Chapter 27: Sacrifice

132 8 2
                                    

Chapter 27: Sacrifice

Rej's POV

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng ngiti matapos ko syang makitang umiiyak. Pakiramdam ko nga ang sama sama ko dahil hindi ko sya ipinaglalaban. Pero ito lang ang alam kong way para hindi na sya mahirapan pa. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan nyang nagmahal sya ng maling tao. Kahit ang totoo'y halos mamatay na ko sa sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal ko sya, at mahirap para saking itakwil sya. Pero kailangan kong gawin para sa kabutihan ng lahat.

"Regine.." pagtawag sakin ni papa ngunit hindi ko sya tinitignan. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya mapapatawad sa pagbebenta nya sakin kay Gieron. Oo anak nya ko pero hindi nya hawak ang buhay ko.

"Kung iniisip mong totoo ang mga sinabi ko nagkakamali ka. Mahal ko sya pero dahil sa inyo nasira ang lahat. Dahil selfish kayo! Sarili nyo lang ang mga iniisip nyo!"

*paaakkk*

"Hindi kita pinalaki para sigawan ako ng ganyan! Ginagawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makabubuti para sayo! Hindi mo ba naiintindihan yon?!"

"So should I say thank you to you?! Well. THANK YOU!!" sigaw ko at bow pa sa kanya. Sana masaya na sya! Pagkatapos ay dirediretso na kong pumasok ng bahay.

"Regine anak.." umiiyak na tawag sakin ni mama. Ngunit katulad ni papa ay hindi ko rin sya pinansin. Hindi naman kasi nila alam kung anong nararamdaman ko. Hindi nila naiintindihan ang sitwasyon ko.

Naramdaman ko namang may humigit sa braso at..

*paaaakkkk*

"Bingi ka ba?! Tinatawag ka ni Mama di ba?!" at naaninag ko ang mukha ni Ate. Galit na galit. Pwes patas lang kami. Galit din ako sa kanya dahil isa rin sya sa mga hindi makaintindi sa kalagayan ko.

"Tapos ka na?! *tanggal ng kamay nya* Sige lang magpakasaya kayo! Sana lang makatulog kayo ng mahimbing ng dahil sa ginagawa nyo!"

"Ano?! Walanghiya ka!"

Matapos nyang sabihin yun ay agad nya kong sinugod sinabunutan nya ko at pinagtatadyakan. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso ko. Pero hindi yung mga galos na natatanggap ko. Ewan ko ba pero sobrang kinamumuhian ko sila. Nagagalit ako dahil sarili lang nila ang iniisip nila.

"Yosha tama na!"

Ramdam ko naman ang pag cover sakin ng isang lalaki. At alam kong si Gieron yun. Isa pa sya, lahat naman sila pareho pareho na ang gusto lang ay masaktan ako.

"Iuuwi na muna kita" pagkatapos ay binuhat nya ko at binitbit palabas. I hate him kahit pa ipinagtatanggol nya ko.

"Are you alright?"

"Definitely not" sabay irap ko pa.

Gieron's POV

Dinala ko si Rej sa Pent house na minana ko pa sa lola ko. Dito ko nakatira kapag hindi ako umuuwi sa bahay.

"Gusto mo muna bang maligo? Gagamutin natin ang mga sugat mo pagkatapos" tanong ko kay Rej na hindi parin nagsasalita hanggang ngayon. Alam ko naman eh. Galit sya sakin kahit hindi nya aminin.

"Ako na ang bahala sa sarili ko. Iwanan mo nalang dito ang mga gamot at ako na ang maggagamot sa sarili ko"

"Kung yan ang gusto mo.." sabi ko sabay labas ko ng kwarto.

Ngunit bago pa man ako makalayo sa pinto ay..

*bogsh*

*togsh*

One Last Shot (Take A Picture & Say Good Bye) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon