Maaga akong pumasok ng clinic kasi daw may ooperahan si Doc Austin na aso na nasagasaan at kailangan daw ako dun.Luhh? Andun naman si Sev ah. Bakit kailangang nandun pa ako para mag-opera?
Nang makarating akong clinic, nadatnan ko ang masungit at wala sa mood na si Austin.
Inilapag ko ang bag ko sa mesa ko at tinanong si Sev kung anong nangyari dun sa isa.
"Di mo ba halata kung may nagbago ba jan sa mesa mo?"tanong nya.
Nagtataka naman akong napatingin sa mesa ko, nandun ang tatlong bouquet ng white roses at katabi nun ang isang box ng chocolate.
"So anong connect?? Kanino galing??" tanong ko pa kay Sev!
"Aissh! Ewan ko sa inyo mga nakalunok ng isang bote ng anesthesia! Galing kay Tres yan."aniya at bumalik sa ginagawa.
Kay Tres? So, tinotoo talaga nya ang panliligaw daw!
Nagulat pa ako ng biglang sumigaw si Austin.
"Clyte! Kunin mo yung IV at dalhin ditong operating room! Bilisan mo!"sigaw nya.
Nagtaka akong napatingin kay Sev pero nagkibit-balikat lang sya. Kaagad naman kong kumuha ng IV at dumeretso na sa operating room.
Malaki ang sugat ng isang Chowchow na aso na nasagasaan. Bali pa ang left leg nito. Kawawa naman ang aso.
After the operation ay aalis na sana akong operating room pero nahawakan ni Austin ang braso ko.
Nagtaka akong napatingin sa kanya. I just heared him sighed at mabilis akong hinila payakap sa kanya.
"I missed you..ba't ka ba hindi pumasok kahapon?" aniya sa paos na tinig.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa ginawa nya. Pilit kong kumalas pero hindi nya ako binibitawan.
"Now, I'm sure kung ano 'tong nararamdaman ko! Tangina! Gusto kong sapakin ang delivery boy nung bulaklak at nung chocolate kanina!" saad nya as his chin landed on my shoulders.
Di ako nakapagsalita. In fact, para na akong matumba kung di lang sya ngayon nakayakap sa akin.
"I will take the risk. I'll give us a try." aniya sabay bitaw ng yakap sa akin.
He's now staring at me as he cupped my face with his hands.
"Pwede bang, gustuhin mo na ako ulit? I wanna give us a try.." aniya na nagsusumamo ang mga mata.
My heart fell as I looked into his eyes. Kung pwede lang sana e.
I already give Tres a chance na kasi e. Paano na si Tres?
Kung kailan ready na ako na papasukin si Tres sa buhay ko kahit kuripot yun, saka naman sya gumaganyang trip na give us a try daw. Tignan nyo naman kung gaano sya kagulo?
Yung isa kuripot, at ito naman sya na magulo! Hayys! Wala bang mas matino?
"I'm sorry.." sambit ko at iniwan syang nakatulala.
Hindi porke't may gusto ako dati sa kanya or mas tamang sabihin na gusto ko parin sya hanggang ngayon, ay madali nya nalang din akong utuin.
Ano daw? Gustuhin ko sya ulit? Nang ganun lang kadali? Kahit gusto ko parin sya, aba! Grabe naman kung magsalita sya akala nya hindi nya ako binasted dati ha. Tssk!
Kinahapunan, Sev invited me and Kiray to have a beach party kasi daw birthday 33rd birthday nya.
"Sure ka na isasama mo kami Sev?"di parin ako maka-paniwala sa invitation nya.
"Oo nga! Para naman makapag-unwind kayo ng kaibigan mong nurse." he said as he wink.
"Bukas na ba talaga?"tanong ko pa.
"Not unless na nakalimutan mo ang birthday ko Klay.." he said smirking.
Nakabusangot akong nakatingin sa kanya habang nakaupo sa mesa ko.
"Paano ba yan? May pasok bukas eh.." wika ko na nakasimangot.
He laughed. "Don't worry, closed ang clinic bukas, kasama kasi sila Austin at ang Mom nya tapos yung parents ko. Basta whole family."aniya.
"Whole family? Hindi ba masyado naman yatang outcast kami ng bestfriend ko rito Sev?"
"Nah, my friends are also invited. And besides, you and Kiray are my friends too, so paano mo naman nasabing outcast kayo ng bestfriend mo?"
I just shrugged my shoulders. Tama bang sumama kami ni Kiray? Mukhang family outing yun e.
Pero in the end pumayag na rin ako kasi pumayag din naman si Kiray e. Tiyak kong nandun din si Sven at Tres.
Hindi kami nag-imikan ni Austin after dun sa confession nya. Ngayon feel na nya siguro ang mabasted! Akala nya ha! Tsk!
Kinabukasan, maaga palang nag-ready na kami ni Kiray para sa beach party kuno. Nakapag-paalam na rin naman ako kay Papa at pumayag naman sya.
Kahit papano nagdala parin ako ng mga bikini na gagamitin ko. Bakit ba? Porke't 32A size lang ang dibdib wala ng karapatang mag bikini? Chus!
Eight thirty in the morning ay tinawagan ako ni Sev na sa North Edsa nalang kami nila dadaanan ni Kiray.
Suot ang blue denim short at loose white t-shirt na pinaresan ko ng gray rubber shoes ay dumeretso na ako kila Kiray dala ang backpack ko.
"Aling Nena si Kiray?" tanong ko kay Aling Nena nang makarating ako sa may tindahan nila.
"Bababa na yun maya-maya. Nagre-ready lang ng mga dadalhin."aniya.
Maya-maya'y bumaba na nga si Kiray. Andaming dala.
"Hoy? Di naman tayo magbabakasyon, two days lang tayo dun! Ba't andami mong dala?"
"Di kasi ako makapag-decide kung anong bet ni Sven na bikini ko. Yung kita na ba ang kaluluwa ko o hindi kaya ayun dinala ko nalang lahat."
"Tangina! Nakapag-move on kana kaagad sa boyfriend mo?"
"Sus! Mga ganung lalaki mga walang kwenta hindi dapat pinagsayangan ng luha at panahon dzai!" aniya at nauna ng naglakad palabas ng sakayan ng jeep.
Nag-taxi kami papuntang North Edsa kasi daw dun kami dadaanan nila Sev.
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari this beach party kuno para sa celebration ng birthday ni Sev.
Pagdating namin dun, wala pa sila Sev. Pero after a couple of minutes sabay na dumating ang kotse ni Tres at Austin.
Naunang bumaba si Austin na kumakaway sa amin ni Kiray. Or kami ba talaga ang kinakawayan. Palinga-linga ako sa likod namin, wala naman akong ibang tao na nakita, so meaning kami nga ang kinakawayan.
Bumaba din si Tres ng sasakyan nya at dumeretso sa akin.
"Sabay na tayo, mauna nalang daw si Sev kasi nasa family van sila nakasakay e." si Tres.
"No! Sa akin sasabay si Clyte, Tres. Bilin ni Sev." Si Austin.
"Hindi na bro, sa akin na sasabay si Clyte kasi may pag-uusapan kami." si Tres.
Si Kiray naman ay natatawa na sa inakto nung dalawa. Pero imbes na matuwa ako, naiinis ako! Sobrang haba naman ng hair ko, pinag-agawan ng dalawang lalaki.
"Tres, pwede bang sayo ako sasabay? I'm not comfortable being with Clyte's boss e.."malanding saad nya kay Tres sabay kindat sa akin.
Aba! Anong pinaplano ng gagang ito?
"Ah.. kasi, ano.."di alam ni Tres kung papayag sya o tumanggi. Ako wala akong imik na nakatingin lang sa kanila. Kung pwede lamg sana lakarin yung beach e, kanina pa sana ako naglakad!
Ang ending, kay Austin ako sumabay, at kay Tres naman si Kiray.
A/N
Akala ko okay na sila Austin at Clyte, pero ano na naman ang inarte ni Clyte at nagpa-hard to get na naman ang kanyang peg? Hays! Tignan natin ang susunod na mangyayari. Chus! Please don't forget to vote. Your comments are much appreciated 😉
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
Genel KurguClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...