Chapter 23: Awe to You

123 8 0
                                    

Chapter 23: Awe to You

Gieron's POV

Matapos kong matignan ang libro nya ay napaisip at natahimik ako. Thinking, kung paano nya nagagawang maging matapang at malakas sa kabila ng mga problema nya.

Siguro nga hindi ko pa sya ganun kakilala. Pero sobra kong humahanga sa kanya *smile*.

"Baka naman matunaw na yang anak ko kakatitig mo" napalingon ako at nakita ko si coach. Psh. Ano ba naman tong inaasta ko! Nakakahiya tuloy.

Umupo naman sya sa katabi kong sofa "Alam mo nung bata pa yan, sa sobrang ganda nyan palaging nabubully yan. Umuuwing luhaan kasi ayaw ng ibang batang nalalamangan sila"

"Hanggang ngayon naman po maganda parin sya. Hindi ikakailang kayo ang tatay nya"

Swear. Walang halong biro. Maganda naman talaga sya. Bitter lang ako kasi ang yabang nya. Amasona pa.

"Hindi pa naiinlove yan. Kaya nga natuwa ako at ikaw ang boyfriend nya"

Napatingin ako kay coach ng sabihin nya yun. So hindi pala nila alam ang tungkol sa lalaking nasa picture?!

"Ako rin po, first love ko po ang anak nyo" halos masuka yata ako ng sabihin ko yun. Duh. Hindi pa talaga ko naiinlove no.

*cough* *cough*

"Oh Papa" sabay upo ni Rej sa sofa at agad nyang hinigit ang libro nya sa mesa papunta sa likod nya.

"Mabuti't gising kana. Hindi mo alam kung gaano ka titigan ng boyfriend mo kanina *chuckles*"

Napayuko ako at nahiya ng dahil sa sinabi ni coach. Ano ba yan! Bakit kailangan pang iopen up yun?!

"Ganon po ba" sabi nya habang masamang nakatingin sakin.

"Hay nako mga bata. Sige maiwan ko muna kayo at pupunta lang ako sa court. Sumunod ka nalang maya maya Gieron" sabay tapik pa ni coach sa balikat ko at tumango lang ako.

- - - -

"S-sorry yung libro mo---"

"Binasa mo?!"

Tumango naman ako as saying Oo.

"Pakielamero ka talaga"

"Hindi ko naman sinasadya"

"Tch. Sige na umalis ka na. Hinihintay kana ni Papa" sabay tayo nya at tangkang aalis.

"Susunduin kita bukas ha. Bike tayo"

"Ano?! Hwag--"

"Tch. Syempre ayoko lang na gumastos pa si coach para sa pamasahe mo. Hwag ka ngang feeling, di kita nililigawan no!"

"Fine -,- Ang yabang mo!"

"Ge. Bubye! *tsup*"

"•o• Hayop---"

"Sshh. Iwasan mo ngang magmura! Pasalamat ka ngang hinahalikan pa kita *tsup*"

"Waaaaaa!!!" sigaw nya sabay hampas pa sakin at agad naman akong nanakbo palabas. Hahahaha! Ang sarap talagang asarin ng babaeng yun! =)

"Hayop ka mamatay ka na!" sigaw nya sa harap ng pinto nila.

"Your welcome! I love you more!" sabay flying kiss ko pa. Hihi. Ewan ko ba. Pero enjoy na enjoy talaga kong asarin sya.

*riiiiinnnggg*

Agad ko namang kinuha ang cell phone ko sa bulsa ko "Hello tol? Ano bakit?"

"(Gig daw tayo bukas ng gabi sa Area201. And don't forget to bring your date)"

"Sure. Ako pa ba bro?! Parang di mo naman ako kilala! Go ako dyan! Pagandahan nalang tayo ng girlfriend!"

"(Psh. Yabang mo pakamatay kana!)"

*tuttt* *tuuttt*

Tss. Kahit kailan talaga ang pikon ng kapatid kong yun -,-

Rej's POV

"One. Two. Three. Four" paulit ulit na pumapasok sa isip ko kung ilang beses akong hinalikan ng lalaking yun ngayong araw na to! Napakademonyo talaga ng bwisit na yun! Hindi lang once but four times! Kadiri talaga ang putris! Parang kahit ilang mouth wash ang gawin ko ramdam ko parin ang rabies ng demonyong yun!

*rriiinnggg*

Agad ko namang kinuha sa stand ang cell phone ko "Hello. Sino to?"

"(Hi baby. Bakit hindi ka pa tulog? Siguro ninanamnam mo pa hanggang ngayon yung mga halik ko no? *chuckles*)"

Obvious ba kung sino ang mahangin na lalaking to! "Letse! Mas nanamnamin ko pang mahalikan ng aso kesa sayo!" sigaw ko sa tapat ng cell phone ko.

"(Ang ingay mo naman. Sana hindi ka ganyan kaingay bukas ng gabi)"

"Ano?! Anong bukas?!"

"(Yayayain lang sana kita para sa isang barkada date. Don't worry naipaalam na kita kanina kay coach at ok naman sa kanya)"

"At talaga namang ipinadaan mo pa sa papa ko ang mga kalokohan mo ha! Wala ka na talagang apog eh no! At teka nga, sino namang may sabing sasama ko sayo aber?! Umalis ka magisa mo! Siraulo!"

*call ended* *tanggal ng battery*

Tss! Letse talaga ang bwisit na yun >•<

JC's POV

"Barkada date? Blue naman. Alam mo namang wala kong girlfriend diba?"

"(Si Sharm. Girlfriend mo sya di ba? Tch. Fake nga lang)"

"Ayoko ng manloko ng kahit na sino Blue. Sige pupunta ko pero labas na si Sharm dito. Ayokong madamay pa sya sa mga ganitong bagay"

"(KJ mo. Sige na nga ikaw bahala. Ipakikilala ko pa naman sayo yung kapatid ko sa side ni mama)"

"Tch. Sana magkasingbait kayo, kapatid na kasi turing ko sayo"

"(Tch. Di naman malabong maging mag bestbuds kayo, mabait naman kasi yun kaya lang may pagkapilyo)"

"Tss. Excited na tuloy akong malaman kung sinong mas pogi sa inyo. Dahil aasarin kita pag nagkataon"

"(Tch. As if namang magpatalo ako don?! No way dude!)"

"Tss. Yabang mo! Natatakot ka lang kasing matalo"

"(Psh. Tignan natin kung sinong takot)"

*tutttt* *tuutttttt*

Adik talaga yun si mokong -.-

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon