Clyte
"Pa, can I talk to you?"
I just came from the hospital. At gusto ko ng may makakausap.
"Ok.. tungkol saan ba yan?"
"Me and Austin.."
"What? Ano na naman bang tungkol sa inyo?"
"Can't we just forget everything happened in the past 'pa? I mean, hindi na naman kasi maibalik ang buhay ni Mama. Besides,pinagbayaran na ng mom ni Austin ang lahat at naibalik na rin sayo ang company natin.."
Narinig ko siyang napabuntong-hininga.
"Now, can you tell kung ano talaga ang nais mong tumbukin Clyte?" matalim ang ipinukol na tingin ni Papa sa akin.
"Ah kasi.. ahm you know.. I really love Austin 'pa.. I really love him Papa.."nakangiting saad ko pero tumutulo ang aking mga luha na kaagad ko naman pinunasan gamit ang aking mga daliri.
"So, anong gusto mong gawin ko?"
"Payagan mo na kami 'pa.. please."
He sighed at naaawang nakatingin sa akin.
"Okay. Kung sa kanya ka sasaya, wala na akong magagawa. Hindi ko na kayo pipigilan,matatanda na kayo."
Mabilis ko siyang niyakap. "Thanks 'pa. Pwede bang humirit?"
"What?!" He groaned when I whispered my favor to his ears.
"Umaabuso ka na Clyte!" Pinandidilatan niya ako ng mga mata. Humirit pa kasi ako ng isang pabor na ikinagulat niya. I know hindi nya ako hihindian sa pabor na hiningi ko.
I just grinned at nagmamadaling pumanhik sa kwarto at nagshower at nagpalit ng damit. Plano kong pumuntang mall at bisitahin si Austin pagkatapos.
Ayaw niya akong kausapin o makita but I have a plan here. Sana uubra.
I called Sev and Kiray too na kailangan ko sila mamaya sa hospital just in case na sipain ako palabas ni Austin.
"Bakit baklay? May duty pa naman ako tonight.."si Kiray.
"Please, gusto kong andun ka, kahit isama mo ang boyfriend mo.."
"Really? Pero mukhang busy si Sven ngayon e.."
Right! Sila na ni Sven.
"Basta need ko ang appearance mo mamaya.. bye!"
Kaagad kong ibinaba ang tawag para hindi na siya makatanggi pa.
After kong bumili ng flowers at kung anu-anong abobot ay dumerecho na akong hospital. Kinakabahan man pero pilit kong pinatatag ang sarili ko. Kaya ko 'to. It is now or never.
Nasa loob na raw ng room ni Austin sila Kiray at Sev at si Sven. Papasok na sana ako nang makita kong andun din ang mommy at girlfriend ni Sev.
Afatttaayyyy ka Clyte..mukhang mandedelikado pa yata ang plano mo baklay!
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang pumasok ako dala ang bouquet of flower at speaker. Napalingon silang lahat sa akin nang ilapag ko sa sahig ang speaker. Yung speaker na rechargeable at ginagamitan ng usb ganun.
Nakita ko si Austin na nakatingin sa akin na mukhang nagtataka kung bakit may dala-dala akong speaker. Yung mommy at girlfriend naman ni Sev ay parang nagtataka rin kung ano ang inakto ko at may pa-speaker pa akong nalalaman
Si Sev naman ay di alam kung matatawa sa akin o mang-aasar. Samantalang si Kiray at Sven ay loading naman.
I switch on the speaker at pinatugtog ito.
BINABASA MO ANG
Destined For You [ COMPLETED ]✔️
General FictionClyte Almendras works in a veterinary clinic owned by Austin Williams isang arogante, bossy, gwapo at hot na ayaw sa hindi sexy na kagaya ni Clyte. Months of being together, Clyte falls in love to Austin pero binasted sya nito nung sinubukan nyang...