C I N D Y
His back!
Labis ang pagkabilib ang aking naramdaman nang makapagsalita si Trisha sa harap. Tila siya'y isang lalaban sa isang pageant dahil sa tindig at ayos ng kaniyang pagsasalita. Gaya ng nakagawian hindi napigilan ni Sir Sebastian ang magkomento at humanga rin tulad ko sa sinabi ni Trisha.
She already got the looks and now she wants fame.
Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang pati si sir ay nakakahalata nang nauubusan na siya ng oras. Tutal dalawang tao na lang naman ang hindi nakakapagpakilala ay mabilis kong nahulaan ang sinabi ni sir.
"Mr. Guevara and Mr. Pangilinan, both of you stand up and go in front," malumanay na utos ni sir sa dalawa. Agad rin namang nakaramdam ang dalawa at agad na sumunod sa utos ni sir.
Pero bakit parang kinakabahan ako?
Hindi ko naman sila kilala pero bakit parang nababagabag ako sa kanilang presensiya?
Hanggang sa tumayo at humarap sa akin ang nagmamay ari ng mga asul na kulay na mga mata. Nagdulot ito ng labis na pagkagulat sa aking mukha na tila'y nasilayan niya. Lumingon din ako sa may kaliwa at itong lalaking ito ang siyang aking nabangga.
Isang tanong lang ang namumutawi sa aking isip. Isang tanong na hindi ko mawari o mahulaan ang kasagutan.
Akala ko ba susundan niya ang babaeng matagal niya nang minamahal.
Nandito ba siya?
Hangad ba niyang makita akong nasasaktan dahil sa presensiya niya?
O, sadyang masyado lang akong naghangad?
Naghangad na magugustuhan niya rin?
I maybe sound ridiculous but I hope . . .
Namulat ako sa katutuhanan ng biglang magsalita si Sir Sebastian. "Okay, Mr. Pangilinan. You may start now."
"Hello, everyone! I am Danielle Dave Ace Pangilinan; I always dream about being an engineer not just because I want to help my family's financial assistance but also to pursue my dream. And when I say I want to pursue it, I will gladly do it whatever it takes," marahang pagsasalaysay niya.
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kabuohan niya. Tila parang ako'y hinihipnotismo sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang labi. Batid ko ring hindi niya ako matitigan marahil ay nahihiya o sadyang ayaw niya lang siguro akong makita o makasama sa isang classroom.
Dave . . .
Kuya Dave . . .
Bakit ka nga ba nandirito?
Labis tuloy akong naguguluhan sa presensiya mo.
"So, Mr. Pangilinan, hindi naman ata masyadong pinaghandaan ng mga magulang mo ang pangalan mo sa sobrang haba nito," mapanuksong wika ni Sir Sebastian. Na tanging pagkamot lang ng batok ang kaniyang nagawa.
"Kidding aside, but before we proceed to Mr. Guevara, Mr. Pangilinan what do you prefer to call you? Since sa sobrang haba ng name mo saan ka mas komportableng tawagin?
"Dave na lang po, sir," agad nitong sagot.
"Well, okay. So, Dave, you may sit, and let's proceed to Mr. Guevara here."
"Hi! My name is Ethan Theo Guevara but you can call me Ethan or Theo based on your trip. Brief information about me taking engineering is way back when I was a kid, I already secure my future by studying in advance. Like other students, I want to challenge myself on how engineering is difficult. And yeh! That's all," cool na wika nito sabay wink sa aking likuran na direkta kay Trisha.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Novela JuvenilIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...