Chapter 21: Alone

122 10 1
                                    

Chapter 21: Alone

Rej's POV

Isang linggo narin ang nakakalipas matapos ang nangyari ng gabing yun. At inaamin kong apektado parin ako </3

"Ms. Tania? Are you listening to me?!"

Napatayo ako sa upuan ko ng tawagin ako ni Mr. Middler "Po?"

"*sigh* I see. Hindi ka nga nakikinig sa mga sinasabi ko. Come here and give me your book of shots and leave this room!"

Hayss -,- Kamalas malasan nga naman oh. Agad ko naman itong iniabot sa kanya at agad ring naglakad palabas ng pinto.

"Good job. Sa tingin ko'y marami kang natutuhan dito sa project mo"

Napalingon naman ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Natutuhan? Gago ba sya?! Oo marami akong natutuhan! Magpaiyak at manakit ng taong mahal ko! "Salamat po" yun nalang ang nasabi ko pagkatapos ay agad akong lumabas ng classroom.

"JC! I love you. Mag iingat ka ha!"

Napatigil ako ng makita ko si Sharm na kumakaway kay JC sa malayo *sigh* Ang sakit namang pakinggan. Hwag naman sa harap ko.

"Oh i see. Nandyan ka pala sa likod ko Regine! Nagulat ka ba at dito na rin ako nag aaral? Well. Dahil lang naman kami na ni JC"

Hindi naman ako nagsalita imbis ay dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa malampasan ko sya. Ayoko ng marinig pa ang mga susunod na sasabihin nya.

"Ilang lalaki na ba ang naloko mo? Para kasing sanay na sanay ka na"

Lumingon naman ako at "Eh ikaw? Ilang lalaki na ba ang inahas mo?! Para kasing expert na expert ka na"

"So?! Palibhasa kasi Looser ka!"

"Palibhasa kasi higad ka! Bakit? 99.9% na ba ang kakatihan mo ha?"

"How dare you!"

Akmang susugurin nya sana ko ng madapa sya. Tch. Palibhasa kasi lampa. Makaalis na nga.

"Anong nangyayari dito?!" napalingon ako ng biglang dumating si JC at agad nyang tinulungan si bruha.

"Wala kong gi---"

"Hwag ka ng magpaliwanag. Umalis ka na at ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan mo"

Tumalikod nalang ako at hindi na nagsalita dahil sa kanya narin nanggaling. Wala naman talaga kong laban. In the first place palang naman ako na ang kontrabida.

"Bakit maaga ka? Nagcut ka?" napaangat ako ng ulo at nakita ko si Kent. Ngunit nilagpasan ko lang sya dahil wala akong ganang kausapin sya "Ganyan mo ba tratuhin ang boyfriend mo?" sabi nya habang hawak ang braso ko.

"Hindi kita boyfriend at kahit kailan wala tayong naging relasyon. Kaya pakiusap lang Kent, tigilan mo na ko. Alam nya na ang totoo kaya wala ka ng maipapanakot sakin" sabay alis ko ng kamay nya sa braso ko "At nakalimutan ko nga palang sabihin. Wala ng pag asa at kahit kailan ay hindi na magiging kami. Ano Kent? Masayang masaya ka na ba?"

Kita ko naman ang pagkagulat nya at hindi nalang sya nakapagsalita. Sht. Gustong gusto ko syang murahin! Sampalin at ingudngod sa dingding! Kung alam ko lang na aabot lang din pala sa ganto sana sinunod ko nalang ang nararamdaman ko noon. Baka sakaling naging masaya pa kami ngayon.

JC's POV

"Ano bang ginawa mo?!" tanong ko kay Sharm.

"Huh? Wala! Siya ang nagsimula ng away at hindi ako!"

"Kilala ko siya at hindi sya ganon. At kung makikipag away ka lang din sa kanya sa labas ng school at wag dito!"

"O my god! So ako pa ngayon ang masama sa paningin mo JC?! Sabagay, sino nga ba ko para magreklamo?! Eh ako lang naman ang nagpumilit na maging tayo!" matapos nyang sabihin yun ay tumalikod sya at umalis. Tch. Bahala nga sya!

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon