Chapter 39: Worst Condition

124 13 0
                                    

Chapter 39: Worst Condition

Blue's POV

Nandito ko ngayon sa kwarto ni JC habang kinukwentuhan sya tungkol kay Regine. Sinusubukan ko lang na magkwento sa kanya ng mga bagay na alam kong gusto nyang malaman. Baka sakaling mag improve ang kondisyon nya. Sabi kasi ng doctor ay lumalala na raw ang kalagayan nya. And anytime.. Maaaring mangyari ang masakit na katotohanan.

Hinawakan ko ang kamay nya "*sniff* Bro ang daya mo naman eh *punas ng luha* Akala ko ba kakanta pa ulit ng buo ang banda? Akala ko ba aahasin mo pa si Regine sa kapatid ko? Tangna mo pre. Bakit parang suko ka na?" hindi ko na mapigilan ang mga luha. Nakakabading pala ang mawalan ng kaibigan.
*tuuuuuttttttt*
*tuuuuuttttttt*
*tuuuuuttttttt*

Halos mataranta ko ng marinig ko ang tunog na yun. Sht! "Not now bro! Not now!"

Mabilis akong nanakbo palabas para tumawag ng doctor. At naiwan na naman ako dito sa bench. Worried. At parang mamamatay na sa sakit dahil sa kirot sa puso ko.

"Lumaban ka bro. Lumaban ka" pilit kong ikinakalma ang sarili ko.

*eeeekkkkkk*

Napatayo naman ako at agad na sinalubong ang doctor "He's fine." "*sigh* Thank God"

Rej's POV

I try to call Blue so many times pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Even thru messages at sa viber di narin sya sumasagot. Ano bang problema nya?!

"Whazzup? May problema ba?" tanong ni Gieron habang nakataas ang paa at nanunuod na naman ng basketball.

"Wala naman. Tinawagan ka na ba ni Blue?" pang uusisa ko.

"Hindi. Busy siguro yun about business matters. Bakit?"

"Wala" naiiling ko pang sabi.

*1 message received*

' I'm sorry for not replying you. I'm just busy doing things right now '

Fr: Blue

*

' Ok lang. Gusto ko lang itanong kung ok lang ba si JC? Galit pa ba sya sakin? Mamamatay na kasi ako dito Blue, gustong gusto ko na syang makita. Pakisabi naman sa kanya tawagan nya ko paminsan minsan, o kaya naman kahit isang beses lang '

Sent.

Blue's POV

Halos maluha ako ng mabasa ko ang reply nya sakin. Sasabihin ko na ba ang totoo sa kanya?

' I will. How about the wedding tomorrow? '

Sent.

*

' It will start at 4 in the afternoon here. Pakasabi kay JC maghihintay ako sa kanya. Makita ko lang sya sa labas ng simbahan mananakbo ako kaagad para puntahan sya. '

*

' I will. Makakarating '

Sent.

Matapos ang conversation namin ni Rej ay binanggit ko kaagad ito kay JC tulad ng napag usapan. Baka sakaling mainspired pa sya at gumising na sya.

"Hwag mo syang biguin bro. Gising na" habang tinatapik ko pa ang kamay nya.

"Bro hwag ka munang mamamatay ha. Gagawa ka pa ng baseball team di ba?"

"Bro. Paramdam ka naman dyan"

**

At bigla namang gumalaw ang daliri nya. My eyes were swollen ng gawin nya yun. Pusa! Alam kong hindi lang yun basta imagination! Totoo yun!

"Bro! Sabi ko na nga ba at naririnig mo ko! Ano?! Wake up JC! Wake up!"

Halos mapangiti ako ng dahil dun "Gumising kana JC. Hwag mong biguin at paghintayin si Regine. Gising na"

Rej's POV

Mabilis na natapos ang isang buong araw pero hindi parin nangyayari ang hinihiling ko. "Isang tawag lang JC. Kahit isang text lang. Psh"

*1 message received*
.

Fr: Blue

Huh? Si JC ang gusto ko at hindi si Blue.

*

Para san ang tuldok na yun?

Sent.

*

Para sayo. Tuldukan mo na ang lahat sa inyo ni JC. Hindi na sya pupunta.

*

Huh? Pero bakit? Akala ko ba ipaglalaban nya ko? I'm willing to give up everything for him Blue!

Sent.

*

He can't. Ikaw na ang bahalang sumira ng kasal nyo. I'm sorry Rej.

"Arrrghhh! No! Dammit!"

*bogsh*

Sa sobrang inis ko ay ibinato ko ang cell phone ko sa malayo. Andadaya nila! Bakit nila ko ginaganito?! Padabog akong pumasok ng kwarto at nagmukmok. Umiyak. At hindi maiwasang magalit sa kanila. Hindi ko matatanggap to! Kailangan ko si JC sa buhay ko!

"What happened to you?!" tanong ni Gieron.

"Wala. Umalis kana. Gusto kong mapag isa"

"What?!"

"I said i want to be alone! Umalis ka na!"

Umirap naman sya at lumabas rin ng kwarto.

Blue's POV

"Anytime mawawala na sya, i'm sorry to tell you pero wala na kaming magagawa pa" the doctor said.

"But doc gumalaw sya kanina! Fvck! Hwag nyo naman kaming biglain ng ganyan!"

"Maybe it's just uncontrollable movement. I'm so sorry. Excuse me" pagkatapos ay lumabas na ang doctor at nagsimula ng mag iyakan ang lahat.

"Tangna tol! Andaya mo!" sabi ko sabay labas ng kwarto. Kumapit ako sa bench and poured my tears rapidly. I punched the wall and hurt myself. Naiinis ako. Bakit ba napakadamot ng tadhana?!

"I think you should travel him to Singapore. Alam kong gusto nya rin yun. Will you?"

Napatingin ako sa matandang babaeng nakatayo sa likod ko. She grab my hands at umiyak sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano magrereact. Si Mrs. Javier ang humihingi ng pabor sakin. Ang matandang nagpupumilit na ilayo ako kay JC simula ng mga bata palang kami "Thanks for being a good brother and friend to him. Ikaw na ang bahala sa kanya" sabay talikod nya at muling pumasok ng kwarto.

Siguro nga. It's not a bad thing kung gagawin ko yun kahit sa huling saglit lang ng buhay nya. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa. I know that he would woke up again sometime. Naniniwala ako sa salitang milagro.

LeiC~

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon