T H E O
Pagkakataong bumawi!
"Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong ito na makabawi man lang sa nangyari sa kaniya dahil sa akin."
Kanina ko pa napapansin na tila may kausap sa cellphone si Cindy. Kaming dalawa na lang ang natira dito sa classroom dahil umalis na agad ang iba hinanap ko naman si Trisha pero wala siya. Pati si Dave na parang kabute na hindi malaman kung kailan susulpot o lilitaw.
Gusto kong lumapit pero hindi ko kaya. Ayoko naman magmukhang t*nga habang tinatawag siya. Ngunit iyon lang ang tanging paraan para ako'y kaniyang tignan o pagbalingan ng atensyon. Buo na rin naman ang desisyon ko na makabawi at maka-usap siya ng kaming dalawa lang. Siguro ito na yung tamang panahon para makabawi ako sa kanya.
"Cindy!" Pagsigaw ko sa kaniya upang makuha ang kaniyang atensyon.
Hindi niya ako pinansin dahil mukha siyang natataranta nang marinig ang aking boses na tinawag ang kaniyang pangalan. Hindi ko mawari kung bakit ngunit hinintay ko na lamang siya at umupo sa isang silya kalapit ng upuan niya mismo.
Wait! Bakit ko nga ba siya aayain?
Peace offering? Maging kaibigan ulit tapos kakamuhian?
Hayst! Ang gulo! Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Habang hinihintay si Cindy na matapos sa kinakausap niya ay napagdesisyunan kong tumayo at magligpit muna ng aking mga gamit sa aking lamesa.
"Theo, naman! Baki mo naman ako tinawag sa oras na 'yun? Baka anong isipin ni Mommy dahil sa ginawa mo." Singhal nito sa akin habang tinago na ang cellphone na gamit.
"Ahm, a-ano k-kasi e-eh—" Nauutal kong saad. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Pati ang lakas ng loob ko'y bigla na lang naglaho. Mas namutawi sa akin ang kaba kung sasama ba siya sa akin o tatanggihan niya ako kung aayain ko siyang kumain.
Anong gagawin ko?
"Theo, sorry. Hindi ko po sinasadya. Ano po bang sadya n'yo sa akin? Tsaka wala naman na rin pong tao rito, kaya po ano pong ginagawa n'yo pa rito?" Nagtatakang usal niya.
"Ahm, Cindy, p'wede ba kitang mayaya kumain dito lang malapit sa school?" Halos pasigaw kong nasabi. Talagang nilakasan ko na ang loob ko para lang mayaya siya.
""Yun lang po ba? Ano ka ba naman, Theo. Para ka namang iba. Hindi naman iyon napakahirap na sabihin, ah." Mapanudyong saad nito sa akin.
"So, a-ano? Papayag ka bang kumain kasama ko?" Nahihiyang usal ko.
"Walang hihindi sa pagkain, kaya sa sama ako!" Masayang saad nito sa akin.
Kahit kailan ay hindi pa rin talaga siya nagbabago.
Ilang taon na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin naalis ang pagkahilig niya sa mga pagkain.
Nawalan nga siya ng memorya ngunit hindi pa rin nagbabago kung sino at ano ang nakagisnan kong ugali niya.
"O! Tulala ka pa riyan. Halika na! Baka magbago pa ang isip mong ilibre ako," wika nito sabay lapit sa akin at tingin sa aking kamay.
Anong gagawin niya?
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Novela JuvenilIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...