Austin's POV
"We have to break up Austin.." saad ng girlfriend nyang si Sabrina.
"Why? M-may nagawa ba ako? Anong kasalanan ko?"
"You're such a boring boyfriend! Puro nalang trabaho ang inaatupag mo. Gusto ko ng boyfriend na nakakasama ko lagi, yung kayang sakyan lahat ng trip ko hindi ng katulad mo. Kaya, maghiwalay na tayo."
"I'll make it up to you.. just don't break up with me Sab. I love you so much!"
"I don't love you anymore. I maybe fall for you at first, pero nakakawalang-gana na rin e. And besides, you love your company more than me kaya magsama kayo ng company nyo!" galit na saad nito at padabog siyang iniwan.
That was nine years ago. May magagawa ba ako kung sa akin lahat pinaako ang responsibilidad na dapat si Daddy ang gumawa? Napakababaw man ng dahilan nya ay di na ako naghabol pa.
Hayy..
Maybe I was born to be like this. I was made to be single forever. This is my fate!
I don't want to fall in love again, at ayokong iwan na naman ng girlfriend dahil busy ako lagi sa trabaho.
"Sir Austin nandyan na ang mommy mo sa loob hinihintay ka.." tawag ni yaya Lucia sa akin.
Andito ako sa garden ni mommy to review some proposals na kahapon pa 'to nakatambak sa opisina ko.
"Susunod ako nana.."
I graduated as a vet pero hindi ko masyadong nagamit dahil mas hands-on ako sa company namin. That's why kahit walang customer ang clinic ko ay okay lang.
Gusto ko lang may mapuntahan sa panahong down ako at pagod. My clinic is my favorite spot actually. Doon ako mas nakakapag-isip.
"Hi ma!" bati ko sa ina ko nang makita ko sya sa sala na nagbabasa ng magazine.
"Oh, hi there son!" she stood up and hug me.
"How's your visit kay tita Lala?" tanong ko at pasalampak na umupo sa sofa kaharap nya.
"Galing akong restaurant nya, and know what? Sandali may ipapakita ako sayo.." aniya at may kinuhang small envelope.
Nang makita ko, It was a picture of different girls.
"Ma! What were you thinking?" I exclaimed!
"You can choose any of them son.. But, sana piliin mo yung anak ng CEO.."
"I'm not interested Ma, goodness!"
"Puro ka lang not interested, ano nababakla ka na ba? Are you planning to be an old man?"
"I am not a gay Ma, if that's what you think!" Asar ko paring saad sa kanya.
"Then what?"
"I don't trust them. People like them doesn't know how to be contented. They'll just broke up with me kung hindi ko sila masyadong mabigyan ng oras. And you know I can't give them what they want.."
"You can't give them what they want? You mean, you can't pleasure them? And why? Pinaputol mo na ba yan Austin?"
"Ma! You're impossible! Kumpleto ako at walang naputol sa akin. Mabibigyan pa kita ng apo goodness!"
"So ano pala ang hindi mo kayang ibigay?"
"Time.." malungkot kong saad.
She looked at me with the sad face.
"Don't worry Ma, mabibigyan pa kita ng apo. I just don't like someone who has the same status with us." I smiled at her.
"So, gusto mo yung poorita like?"tanong nya.
I just shrugged my shoulders without answering her.
"Fine! Siguraduhin mo lang na makakasundo ko yan!"nakasimangot nyang saad sa akin.
I just laughed at nagpaalam ng pupuntang clinic.
I'm on my way to the clinic pero dumaan muna akong mall para bumili ng paborito kong milktea. Binilhan ko na rin si Clyte same flavor with mine.
"Andyan na ba si Clyte Sev?" tanong ko sa kanya nang tawagan ko.
"Wala pa,bakit? Miss mo na?" asar nya sa akin.
"Gago!" pinutol ko kaagad ang tawag ko kasi hindi matinong kausap si Severino.
Nang makarating akong clinic ay sakto namang dumating si Clyte..
"Clyte, try this.." wika ko at ibinigay ang milktea sa kanya.
"Sa akin?" si Sev.
"Hindi ka kasali sa budget!"asar ko sa kanya.
"So, pag kay Clyte may budget ka?"naniningkit ang matang tanong nya sa akin.
I didn't answer at mabilis na pumasok sa opisina ko. I sighed deeply. I don't know what I just did these past few days. Di ko na naiintindihan ang sarili ko.
Some part of me wants to see her always. Arrgghh!
Sinilip ko kung ano ang ginagawa ng dalawa sa labas, pero nakita ko nalang na ininoman ni Sev ang milktea ni Clyte.
Asar akong lumabas ng opisina ko at mabilis pinuntahn ang dalawa. Kaagad kong tinanggal ang straw ng milktea ni Clyte at pinalitan ng straw na gamit ko.
Nagtataka silang napatingin sa akin.
"May rabies yang si Sev, saka binili ko yan sayo, wag kang mang-share." walang kakwenta-kwentang sabi ko na natataranta.
"So, ikaw walang rabies ganun?" Sev said while smirking.
"Ah. O-of course. Tao kasi ako hindi asong tulad mo.." saad ko at mabilis na pumasok sa office ko.
Fvck! Ano bang pinaggagawa ko?
I acted weird this days.. And I don't know why. Kailangan ko na ba talagang magpatingin sa psychiatrist? Arrgghh!
Wala akong masyadong nagawa today dahil ang ginawa ko puro nalang silip sa dalawa sa labas.
They're happy and look so close. Hayy! I'm envious.
Nang magtanghalian ay napaalam si Sev na kakain sa labas. May importante daw kasi itong katatagpuin sa labas.
Good thing dahil hindi nya kasama si Clyte.
"Clyte, sabay tayong kumain.." saad ko nang makalabas akong opisina.
"Hindi na Doc, may baon ako.."sagot nya na hindi tumitingin sa akin.
"Sa labas tayo kakain.." kulit ko sa kanya.
"Wala akong pera.."
"Sagot ko na. Treat kita.."
Inis syang napatingin sa akin. Mukha syang papatay ng tao. Whoa!
"Ano bang problema mo Doc? Nung isang araw ka pa ah!"sigaw nya.
Shit! Ba't ba sya naninigaw?
"Masama bang i-treat kita ng lunch ha!" singhal ko rin sa kanya.
Hindi sya sumagot at mabilis na dinampot ang bag nya at mabilis na lumabas ng clinic.
Tinawag ko pa sya pero hindi man lang ako nilingon.
Hayyy! Tama! Ano ba talaga ang problema ko?
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...