Chapter 3

946 33 0
                                    

Weeks had past, medyo bumait naman si boss Austin, pero madalas may topak. Makikipag-biruan naman sya kapag sinaniban sya ng kasaltikan. Saka palaging pumapasok itong boss ko kahit wala namang customer madalas.

Minsan naman may mga dala-dala syang mga paper works na di ko alam kung ano kasi laging tambak ang opisina nya.

Natuto na rin ako kung anong templa ng kape nya. Kasi dati yung templa ko, dalawang kutsara ng kape at isang kutsaritang asukal. O diba? Ang pait! 😂

Siya, isang kutsaritang kape at dalawang asukal. Yun pala dapat.

Minsan binibilhan nya ako ng kape sa starbucks. Minsan may pizza at madalas nya akong dalhan ng pagkain. Luto daw ng yaya nya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

Simpleng gestures nya, naghuhurumentado kaagad ang puso ko. Simpleng bigay nya lang ng pagkain sa akin, nangingisay na ako sa kilig. Kapag kausap nya ang may-ari nung katapat naming clinic ay nagseselos ako. Feeling ko kasi, may pagtingin yung babae sa kanya. Sobrang hot at gwapo ba naman ng Austin ko. Chus! Austin ko daw!

Pero, naiinis talaga ako sa babaeng yun! Madalas dito kasi nagtatambay! Bwisit.

At sobrang lupit naman talaga ng mundo, kasasabi ko lang na dito yung babaeng yun madalas nagtatambay ay ito na naman sya.

"Hi Austin!"parang bubuyog na bati nya kay Austin.

"Oh! Hi Clarice!" bati naman ng boss ko dito kahit may ginagawa sya pinuntahan nya talaga ang bubuyog na Clarissa na yun! Pa Clarice clarice pa, Clarissa naman talaga pangalan nya. Tsk!

Mas bagay kami ni Austin love Clyte! Perfect Match!

"Sir, Austin, tapusin mo kaya muna ang ginagawa mo, di mo na naman tatapusin yan tapos ako na naman sesermonan mo mamaya!" asar kong saad sa kanya nung haharutin na naman sya ni Clarissa!

Pero, ang totoo gusto ko lang talagang hindi maglapit yung dalawa kasi selos na selos ako mga dzai. Parang sinaksak ng martilyo este kutsilyo ang dibdib ko.

Sino ba naman kasi ang hindi magseselos kung yung Clarissa eh sing-laki ng balde yung dibdib? Samantalang ako? Isang kutsara lang sa liit!

Kapag lumaki 'tong dede ko, ihahampas ko talaga sa pagmumukha ng Austin na yan! Chus!

"Ok lang Clyte, mamaya ko nalang yan taposin." nakangiting saad ni bossing sa akin.

Tss! Ayaw nya lang iwanan yung Clarissa! Kailangan ko gumawa ng paraan.

"Ma'am Clarissa! Wala din ba kayong customer?" tanong ko rito na kunwari nagpagpag ako gamit ang feather duster na hawak ko.

"Meron naman, nandun naman yung assistant ko, siya na bahala dun, na bored kasi ako kaya dito nalang ako pumunta..Tatawg din naman yung assistant ko in case may emergency." aniya.

"Ah, parang ginawa nyong park ang clinic ni boss Austin.." plastic kong ngisi sa kanya.

Pero ang gaga, napakamanhid! Tawa pa sya ng tawa! Naisip ko tuloy kung nakakatawa ba yung sinabi ko.

Samantala si Austin pinanlalakihan ako ng mga mata nya. Nginitian ko sya ng napakatamis-tamis sabay irap at iniwan silang dalawa.

Pinuntahan ko nalang ang mga aso. Mabuti pa ang mga aso may pakiramdam! Pero si Austin Mahal wala! Huwaaaaaaahhh! Charoot!

Nagtagal pa ang bubuyog ng dalawang oras sa clinic ni boss Austin. Kakapalan talaga ng face ano? Tsk!

Bakit ka ba bitter Clyte???

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon