Chapter 34: Good Bye

114 12 1
                                    

Chapter 34: Good Bye

Rej's POV

It's been 2 days simula nung lumipat sya. Hindi na kami gaanong nag uusap at nagkikita. Mag uusap nalang kami kapag may pupuntahan about sa wedding. Kasabay pa nun lagi ring mugto ang mata ko at puyat. Naiinis kasi ako sa sarili ko at palagi ko nalang syang sinasaktan. Pakiramdam ko nga ang sama sama ko na!

Tumunog ang door bell at siguradong si impaktong Gieron na yun. Sabi nya kasi free day nya raw ngayon at kahit bukas pa sya ng hapon bumalik sa Pilipinas ay ok lang. Mabilis ko namang binuksan ang pinto at hindi naman ako nagkamali. Nandito na nga sya.

"I miss you baby" and then he grab my back and kissed me "Whazzup? Bakit ganyan ka katamlay? Di mo ba ko namiss?" definitely -,-

"Pagod lang ako"

"Saan? Meron ba kong hindi alam na pinaglalaanan mo ng oras?"

"Gieron.."

"*chuckles* Ito naman! Nagbibiro lang ako. Pakiss nga" sabay kiss nya sa pisngi ko.

"Mabuti naman at lumipat na sa ibang kwarto si JC" at tumango naman ako. Di ko na kailangan pang tanungin kung paano nya nalaman. For sure may tracker din ang phone ni JC para malaman nya kung magkasama ba kami o hindi.

"Nagulat nga rin ako at lumipat sya. Pero ok lang yun, ilang araw din kasi akong nailang sa kanya"

"Naiintindihan ko naman eh.. naiilang ka ba sa kanya dahil mahal mo parin sya?"

"Gieron.. Hwag na tayong mag away"

"Mabuti pa nga. Kain tayo sa labas" sabay akap nya sa bewang ko at tumugon naman ako.

- - - -

Kumakain kami ni Gieron ngayon sa restaurant at ewan ko ba pero napapangiti nya ko dahil sa mga ikinukwento nya. Ewan ko nga pero bipolar yata tong lalaking to dahil galit na galit sya sakin kapag si JC ang pinag uusapan pero masaya naman kami kapag kami lang dalawa. Seloso siguro talaga sya at nakakatakot kapag galit. Di ko lang talaga maintindihan kung bakit ang bilis magbago ng mood nya minsan. Basta ganun sya kagulo pero masarap kasama.

"Dapat nga hindi ako papayagan ni mom na umalis ngayon. Pero hindi ako sumuko hanggat hindi sya pumapayag. Palibhasa kasi hindi nya alam kung gaano kahirap na malayo sayo. Ang hirap kayang mamiss ang katulad mo. Nakababaliw"

Psh. Sa sobrang sweet nya feeling ko nawala lahat ng inis ko sa kanya. Iba kasi yung way ng pagjojoke nya thru phone at sa personal. Kung minsan pala ok rin sya.

"Kamusta nga pala yung wedding natin? Inaasikaso ba ng magaling mong wedding planner?"

Napasimangot naman ako ng dahil sa sinabi nya. Tss. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pagdating kay JC mabilis uminit ang ulo nya "Ok naman ang lahat. Hinihintay lang naming maclaim yung gown at pipili na kami ng simbahan" minsan nga pati ako naguguluhan na. Ewan ko kasi kung bakit patuloy akong nakikipagparticipate sa wedding na to. Eh hindi ko naman to gusto.

"Rej.."

Napatingin naman ako sa kanya ng magseryoso ang tono ng boses nya.

"Sa tingin mo ba.. Posibleng magustuhan at mahalin mo rin ang katulad ko?" sabay hawak nya sa kamay ko at napatulala lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Posible nga kaya?

"Gieron... Ahmmm. K-kasi.."

"*smile* Ok lang. Hindi mo naman kailangang sagutin ang tanong na yun.. Excuse me" sabay tayo nya at hindi ko alam kung saan sya pupunta. Anong problema? Bakit ganun sya?

JC's POV

Kumakain ako ngayon dito sa restaurant habang kausap ang new friend ko. Katabi lang sya ng room ko at mabait sya kaya naman naging malapit kami agad sa isa't isa.

"Excuse me Francine. I'll just have to answer this call" sabi ko sabay tayo at mabilis na pumunta sa pinakamalapit na silent place.

"Hello Sharm. Long time no call" bungad ko.

"(I'm sorry nanggaling kasi ako sa parents ko this past few days.. Blahblahblah...)"

I click the end button ng biglang madaplisan ko ng tingin si Gieron at Rej. They are arguing at sa sobrang lakas ng mga boses nila rinig na sila ng lahat ng tao. Buti nalang at filipino language ang gamit nila. But what the eff?! Paanong nandito si Gieron?!

"Alam ko naman Rej eh! Hindi mo maibigay sakin yung buong oras at panahon mo kasi palagi nalang sya ang nasa isip mo! Bakit ba hindi mo ko mabigyan ng chance para pumasok dyan sa puso mo?! Bigyan mo naman ako ng space! Kahit konti lang!"

"Ano pa bang gusto mo?! I've already gave my life to you! Magpapakasal na nga tayo diba? Pati ba naman sya gusto mo pang alisin sa buhay ko?! Angkinin mo ng lahat Gieron! Pero yung ipagpilitan mong mahalin kita ng ganung kabilis. Patayin mo nalang ako kung gusto mo!"

"Fvck Rej! Fvck! Bakit ba hindi mo maalis ang JC'ng yan sa buhay mo?! Ako ang nandito at papakasalan mo! Ni hindi ka nga nya nagawang ipaglaban diba?! Kasi hindi ka naman nya talaga mahal! Bakit ba ganyan ka katanga kung umasa?!"

*pakkkk* Rej eventually slapped him.

"Mahal nya ko! At alam mo kung bakit hindi nya ko ipinaglaban?! Kasi dahil yun sa inyo ng pamilya ko! I gave up everything para lang maging masaya kayo! Kaya hwag na hwag mong sasabihing wala akong ginawa para sa inyo! Kasi sa totoo lang binigay ko na sa inyo kahit pa kaluluwa ko!"

"Are you done arguing?!"

Napatingin naman sila sakin at pansin kong gulat ang mga mata nila. Fvck! Kailan pa nila ko ginagago ng ganito?!

"TANGNA! *clap* Ang galing nyo! Pinagmukha nyo kong tanga at pinaniwala sa lahat ng kawalang'yaan nyo! Pinagsisisihan ko pa tuloy na sinayang ko ang isang linggo ng buhay ko para sa inyo! Ano masaya na ba kayo?! Masaya ba kayong ginago at pinagmukhang tanga nyo ko?! Kasi ako?! Sobrang humanga ako sa galing nyo! Kaya ayan! Sige! Kayo ng bahalang tumapos ng kasal kasalan nyo! Bukas na bukas din uuwi na ko at bahala na kayo sa buhay nyo!"

Rej's POV

Matapos nyang sabihin yun ay tumalikod sya at mabilis na naglakad paalis. Kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kundi ang habulin sya. Bahala na kung anong gawin nya sakin. Saktan nya na ko kung gusto nya. Ok lang dahil mas masakit pa dun ang lahat ng nagawa ko sa kanya.

"JC!"

"Hwag kang lumapit sakin kung ayaw mong masaktan!"

Ngunit dahil sa matigas ang ulo ko ay hinila ko parin ang damit nya.

*bogsh* i slumped on the floor at nagasgas pa ang mga siko ko. Pero hindi ko ininda yun, dahil mas masakit ngayon ay yung puso ko.

"*sobs* JC I'm sorry. Hindi ko sinabi sayo ang totoo kahit alam kong nung simula pa lang minahal na kita. Nung simula pa lang ng nakilala kita gusto na kita. Pero paano ko sasabihin kung alam kong hindi tayo magiging masaya? *sobs* Pero maniwala ka sakin sinubukan kong gawin ang lahat para ipaglaban ka pero---"

"Pero hindi mo ginawa kasi naduwag ka! Tangina! So dapat pa pala kong magpasalamat sayo ng dahil sa ginawa mo?! Well.. Thank you! Thank you sa pananakit at pagsira mo sa buhay ko. You know what.. I've realized something.. Ngayon ko lang naisip na ang patuloy na pagmamahal ko sayo ay parang isang malaking BASURA! In short, walang kwenta!"

Matapos nyang sabihin yun ay tuluyan na syang umalis habang ako ay patuloy na umiiyak sa gitna ng unti unting pagpatak ng ulan.

I grab my camera kahit nanginginig na ang mga kamay ko, pinipilit kong kuhaan sya kahit sobrang sakit na. My tears continuously running down kahit basang basa na ko sa ulan. Kasi alam kong huli na to. Ito na ang huling araw na makukuhaan ko sya. Ang huling araw na mapagmamasdan at matatanaw ko sya. Ang huling araw na nasabi kong mahal ko sya.

"Sana mapatawad mo ko. Masaya ko't nakilala kita. I love you JC. And this is my final good bye.. P.S. I'll miss you"

A/N :
Yes! A little patient na lang at matatapos na po ito. Hwag po kayo maiinip =) Enjoy reading ...

WWMe~

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon