Chapter 22

714 27 1
                                    

AUSTIN

"Can't you just admit it Ma?"

"NO! Wala akong ginagawang masama Austin! Lahat ginagawa ko para mapabuti lang ang pamilyang ito! At wala akong dapat na aminin sayo!"

"Mapabuti? Are you kidding me Ma? Hindi ka ba nakokonsensya? Nakakabuti ba ang magpalago ng negosyo na hindi sayo? Hindi ka ba nahihiya sa sarili-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong makatanggap ng isang malutong ng sampal galing sa kanya.

"Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko Austin, kaya wala kang karapatang husgahan ako!"

"For Pete's sake! Yan parin ba ang iniisip mo ngayon? You are selfish 'ma. Hindi mo man lang naisip kung ano ang mararamdaman ko!"

"Ginawa ko ang lahat para mabigyan ka ng magandang buhay! At para mapasaya ka dahil naibigay ko ang lahat ng gusto mo!"singhal niya sa akin.

I let out a deep sigh at napailing na tumingin sa kanya.

"Mapasaya? Ma, I'm not happy! Halos buong buhay ko inilaan ko sa negosyong akala ko pag-aari ni Daddy at pag-aari ng pamilyang 'to! Sasaya? Ako sasaya? Hindi ma, dahil ako ang nakokonsensya sa ginagawa mo! Ako ang nahihiya sa kagagawan mo! Nagawa mo pang kitilin ang buhay ni Daddy at sa ina ni Clyte dahil diyan sa kasakiman mo!"

"Nararapat lang yun sa mga taksil na kagaya nila!"aniya na nanlilisik ang mga mata.

"You're imposible Ma! Kalimutan mo nalang na naging anak mo ako! Nakakahiya ka!"saad ko at walang lingon-lakad na lumabas ng bahay.

Hindi ko maatim na harapin pang muli ang aking ina pagkatapos ng lahat ng nalalaman ko..

Dumerecho ako sa condo ni Sev at wala akong planong bumalik pa ng bahay.

"Oh Cousin bro! Ikaw pala!"saad nya bago ako pinapasok ng unit niya.

"Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?"saad ko at pabagsak na humiga sa sofa.

"Nah, I thought ang girlfriend ko ang dumalaw sa akin. Ikaw lang naman pala."

"So, ayaw mo ako rito?"

"I didn't say that.. May problema ka ba? Last mong punta rito nung naguguluhan ka sa feelings mo para kay Clyte."

"Not unless hindi mo alam ang nangyayari Sev." I sighed.

"I'm sorry about it bro. I didn't expect tita would do that.."

"Well, ginawa at nagawa na niya Sev. At ang nakakainis at nakakahiya sa lahat, sa pamilya pa ni Clyte nagawa yun ni Mommy."

"Hindi kaya, pinagtagpo talaga kayo para magkaroon ng justice ang pagkamatay ni tito?"

"May update na ba dun sa pinapagawa ko sayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"May lumabas daw na witness sa nangyaring aksidente twelve years ago. Isa sa naging ka-trabaho ng daddy mo dati at----"

"At??"

"At binayaran ng mommy mo para tanggalan ng brake ang minamanihong kotse nung ina ni Clyte, and unfortunately kasama  doon ang daddy mo.."

"Goddammit! Abot na pala talaga hanggang sukdulan ang kasamaan ni mommy. Fvck! Fvck! Fvck!"

"Calm down 'kay? We don't have any evidence yet, witness palang ang meron tayo. It's still useless kasi lalabas lang na nagbayad tayo ng witnesses kung wala tayong matibay na ebidensya.."

I sighed. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"So, what's your plan now? Tuluyan mo na bang iwasan si Clyte?"

"No! Of course not! I love her at papakasalan ko pa siya! Nag-iisip ka ba?"asar kong baling sa kanya.

"Sa tingin mo, tatanggapin ka pa ni Clyte sa kabila ng ginawa ng mommy mo sa mommy niya?"

Napaisip ako sa sinabi ni Sev. She did not mention anything yesterday about us. Mukhang iniiwasan niya pa ako. She's not happy seeing me yesterday.

I let out a deep sigh. "If that's the case, I will make her fall for me again."

"Confident lang Austin.."

"Kung mahal niya talaga ako Sev, past is not an issue na siguro.."matamlay na saad ko.

********

Kinabukasan pinuntahan ko ang sinasabi ni Sev na star witness ng case ng both parents namin ni Clyte.

Dumating ako sa isang rest house na pag-aari ni Sev. Naroon ang kinaroroonan ng isang  witness na sinasabi niya with securities all over the area.

Good job Severino! May silbi ka rin naman pala!

"Ang witness?" kaagad kong tanong dun sa nagbabantay ng gate.

"Nasa loob boss. Pasok ka nalang ho!"

Kaagad akong pumasok sa may living room at nakita ko dun ang isang may edad na lalaki..

"Magandang araw ho.."bati ko rito nang makaupo ako kaharap nito. Pero hindi ito nagsasalita, at nanatiling walang imik na nakatingin lang sa akin.

"Anong ho ang nalalaman niyo sa nangyaring aksidente twelve years ago?"

Ayun sa kanyang kwento..

"Mang Paeng, nasa labas ho ang asawa niyo at kailangan niyo na daw dalhin ang anak niyo sa hospital!"

"Hinihintay ko pa ang boss ko, uutang pa ako ng pera.."

Noon naman ay nakasalubong ni Mang Paeng ang asawa ng katrabaho niyang si Arnold nang hanapin niya ang kanilang amo.

"Di ba kailangan mo ng pera Mang Paeng?" saad nung babae.

"Opo! Hinihintay ko nga si Boss eh, dahil hihiram ako ng pera para pang hospital ng anak ko.."mangiyak-iyak na saad ni Mang Paeng.

"Mga magkano ba ang kailangan niyo?"

"Three hundred seventy thousand po para sa liver transplant ng anak ko.."

"Doblehin ko yan Mang Paeng, at ibigay ko kaagad sayo ngayon ang pera basta gawin mo ang ipapagawa ko sayo..

Napabuntong-hininga ako ng matapos niyang ikwento sa akin kung bakit nangyari ang aksidente.

"Pasensya na po kayo sir. Naipit lang ako sa sitwasyon na kinailangan kong iligtas ang buhay ng anak ko. Hindi ko na naisip ang ibang tao noon, mas inisip ko ang kalagayan ng anak ko kaya ko nagawa ang bagay na yun.."

I remained silent..

"Hindi ko naman din kasi alam na kasama pala ang ama mo noon sir. Pasensya na po talaga.." dagdag pa niya.

I sighed.

"Hindi naman na ho natin maibalik pa ang mga nangyari na. Kailangan ko lang ang tulong mo kapag nakahanap na kami ng matibay na ebidensya, and name your price para mabayaran na kita.."

"Hindi ho ako nagpapabayad sir! Ang kailangan ko lang ang seguridad ng pamilya ko at handa akong tulungan kayo..

"It's a deal then..",saad ko at kinamayan siya bago umalis pabalik sa condo unit ni Sev.

A/N

Oryt! Sorry for the late update guys.. busy lang si oka 😆
Nga pala,simple lang ang mga story ko, minsan di ko alam kung nai-excite kayo or naiirita na. Hahaha 😆 Sarrreeey naman. First time kong gumawa talaga ng story at hindi ko na binabasa ulit derecho na sa publish 😄. Pagtyagaan nyo nalang ha. Alabuyo all 😘😉😉

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon