Chapter 24: Barkada Night
Rej's POV
*kriiiinnngggggg*
Napabalikwas ako ng magring ang alarm clock ko. Pinatay ko naman ito dahil inaantok pa ko.
"Hayss. Nagring na nga tulog parin"
Napaangat naman ako ng ulo at tumingin sa upuan na malapit sa kama ko.
"•,• Anak ng! Anong ginagawa mo dito?!"
"Sinusundo ka. Maaga kasi akong nagising kaya naisipan ko naring pumunta dito"
"Umalis ka na nga! Hindi naman kita kailangan eh! Madaming jeep sa labas kaya hindi ko kailangang sumakay sa bike mo!"
"Eh kung gusto kong ihatid ka eh! Malay ko ba kung may ibang lalaki kang kasabay pumasok! Mahirap na no!"
"Ano?! Adik ka ba ha?! Eh ano naman ngayon kung meron nga ha! Boyfriend ba kita para bakuran mo ko ha?!"
"Aba! Sumunod naman ako sa mga inutos at ipinagawa mo ah! Girlfriend kita at wala ka ng magagawa dahil legal na din tayo! Kaya akin ka na at wag ka ng umangal pa. Naiintindihan mo?"
Nagngitngit yata ang panga ko ng sabihin nya yun. Anak ng! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to!
"Umalis ka na nga! Bwisit ka talaga! Umagang umaga sinira mo na araw ko!"
Gieron's POV
*bogsh*
Isinara nya ang pinto matapos nya kong ipagtulakan at naiwan akong nakasandal sa harap nito. Kaasar. Di kaya totoong may iba ngang naghahatid sa kanya?! Tch. Subukan nya lang at mapapaaway ako. Aba dapat lang! Pag aari ko na sya no! Lalo pa't kailangang kailangan ko sya mamayang gabi.
"Oh Gieron sumabay kana samin sa pagkain sa baba. Dun mo nalang hintayin si Rej" tumango lang naman ako at agad na bumaba.
- - - - -
"Oh Regine kumain ka muna, tabihan mo ang boyfriend mo" kita ko namang sumimangot sya. Psh. Kaasar talaga tong babaeng to.
"May problema ba kayo?" tanong ni coach.
Umiling naman ako at tumayo sa mesa "Wala po coach. Medyo nagkaroon lang po kami ng konting tampuhan"
"Ganon ba. Oh kumain ka muna Regine"
"Hindi na po. Aalis na ko" sabi nya sabay kuha ng bag nya sa sofa.
"Sige po alis na kami" pagpapaalam ko at agad naman kaming lumabas.
- - - - -
"Sakay na" sabay turo ko sa upuan sa harap ng bike ko.
"Seryoso ka? Di na no! Aangkas nalang ako sa likod mo dahil baka chansingan mo pa ko!"
"Tch. Adik ka ba? At bakit naman kita chachansingan eh darating din naman ang panahong ikaw pa ang magmamakaawang hawakan ko ang mga yan. Tss. Ang hina mo talaga -.-"
"Aba't! Hmmppp! Maglalakad nalang ako! Bwisit na to!" sabay walk out nya.
"Ahahaha! Grabe naman, di ka mabiro. Sakay na kasi baby ko" habang tinatap ko yung upuan sa harap ko.
"Pwede ba lubayan mo na ko! Late na ko kaya wag kang magulo!"
"Eh kaya nga ihahatid na kita para di ka malate eh. Ano? Tara na kasi"
Umirap naman sya at agad na nilagay ang bag nya sa basket "Tch. Kung hindi lang sana ko no choice" pagpaparinig nya pa at napangiti nalang ako.
Rej's POV
BINABASA MO ANG
One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)
AcakThis Story talks about the girl who plans for her 'Sweet Mysterious Revenge' ; but eventually falls inlove with a guy who makes her happy despite of her evil plans. Author's Note: Hi there my Dearest Readers! Before you go to Prologue. I wanna share...