Chapter 25: The Awkward Date
Rej's POV
Ang tagal naman ni mokong -,- Asan na ba yun?!
"Ma'am pasok na po kayo, pupunta na po tayo sa mansyon" sabi ng driver sabay bukas nya ng kotse.
Ay peste! Oo nga pala! Hindi nya nga pala ko susunduin!
"Ok" at agad naman akong pumasok sa kotse.
- - - -
Ang ganda naman nitong ayos at damit ko. Hindi kaya mukha akong prinsesa nito? Tch. Baka pagtawanan pa ko dun eh! Lagot talaga sakin yung mokong na yun kapag pinagtawanan ako.
-after 30 minutes-
"Pwede na po kayong bumaba miss" sabi ng driver.
At eto na. Kinakabahan na ko. Tch. Ano ba tong pinasok ko!
*click (pagbukas ng kotse)*
Bumaba ako.
At hinarap ang malaking gate ng mansyon.
At pakiramdam ko ang daming tao sa loob.
Lalo na ang mga ilaw at camera.
Kung iisipin para kong nasa hollywood.
Naglakad ako sa gitna ng chin up papasok sa bahay.
Para hanapin ang nawawalang unggoy na may pakana nito.
Bumukas ang sliding door.
At bumungad sakin ang napakaraming tao.
Nakatanaw silang lahat sakin na parang ako nalang ang hinihintay.
Para kong debutant kung picturan.
"Let's welcome my Lovely Lady.. Miss Regine Tania"
Nagpalakpakan ang lahat at nakita ko ang lalaking yun sa hagdanan na nagsilbing stage at tinatawag nya ko papunta sa kanya.
Kaya agad naman akong naglakad sa kahabaan ng red carpet papunta sa hagdan.
"I'm really glad to see you beautiful" sabay abot nya sakin ng kamay nya at mariin akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko.
"I love you" seryoso nyang sabi sa tapat ng microphone.
Sht. Kung hindi lang kalokohan tong relasyon namin baka naniwala na ko.
"I.. I love.. You" pabulong kong sabi. At agad nya naman akong niyakap.
Sht. Pakiramdam ko para na kaming ikinakasal. Ang awkward kasi ng mga nagaganap.
Blue's POV
O________________O
Wala na kong nasabi matapos ang pangyayari. I can't imagine na si Regine pala ang sinasabing girlfriend ng kapatid ko. Paano na sila magkakasundo ni JC ngayon?!
"Excuse me" sabay tayo ni JC sa upuan nya patungo sa labas.
Agad naman akong tumayo at pinigilan sya "Haharapin mo silang dalawa. No matter what" bulong ko sa kanya.
"Bro!" nakangiting sigaw ni Gieron habang papalapit silang dalawa sa table namin.
"Gieron *fake smile* I want you to meet my bestbuds. Your second Kuya.. Si JC.. JC Javier"
Dahan dahan namang humarap si JC mula sa pagkakatalikod at binati si Gieron "Hi bro. Have a good time. You two looks perfect tonight" plastic na sabi ni JC.
At halata ko namang gulat ang mukha ni Regine. Parang hindi sya mapakali at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Hi Kuya *smile* Thanks for being here. I hope we had a great time some time" sabay shake hands nilang dalawa.
"Ex.. Excuse me" sabay talikod at patakbong umalis si Regine.
"Excuse me din. Medyo masama kasi pakiramdam ng girlfriend ko. Have a good day everyone" sabay alis ni Gieron para habulin si Regine.
Sa tingin ko'y may alam na rin ang kapatid ko sa mga nangyayari.
Rej's POV
"Rej" sabay kapit ni Gieron sa braso ko at agad ko naman syang sinampal.
"Gago ka! Siguro sinadya mo tong lahat no?! Set up lang ba lahat ng to ha?! Ano Gieron masaya ka na ba?! Masaya ba kayong lahat na makitang nasasaktan ako?! Ang sasama ninyo!"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng dahil sa sakit na nararamdaman ko. How dare them?! Wala silang karapatang tratuhin ako ng ganito!
"No Rej. Hindi ko alam na sya pala ang bestfriend ng kapatid ko. I'm sorry" sabay yakap nya sakin at hindi ko na naiwasang umiyak. Sana nga totoo ang sinasabi nya.
- - - -
Natapos ang party at nanatili nalang ako sa kwarto ni Gieron. Marami raw ang naghanap sakin sa baba pero ayoko na talaga. Wala na kong mukhang ihaharap pa kay JC pagkatapos ng pananakit ko sa kanya. Dahil sinayang ko sya, sinayang ko ang pagmamahalan naming dalawa.
"Are you alright?" tanong ni Gieron.
Tumango naman ako "Oo. Magpapahinga na ko. San ba ang kwarto ko?"
Ngumiti naman sya at tumuro sa sahig sabay sabing "Dito"
"Hindi nakakatawa. Alis nga dyan, funny ka masyado" sabi ko sabay tulak ko sa kanya paalis sa harap ng pinto.
"Ayoko!" sabay yakap nya sakin at agad akong hinalikan sa pisngi.
"What the---"
*tsup*
Kumalas naman ako sa pagkakayakap nya at agad syang tinulak "Gieron itigil mo na to. Wala namang tao kaya hindi mo kinakailangang umarte ng ganyan! Please naman oh. Ihatid mo na ko sa kwarto ko, pagod ako" pagmamakaawa ko.
"*sigh* Fine. Sa sala nalang ako matutulog. Good night" sabay talikod nya at sara ng pinto.
Sht. Ganon ba sya kaseryoso na dito talaga dapat kami sa kwarto nya matutulog?!
Gieron's POV
Hayss. Ganon ba talaga kamanhid si Regine at hindi nya maramdamang totoo na ang nararamdaman ko para sa kanya?! Tch. Badtrip talaga.
"I said I love you! I love you JC!"~
Nagulantang ako sa pagkakahiga ng may sumigaw mula sa kitchen. Kaya naman dalidali akong tumakbo papunta don.
..............
And there.
I saw JC and his girlfriend kissing fvckingly.
Hanggang sa may narinig akong mga hikbi sa likod ng kurtina. At agad kong hinila ang kamay ng taong to papunta sa harap ko.
And there she is. Crying out loud in front of me.
Agad ko namang niyakap si Rej sabay sabing "Get a room people"
Nagulantang naman sila at gulat na tumingin saming dalawa "It's ok Rej. Don't cry, pananagutan ko ang nangyari satin kanina"
Pagkatapos kong sabihin yun ay agad kong hinila si Rej paakyat sa kwarto. Leaving the two in the kitchen.
- - - -
"Ano bang problema mo?! Bakit mo sinabi yun! Walang nangyari satin at walang mangyayari! Bawiin mo yun! Bawiin mo!" pagmamaktol ni Rej.
"Tama na! Nangyari na ang nangyari. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin! Please. Hayaan mo naman akong ipagtanggol ka" sabay yakap ko sa kanya.
"Umalis ka na!" sabay tulak nya sakin palayo.
"Fine. Aalis na ko" sabay talikod ko at labas ko ng pinto.
Fvck. Palagi nalang mali ang ginagawa ko. Hindi nya ba naisip na para rin naman yun sa kanya?!
A/N :
Merry Christmas Everyone :*
Enjoy Reading~~~
•WWMe<3
BINABASA MO ANG
One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)
RandomThis Story talks about the girl who plans for her 'Sweet Mysterious Revenge' ; but eventually falls inlove with a guy who makes her happy despite of her evil plans. Author's Note: Hi there my Dearest Readers! Before you go to Prologue. I wanna share...