Chapter 37: Gift

125 11 2
                                    

Chapter 37: Gift

JC's POV

It's midnight. I'm in the bar. Drunk. Depress and Messy.

Hindi ko na kasi alam kung ano pang gagawin ko sa buhay ko. Hindi ko narin alam kung paano ko sisimulang magplano. Ipaglababan ko pa ba ulit yung nararamdaman ko para sa kanya? Handa pa kaya akong ilaban yung puso ko kapag sinaktan nya? Ewan.

Pagewang gewang akong tumayo at inilapag sa counter yung bayad ko. Pagkatapos ay agad akong nagtungo papunta sa parking area para idrive yung kotse ko.

Sa ilang kilometrong pagbabyahe ko ay hindi ko na malaman kung matulin ba yung pagmamaneho ko. Basta ang alam ko lang uwing uwi na ko at gusto ko ng matulog.

*piffffftttttt*

Napalingon ako sa likod at nakita ang sasakyang nakatigil sa gilid ng kotse ko. Makabusina to akala mo kung sino ah! Kaya naman bumaba ako para hamunin ng suntukan kung sino man ang gagong nagdadrive ng kotseng yun.

"Hoy! Hanung pobwema mo ha?!" sabi ko sabay hampas sa kotse nya.

"Wala po akong problema! Natatakot palang na magkaproblema kapag pinabayaan kitang umuwing mag-isa ng ganyan ka" sabi ng babaeng lumabas sa kotse and i've realize na si Sharm pala to. Akala ko naman kung sino.

"Sinong may pwoblema?! Wala akong pwoblema! I can drive on my own. Gusto mo karera pa tayo" sabay tawa ko pa ng malakas.

"Hay nako JC. Suitor ko na ang bahalang magdrive dyan sa kotse mo kaya tara na sa kotse ko. I'll drive you, ok?" sabi nya sabay alalay sakin papasok ng kotse nya. Hindi naman ako umangal dahil inaantok narin ako. Baka rin mabangga pa ko kapag nagmaneho pa ko.

Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog na pala ko sa kotse ni Sharm. Hindi ko narin kayang imulat ang mga mata ko sa sobrang kalasingan. Kaya naman inalalayan nalang ako ng kung sino mang taong kasama nya papasok ng kwarto ko. Pagkapasok ko naman ng pinto ay hinubad ko agad ang sapatos ko at ibinato ito sa kung saan man. Pagkatapos ay mabilis akong nagdive sa kama ko. Ang bilis ng oras. 2 days nalang pota deadline ko na! I streched my arms at gumulong sa kama. Sht sakit ng ulo ko.

*bogsh*

Accidentally, natabig ko yung maleta ko at bumukas ito. Parang tubig na umagos palabas yung mga damit ko pati narin ang mga gamit ko. Pero isa lang talaga yung nakakuha ng atensyon ko. Yung gift box na may balot na kulay red. Yung gift na galing yata sa friend kong si Francine.

Mabilis akong tumayo at hinila palapit sakin yung gift box. Sa unang tingin babaeng babae talaga yung way ng pagkakabalot. Hinila ko yung ribbon at dahan dahang pinunit yung wrapper. Pagkatapos ay inopen ko yung karton at ewan ko ba, pakiramdam ko sinampal ako ng malakas ng katotohanan.
Bumungad sakin ang dalawang magkapatong na puting album. At ng ilabas ko ito sa karton ay bumungad din sakin ang isang camera. Yung camerang ginagamit ni Regine na hindi nya maalis alis sa tabi nya. Binuksan ko ang lamp shade sa tabi ko at yun ang nagsilbing liwanag ko. Binuksan ko yung malaking album na may nakasulat na His Book of Shots na may pangalan ko rin. I scan it at binasa ang lahat ng descriptions. Gusto kong magalit sa sarili ko at magwala habang unti unting nagiging maliwanag para sakin ang lahat. Pero imbis na gawin yun ay nakita ko nalang ang sarili kong umiiyak.
Inilapag ko sa isang tabi ang book of shots at binuksan yung isa pang maliit na album. At dito na nagsimula ang pagbabago ng pananaw ko sa relasyon naming dalawa.

Playback song: I Do (Cherish You) - 98 degrees.

Napakaunforgettable ng album na to. Dahil dito nagsimula ang lahat ng iwan kita.

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon