Chapter 23

730 29 1
                                    

Clyte

"Wala nga kasi akong trabaho aling nena.. kaya pautang ng isang sardinas lang.." kulit ko sa nanay ni Kiray dahil ayaw niya talaga akong pautangin.

"At anong ibabayad mo aber, eh wala ka na palang trabaho tapos may 5-6 ka pang hindi naporsyentuan sa akin. Tapos uutang ka na naman? Aba! Uso din ang mahiya!" Singhal niya sa akin na pinanlalakihan ako ng mga mata.

"Eh, matagal na akong nanalo sa pakapalan ng mukha aling nena,kaya kakapalan ko talaga ang pagmumukha ko. Pautangin mo na kasi ako. Sige ka, pag ako nakapag-asawa ng mayaman, hindi kita.....Arayyy!!!"

"Oh ayan ang sardinas mo!" supalpal niya sa sardinas sa akin. Watdapak! May bukol pa yata ako e.

"Aling Nena naman e, kung napipilitan ka lang, wag mo naman akong ganitohin.."nakasimangot kong saad sa kanya.

"Galing mo parin talaga mag-drama baklay ka pagdating sa pangungutang sa akin.."asar niyang tugon sa akin na pinanlalakihan ako ng mga mata. Nginitian ko lang siya ng nakakaloko na muntikan na naman akong hambalusin ng newspaper na hawak niya kung hindi dahil sa isang kotse na pumarada sa harapan namin.

Kinakabahan ako nang lumabas ang sakay ng kotse at ngayon ay naglakad patungo sa akin.

Ano na naman bang kailangan niya? Tsss!

"Can we talk Miss Almendras?"

Napalunok ako ng laway ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nasa harapan ko na ulit ang taong pumatay sa Mama ko.

"What for Mrs. Williams??"walang emosyon na tanong ko sa kanya.

"Please.."pagsusumamo niya.

Himala! Dati kung makaismid siya sa akin akala mo lalamunin na ako ng buhay e! Tsss!

"Umalis ka na ho Mrs. Will----"

*boink*

"Aray ko! Ano bang problema mo Aling Nena huh?"asar ko siyang tinitignan. Binatukan ba naman ako.

"Kakausapin ka lang, dami mo talagang arte na bata ka!"aniya na akmang babatukan na naman ako kaya lumayo ako ng kunti sa kanya.

Dinala ko si Mrs. Williams sa bahay namin for my safety. Malay ko, kidnapin niya ako at patayin din.

Laking gulat ni Papa nang makita ako na kasama si Mrs. Williams.

Pero mas ikinagulat ko ang biglang pagluhod ni Mrs. Williams sa harapan namin ni Papa at humahagulhol ito ng iyak.

"Patawarin nyo ako..patawarin niya ako.."aniya na naging hysterical na sa kakaiyak.

"Tumayo ho kayo Mrs. Williams hindi po kami santo para luluhuran mo!"malumanay ngunit matigas na saad ni Papa.

"I'm sorry..patawarin niyo ako.."iyak nya habang unti-unting tumayo at ngayon ay nakatungo na nakaharap sa amin.

"Bakit Mrs. Williams anong kasalanan mo sa amin para ganyan ka humingi ng tawad sa amin?"tanong ni Papa. Pero walang-imik na nakatungo lang si Anicia Williams habang patuloy parin sa pag-iyak.

"So, totoo nga na ikaw ang pumatay sa asawa ko.."

Walang imik ako habang tinitignan silang dalawa. Namalayan ko nalang ang biglang pagpatak nh isang butil ng aking mga luha sa aking pisngi.

All this years.. hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa buhay ko. Lalong gumulo. Masaya naman na ako e, masaya kami ni Papa kahit wala na si Mama. Pero hindi ko akalain na ganito ang mangyari, kung kailan nagmahal ako, kung kailan ready na akong bumuo ng sariling pamilya, saka naman namin nalaman kung sino ang pumatay sa mama ko. At ang pinakamasakit sa lahat, nanay pa ng taong minamahal ko. Why life is so cruel? Fvck!!

"Mahirap magpatawad Mrs. Williams lalo na at buhay ng asawa ko ang kinuha mo. Sinira mo buhay namin at pati ang buhay ng anak ko!"

"I'm sorry.. I'm sorry. I am willing to send myself to jail patawarin niyo lang ako. Please.. pleasee.."aniya at lumuhod ulit habang sige parin sa pag-iyak.

I didn't expect na makita siyang ganito ngayon sa harapan namin ni Papa. She's evil and full of pride. Pero ngayon, kung makaluhod siya sa harapan namin, parang gusto nya na rin patayin ang sarili niya.

"Umuwi na ho kayo Mrs. Williams.."saad ni Papa at padabog na umalis at umakyat sa kwarto niya.

"Clyte.."tawag ni Anicia sa akin.

Hindi ako makakilos parang natulos nalang ako sa kinatatayuan ko..

"Please accept my son. He loves you so much..yun lang ang tanging hilingin ko sayo Clyte. Huwag mong iwan ang anak ko.."she looks so messed up.

"Yan ba ang ipinunta mo rito Mrs. Williams? Inutusan ka ba ng anak mo?"

"No! My son didn't know I'm doing this. Please Clyte, accept Austin. He loves you so damn much na kahit ako na ina niya ay kaya niyang talikuran. I'm sorry sa nagawa ko sa pamilya mo..handa akong pagbayaran ang lahat patawarin niyo lang ako.. mahalin mo lang ulit si Austin magiging masaya na ako.."

Biglang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Tangina! Dami namang drama nitong buhay ko Oo!

"Hindi ko na hihilingin na patawarin mo ako Clyte, tanggapin at mahalin mo lang ang anak ko, okay na ako. Yan lang ang tanging hiling ko sayo. Huwag mo siyang iwan Clyte. Ayokong mag-isa siya.."aniya bago ako tinalikuran.

Mag-isa? Anong ibig niyang sabihin?

Kinabukasan, alas sais pa lang ay nakaready na ako para maghanap ng bagong trabaho. Sa hirap ng buhay ayokong maging tambay nalang. Marami man akong problema ngayon, pero problema lang yan, si Clyte ako.

"Anak, saan ang punta mo ba't ang aga mo yata?"puna ng papa ko habang may hawak na tasa ng kape at binubuksan ang TV.

"Maghanap po ako ng bagong trabaho Pa.."

Breaking news: Isang business tycoon ng Pilipinas at sa buong Asia ang isinuko ang sarili sa mga pulis, matapos di umano nitong patayin ang sariling asawa at ang naka-relasyon nito twelve years ago. Sa kabila ng pag-amin ng sariling kasalanan ay ibabalik di umano nito ang kompanya na ninakaw niya sa pamilya Almendras.. ang report ay kay Allan Marino.

Fvck! What happened? Ito ba yung sinabi niya kahapon? So tinotoo nga niya?

"Pa, totoo ba yang balita?"

"Malamang, baklay!"saad niya as he tsk-ed. Whoa! Parang teenager lang si papa kung mga 'tsk' e..

Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong umalis para maghanap ng trabaho...

Destined For You [ COMPLETED ]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon