Chapter 36: Mistaken

123 10 0
                                    

Chapter 36: Mistaken

JC's POV

"Tell me. What happened?" tanong ni tita ruzel sakin. Nabalitaan na nya kasi ang nangyari sa Singapore last week.

"Ahmm.. Tita.."

.....................

.....................

.....................

"Nag away sila dahil sya ang totoong mahal ni Regine at hindi ang magaling kong kapatid"

Napalingon kami ni tita ruzel sa likod at nakita si Blue.

What the---

"WHAT?! B-but.. How could this happen?!" gulat na tanong ni tita at napatayo pa sya mula sa pagkakaupo nya.

"Dahil in the first place pa lang naman talaga si JC at Regine na. But, do you wanna know kung anong ginawa ng anak mo? *pause* He just ruined everything"

Hindi nalang ako nakapagsalita instead ay parang napako na ko sa pagkakaupo. I don't know what to say. Pakiramdam ko kasi parang mas marami pang alam si Blue kaysa sakin. Tumayo naman ako at "Tumigil kana Blue, ayoko ng marinig pa ang mga yan. Titigil at mananahimik nalang ako para wala ng gulo"

Matapos kong sabihin yun ay dirediretso akong naglakad palabas ng living room. Hindi ko na talaga alam kung sino pa ang kakampi ko.

"Duwag ka nga talaga"

After i heard that ay napatigil ako at nilingon si Blue mula sa likod ko. His stares really irritates me. Sinusubukan nya ba talagang maliitin ang pagkatao ko?! "Anong sinabi mo?!"

"Sinabi ko lang naman na duwag ka, JC" pag uulit nya pa ng may halong pang aasar.

..............................

*bogsh*

"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko! Kaya wala kang karapatang magsabi ng ganyan! Naiintindihan mo?!" sabi ko habang hawak ang collar ng damit nya.

"Stop it JC!" pag aawat samin ni tita at inalalayan nya naman si Blue patayo. Dammit!

"You only have 3 days before the wedding. Kung talagang mahal mo sya puntahan mo sya, dahil ako na mismo ang nagsasabi sayong hindi sya masaya kay Gieron"

Saglit akong tumahimik pagkatapos ay naglakad na palabas ng mansyon nila. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa bestfriend ko. Sa isang iglap lang ay nawala na sya, nilamon narin ng purong kasinungalingan. Ewan ko ba, pero pagkatapos ng lahat ng pangyayari parang unti unti ko na ring naaalis si Rej sa buhay ko. Kasi pakiramdam ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya noon napalitan na ng galit at muhi. Nakakasawa narin kasi. Di ko na nga mabilang kung ilang beses na nya ba kong sinaktan.

Blue's POV

After ng pag aaway namin ni JC ay walang tigil ang pagtatanong ni mom sakin. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kasi alam kong hindi narin biro ang lahat ng ginastos nya kung mapopostpone lang ang kasal na yun. Pero paano nalang si JC at Regine? Kung hindi ako ang aaksyon baka walang mangyari sa kanilang dalawa. And besides, ayoko ring masaktan lang si Rej sa piling ng kapatid ko.

"I'll call to Gieron about this. They have to fix this dahil ayokong masayang lang ang mga pinaghirapan ko!"

"No mom. Hwag na hwag nyong gagawin yan dahil hindi natin alam kung anong pwede nyang gawin kay Rej kapag tinuloy nyo yan!"

"What's wrong with you?! Hindi sasaktan ng anak ko ang babaeng mahal nya!"

"What's wrong with me?! Eh bakit hindi nyo itanong sa anak nyo kung ilang beses na nya bang sinaktan o binalak na gahasain ang mahal nya! Alam mo mom all my life pumayag akong kunsintihin mo yang anak mo! Pero ang manakit at manira ng buhay ng iba?! Yun ang hinding hindi ko papayagan" matapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko sya. Palibhasa hindi nya alam ang feeling ng masaktan dahil ang pag ibig para sa kanya ay isang malaking laro lang. Nanay ko nga sya pero sya tong walang alam sa buhay.

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon