Bagong kabanata:
Some other character!
"Umaayon sa agos ng tubig ang ating plano."
"Grabe! Hindi ko inaasahang aayon lahat sa plano ang mga nangyayari ngayon sa buhay niya, Dean."
"Ano ba kasing balak mo sa kaniya? Wala namang balak na masama ang taong iyon!" sigaw nito sa akin.
"Patahimikin n'yo siya!" utos ko sa aking mga tauhan kaya agad nilang binusalan ng panyo ang bibig nito upang manahimik.
"Anong balak ko sa kaniya? Napakasimpleng tanong naman iyan, Dean, na kahit ikaw ay alam kong kayang sagutin," May ngisi sa labing litanya ko sa kaniya.
"Ibabalik ko lahat ng sakit na ipinaranas niya sa akin pa-konti-konti. Hahayaan ko siyang magdusa!" dagdag ko pa.
Dinura nito ang panyo na nagsisilbing pambara sa kaniyang bibig.
"Kahit kailan ay wala ka talagang awa! Halimaw ka!"
"Ako? Halimaw? Ano pang itatawag mo sa kanila? Demonyo? Tandaan mo, Dean. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka mapapalipat diyan sa kinakatayuan mo ngayon," pagpapaalala ko.
"Kaillan ma'y hindi ako magpapasalamat sa ginawa mo!" Galit na galit na sigaw nito.
"Hindi ko naman sinabi na magpasalamat ka sa akin, Laura Mendez. Pinapaalala ko lang naman tutal nagagamit naman kita sa aking plano."
"Ikaw, kailan ka kaya titigil sa pagsasabi na may kapatid ako? Gayong alam naman natin na nag-iisang anak lang ako?"
"Hindi mo lang matanggap dahil 'di hamak na mas maganda at perpekto siya sa iyo, Halimaw!"
Nagtangis ang aking bagang sa sinabi niyang iyon!
Kailangan kong kumalma.
May silbi pa ang isang iyan.
Kalma, malapit mo na rin iyang i-dispatsa.
"I-alis n'yo 'yang babaeng iyan sa akin kung ayaw n'yong mamatay agad!" Iritang wika ko.
Gagamitin ko ang lahat ng nakapaligid sa iyo!
Sisiguraduhin kong mawawasak ka!
Humanda ka kahit na kaibigan pa kita!
"Madam, naka-ayos na po ang ilan sa inyong gamit." Rinig kong pahayag ng isa sa aking mga alalay.
"Hali ka na't umpisahan ang pasabog na aking inihanda!"
Nag-uumpisa pa lang ako, My dear!
Additional note:
From: Unkown,
Mas mabuting iwasan ang mga taong nagpaalala sa 'yo kung gaano kasakit ang iyong nakaraan. Dahil maaari silang maging rason ng iyong pagkawasak sa ikalawang pagkakataon.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko si Cindy ay gusto ko siyang saktan at pahirapan. Marahil hanggang ngayon siya pa rin ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Catherine.
Alam kong mali pero masisisi mo ba ako? Kahit bata pa lang ako si Catherine na ang pangarap ko. Pero lahat ng iyon ay nagbago dahil sa aksidente na nangyari sa mismong kaarawan ko.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Fiksi RemajaIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...