal ng usad ng sasakyan ni Austin na isa naman 'to sa pinakamamahal na sports car na alam ko.
"Wala na bang mas ibibilis 'tong sasakyan mo? Wala naman yata tayong patay na kasama rito.."nakasimangot kong reklamo sa kanya.
Napangiti syang nakatingin sa akin. "Nag-iingat lang ako, ayoko kasing natatakot ang mahal ko.."aniya.
Bigla akong napaubo. Shit! Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kiligin na sana ako e, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Wala akong imik na tumingin sa labas, kunwari walang pakialam sa sinasabi nya, pero deep inside tumitili na ako sa kilig. Charrringg!
Medyo malayo pa raw ang byahe bago kami makarating sa beach. Two hours away pa para marating ang Coronava.
Alas diyes pa lang ng umaga pero medyo makulimlim na ang kalangitan. Para bang nagbabadya na itong umulan anumang oras.
"Uulan yata.." kausap ko sa sarili ko.
"Parang uulan nga, dalawang oras pa naman bago tayo makarating ng Coronava." sagot nya kahit di ko naman sya kinakausap.
"Tsk! Kung di lang parang karo ng patay 'tong sasakyan mo e, makarating na sana tayo ng Coronava bago umulan.."simangot ko sa kanya.
"Karo? Agad-agad? Nag-iingat lang naman ako.." simangot din nya kaya inirapan ko sya.
Pero isang oras pa bago makarating ng Coronava ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. At ang malas pa, biglang tumirik yung sasakyan nya.
"Paano na yan! Ikaw ang may kasalanan nito e." ngitngit ko.
"Sandali, tignan ko lang sa labas kung anong nangyari.."aniya na kaagad na lumabas ng sasakyan nya.
Sige parin sa pagbuhos ang ulan, at basang-basa na si Austin dun. Nakita kong nanginginig na sya sa lamig kaya tinawag ko sya.
"Pumasok ka muna rito.. basang-basa ka na.."
"Pero hindi pa 'to ayos.."
"Hayaan mo na, mamaya na yan pag tumila na ang ulan.."
Kaagad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Ibinigay ko kaagad ang face towel sa kanya na hindi sya tinapunan ng tingin.
Pero lumipas ang isang oras, dalawang oras, tatlong oras hanggang sa gumabi na ay ganun parin ang lakas ng ulan. Sumabay naman sa lakas ng ulan ang alburoto ng tyan ko. I'm already hungry.
Nag-alala syang napatingin sa akin, kaya umiwas ako ng tingin. Nakakahiya.
"Wala tayong choice, kundi ang lumabas at maghahanap ng pwedeng matulugan ngayong gabi."aniya.
"Ano ka baliw? Kita mong sobrang lakas ng ulan.."
"Gutom ka na, at gutom na rin ako, baka ano pang mangyayari sa atin dito kung mananatili lang tayo rito."aniya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Tinahak namin ang daan na puro takbo ang ginagawa dahil sa lakas ng ulan. Dala namin ang mga bag namin habang hawak-kamay kaming tumatakbo. Parehas na kaming basa sa tubig ulan.
May nahanap kaming inn, di kalayu-an sa sasakyan nya.
"Two rooms please.."si Austin doon sa receptionist na panay punas ng face towel sa basang buhok nya.
"Sorry sir, pero only one available room left. Halos fully booked na po.."
"Meron bang two beds sa room na sinasabi mo?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...