Kinabukasan, maaga akong pumasok. Sa kadahilanang, hindi si Doc Sev ang makakasama ko sa clinic ngayon, kundi ng tunay na may-ari.Naglinis muna ako, at tsinek ang dalawang aso na naka-admit nung nakaraang araw dahil nagkaroon ng allergies ang mga ito.
Pagkatapos kong maglinis at i-check ang mga aso ay umupo nalang muna ako, total wala pa namang customer.Ewan kung magkakaroon ng customer ngayon. Saka wala pa naman yung Austin daw.
Sa totoo lang, diko alam kung kabahan na ba ako or ma-eexcite. Ibang tao kasi 'to ngayon di gaya ni Sev na nakapalagayang-loob ko na. Baka matanda na! Hay! Pero sabi nga ni Doc Sev, mas hot at gwapo yun sa kanya.
Malay mo, ginugood-time lang ako nung loko.
Ala una na, wala paring Austin na dumating. Tapos na akong kumai't lahat ay wala parin yung boss ko.
Inayos ko muna ang uniform ko at humalukipkip dun sa upuan kalapit sa inuupuan lagi ni Doc Sev. Maganda kasing pumwesto rito. Lalo na kung gusto mong natatamaan ka ng hangin ng aircon. Lol!
Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nang tumunog ang chimes, ibig sabihin may tao.
Bigla akong nagising at naalimpungatan ko pa ang isang lalaking papasok. Papungay-pungay pa ako ng mata kasi nasisilaw ako, kasi kagigising ko lang. Pinahiran ko pa laway ko bago ko hinarap yung bagong customer.
Nang luminaw ang na ang paningin ko, nakita ko sa harapan ko ang gwapo, hot, at machong lalaki sa harapan ko na kamukha ni Ji Chang Wook. Nakakalaglag panty ang kasarapan ng katawan nya. Ohlalam..
Pero, bakit parang asar sya sa akin??
"Ah, Yes?." nakangiting tanong ko rito sabay lunok ng laway ko.
"Hindi ka naman siguro pina-swelduhan rito para matulog ano?" aniya na ipinagtataka ko.
"Ho? Ah ano kasi sir, wala kasing customer kaya natulog nalang ako. Matumal kasi. Diko alam kung anong kamalasan meron itong clinic na 'to at wala man lang customer. Tapos, may nakikipag-kumpetensya pa sa amin dyan sa tapat. Ewan ko lang kung saan to pupulutin ang shop na 'to.." saad ko na nakangisi. Daldal ko na!
Nakatiim-bagang pa syang nkatingin sa akin at dumerecho sa opisina ni Doc Sev.
Teka!
"Hoy! Sir! Bawal pumasok dyan! Ipapapulis kita gago ka!" natataranta akong sumunod dito.
Lumingon sya sa akin na nakakunot ang noo..
"Anong tawag mo sa akin? Gago?"
"Tangina! Oo! Hindi mo ba alam na bawal pumasok dito ang mga unauthorized personnel?" singhal ko. Akala nya kung sino sya ha!
Asar syang nakatingin sa akin. Parang gusto nya akong batuhin nang kung ano. Pero mas lamang ang gusto nya akong sakalin.
"Hindi ka ba na-inform ni Sev na ako ang papalit sa kanya ngayon?" he said smirking.
"Ho?"
Ano raw? Siya ang papalit kay Severino? Siya? Hala! Nakupo! I'm dead!
Bigla akong napalunok ng laway, feeling ko nalunok ko pati ang lalamunan ko. Ito ba yung Austin? Shit! Paktay ako! Ang sarap! Chus!
"Ah.. hehehe. Ikaw pala sir.. hehehe." parang temang kong saad sa kanya.
Kinabahan akong nakatingin sa kanya. Kunwari nakangiti ako pero sa totoo lang parang bigla akong natae.
"Magtrabaho ka na!!" biglang sigaw nya kaya napatalon ako sa gulat. Tangina! Bakit ba siya naninigaw.
"Wala pa naman ho'ng customer sir.. hehe."
"Pina-swelduhan kita dito para magtrabaho, hindi para matulog kaya labas! Bilis! Maglinis ka dun! Ang dumi-dumi na rito! Hindi ka siguro naglilinis puro ka nalang tulog!" aniya.
Nakasimangot akong tumalikod sa kanya. Bwisit! ngitngit ko sabay sipa ng monoblock chair dun.
"Nagdadabog ka?" si Austin agustin! Tsk!
"Hehe hindi po sir.. sinubukan ko lang sipain kung matibay ba. Matibay nga pala talaga.."ngisi ko sa kanya. Pero buset, napalakas yata ang sipa ko't sumakit ang paa ko.
Paika-ika akong lumabas at nagwawalis sa labas. Ano ba ako rito? Assistant o janitress? Haysss! Baka bukas gawin na din akong secretary ng isang 'to. All-around lang ang peg.
Dahil masipag ako ngayon, naglilinis ako. Lahat ng sulok ng clinic nalinis ko na.
Gwapo ng bossing ko. Tama nga pala talaga si Severino. Gwapo at hot! Yikes! Pero hindi man lang nya sinabing nakakalaglag ng panty itong pinsan nya.
Saan na kaya si Sev ngayon?? Baka nasa states na. Malamang! Hmmm! Di ko naman na kasi siya ma-contact.
Hindi ko sukat-akalain na ganyan ka-gago este ka-gwapo si Austintininin..
Nang matapos akong maglinis, ay bumalik ako sa inuupuan ko kanina sa counter ng clinic na pinaka-opisina ko na rin. Na-miss ko tuloy si Sev. Kasi, pag nandito yun ng ganitong oras ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga babae nya.
Mag-eemote pa sana ako nang biglang bumukas ang opisina dati ni Sev at iniluwa si Austin.
"Templa mo ako ng kape!" aniya. At mabilis bumalik sa loob.
Sabi ko na e, gawin din akong secretary. Taga templa ng kape.
Mabilis akong pumuntang mini-pantry doon at ipinag-templa sya ng kape.
Nang makapag-templa na ako ay kaagad ko itong dinala sa opisina nya.
"Ito na ang kape nyo sir." saad ko pagkapasok.
"Ilapag mo nalang dyan!" aniya na may tinitingnan sa cellphone.
Lalabas na sana ako nang bigla syang napaubo at naibuga ang ininom na kape.
Bwisit! Lagi nalang akong nabubugahan. Kung hindi kape, milktea. Nakasimangot akong nagpagpag ng uniform ko. Tsk!
"Tanginaa!! Marunong ka bang magtempla ng kape?"inis nyamg tanong sa akin.
"Oo naman po, kaya nga ipinag-templa kita ng kape di po ba?" ngisi ko sa kanya.
"Tanginaa! Anong inilagay mo dyan?"
"Kape po, alangan namang gatas, eh kape ang gusto mo. Di mo naman kasi sinabing gatas ang...." di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang pukpokin ang mesa doon.
Gulat akong napatingin sa kanya.
"Subukan mo kayang tikman yang tinempla mo!" singhal nya.
Lumapit naman ako sa kanya at pinulot ang tasa doon.
Tinikman ko ang tinempla kong kape, doon ako sa banda kung saan sya uminom. At least kahit sa tasa nakakatikim akong kiss! Chus! Talande!!
Pero, masarap na sana ang inom ko nang maibuga ko ang kape sa mukha ng boss ko! Putek! Ang pait! Para akong kumain ng apdo!
"Fvck!!" mura nya.
Paktay! Nabugahan ko pala sya nung kape..
"Papatayin kita! Langya ka! Sa akin mo pa talaga ibinuga!" asar nyang saad at tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sa akin. Akmang hahalikan este sasakalin nya na ako nang magsalita ako.
"Ah-eehh patas nalang tayo sir. Quits na, binugahan mo din naman kasi ako e.." I gulped. Shit na malagkit! Ang bango nya.
Kahit muntik na nya akong sakalin may gana parin akong kumerengkeng! Juskopolord!
"Wala kang sahod ng isang buwan!" singhal nya sa mukha ko sabay labas.
Tsk! Napatampal ako ng ulo ko. Akala ko kasi hahalikan nya na ako. Chus!
Pero, what??? Wala akong sahod ngayong buwan? Whoa! He's just joking naman diba? Diba?
Patay ako pag wala akong sahod. Sisingilin ako ni Aling Nena sa pautang nyang 5-6 wala akong pambayad. Naku! Gawin ko syang collateral kapag di nya ako sasahuran. Chus!
A/N
Please support! Lovelots♡♡♡
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...