AYFWART: CHAPTER 9

527 444 411
                                    

MRS. PEREZ' POV

Decorating✨


Being shock is that feeling of pause while the brain makes a new connection, one that brings high emotion of either joy or sorrow. It is finding yourself unexpectedly on a platform, train approaching, realising that this time the destination is not a choice.

Ngunit kahit ako'y nagulat sa winika ng aking asawa ay kailanman ay hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kahit sa paglihim niya kung bakit kami lumipat ng matitirahan at mag bagong buhay dahil naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya.

Hindi ko siya masisisi kahit ako ay kung may pagkakataon ay gagawin ang gano'n para sa anak namin. Nag-iisa na lang si Cindy at ayokong mawala pa siya sa amin.

Pagkatapos ng isang mahigpit na yakap ay parang nalusaw na lahat ng tampo ko sa kanya. Ginawa niya lang iyon para sa ikabubuti naming pamilya. Natigil ang aking pagdradrama ng biglang magsalita ang aking anak.

"Mommy ba't po naging ganyan si daddy? Ano pong nangyari? Nag-away po ba kayo?" nagtatakang sabi ni Cindy.

Hindi ko naman maaaring sabihin sa kan'ya ang totoo dahil baka maaga kaming mabuko kaya dali-dali akong umisip nang Ida dahilan sa kaniya.

Pasensiya na anak dahil hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Ahm, anak. Nagkausap lang naman kami ng daddy mo patungkol doon sa school mo at kinausap ko na rin siya na may dorm naman kayo ni Trisha kaya hindi na siya dapat mag alala sa kalagayan n'yo ro'n," pagsisinungaling na wika ko.

"Ahh, kaya po pala nagdradrama si Daddy," rinig kong wika ng aking anak sabay napailing.

"Mommy, 'di ba po ba mag dedecorate tayo ng room ko?" rinig kong pag-i-iba nang usapan ni Cindy.

"Hala, oo nga pala, baby. Sorry at nakalimutan ni Mommy," nahihiyang wika ko.

"Ok lang po, yun. Tara na Mommy punta na tayo sa k'warto at mag ayos kaso kailangan muna nating mag paalam kay daddy."

"Hon, magpapaalam muna ako sa iyo. Mag-aayos lang kami ng k'warto ni Cindy, ha? Nangako kasi ako kaso muntik ko nang makalimutan," pagpapaalam ko sa aking asawa.

"Ok, hon. Tawagin n'yo na lang ako kung may kakailanganin n'yo ng tulong ko," rinig ko namang sagot nito.

Tanging tango lang ang sinagot ko at agad na naglakad papunta sa k'warto ni Cindy para simulan na ang pag-aayos.

The room is uncomfortably large. It reminds me of a hotel foyer, not just in the space but in the artwork too. I scan for a personal touch, something that doesn't suggest a hired designer chose it. Nothing. The floor is polished concrete, the walls white and the furniture I'm sure is from a high-end Scandinavian designer, but the name escapes me for the moment. There is room in here for dozens of children, though I doubt even one would be welcome. It is a perfect place, but cold in its tranquility. The soft jazz just audible as background noise, and at the same volume in every room, somehow makes it even less personal.

Habang tinitignan ang kabuohan ng k'warto ngayon ko lang napansin ang kalakihan nito sakto naman na narinig ko ang tanong ng aking anak na nagtataka kaya mas lalo akong kinakabahan sa masasabi ko.

"Mommy, ngayon ko lang po napansin na parang ang laki naman po ng k'warto ko para sa isang tao feeling ko po itong k'wartong ito ay 'yung tipong pang-isang dosenang tao?" Nagtataka ngunit medyo natatawang wika ni Cindy dahil sa kaniyang sinabi.

Totoo naman kasi. Tagalang ipinasadya namin na sobra iyong laki dahil ito ang kagustuhan ni Cath sa kadahilanang ayaw niyang makasama o makalapit sa kaniya ang kapatid. Kaya napagdesisyonan na lang namin na hati lang sila ng kwarto ni Catherine bago ito mamatay dahil sa aksidente. Dati kasi napaka-close niyang kambal na yan no'ng nagsilakihan lang parang 'di na sila magkakilala o magka dugo.

"Hindi, baby. Ang k'warto na ito ay ginawa para lamang sa iyo. Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Tsaka pinasadya ko talagang ito'y palakihan para may mapaglagyan ka ng ibang gamit na gugustuhin mo," pagsisinungaling na wika ko.

"Grabe naman po kasi, Mommy. Parang sobra naman po ito dahil napakalaki, eh," mahihiya at hindi mapakaling wika ni Cindy.

"Nako, baby. Bala araw ay masasanay ka rin sa bago nating buhay," dagdag ko pa.

Tanging tawa na lang ang naisagot niya sa akin. At nagsimula nang mag-ayos ng kama. Ako naman ito nagpapalit ng mga kurtina para maging mas kaaya-aya itong tignan.

Naayos na rin namin 'yung mga damit na nabili namin kahapon at nilagay na ng maayos sa walk in closet niya.
Maayos na ang lahat ng gamit sa k'warto niya dahil pati si Hon ay tumulong din. Hindi ko napansin na nandyan pala siya kanina at pinagmamasdan lang kaming mag-ina dahil busy ako sa kurtina. Ngunit nakita niya akong nahihirapan kaya ayun siya na raw sa kurtina at tulungan ko na lang daw si Cindy sa mga libro o mga vases na idedesign sa k'warto nito.

"Hon, diba sabi ko naman sa iyo na kung may hindi n'yo kaya at nahihirapan kayo ay huwag kayong mahiyang tawaging ako," pag-aalalang sabi nito sabay lapit sa akin at, hawak sa kamay kong namamaga.

"Hon, kaya ko naman kasi, eh. Tsaka nag-aayos ka kanina ng mga kurtina kaya hindi na kita kinulit pa," pagdadahilan ko rito.

"Kaya? Eh, ba't mukhang pagod na pagod kang maglagay at magsabit ng mga disenyo? Siguro kasi hindi mo abot?" wika nito na may halong pang-aasar sa boses.

"Sorry na. Hindi ko na uulitin pa," wika ko nang nakatungo. Wala na suko na ako. Nanalo na siya.

"Salamat po pala Mommy at Daddy sa pagtulong sa pag-aayos ng k'warto ko. Tsaka mommy naglalambing lang 'yang si Daddy kaya po 'wag po kayong maniwala diyan," mas mapang-aasar na wika sa amin ni Cindy.

"Sige na at magpahinga muna tayo at magluluto pa ako ng pagkain natin mamaya-maya," pag-aalarma ko.

"Tulog po muna ako, Mommy at Daddy. Kayo rin po magpahinga rin!" masayang wika ni Cindy at tuluyan nang humiga sa kaniyang malambot na kama.

The room is now like a perfect magazine cover. I'm afraid to sit in case I wrinkle the fabric or stain it with something I don't even know is on my pants. The couch is cream but inlaid with a fine green silk; leaves embroidered so delicately that they might have landed there in spring and just sunk in, but I know they took hundreds of hours to sew. The white curtains are linen, the kind of white that is untouched by hands and devoid of dust. A cursory look to the right shows me the almost hidden cords that are used to open and close them. There is a television, a bookshelf, a study table, only the chairs arranged around the bespoke fireplace which leaps with a gas flame. The photographs are black and white, not casual family snaps, but arranged to look like such by a professional. Any one of them wouldn't look out of place in a spread of Hello. The floor is a high polished wood, dark and free of either dust or clutter.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon