AYFWART: CHAPTER 35

219 144 208
                                    

T R I S H A

Muling pag-uusap!

"Mapapatawad? Sa tingin mo mapapatawad kita pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin? Ipapaalala ko lang, ha. Ikaw ang sumira sa buhay ko kaya ako pinaalis sa bahay ni Dad ng dahil sa iyo."

"Aba! Ikaw na nga itong pinuntahan, ikaw pa ang galit. Asaan ang hustisya do'n?" angal ko rito.

"Bahala ka na nga riyan. Sige na aalis na ako." Pagpapaalam nito sa akin.

"Saan ka na naman pupunta? Baka nakakalimutan mong gabi na. Mahirap gumala sa school ng gabi," Pagpapaalala ko sa kaniya.

Ano na naman kayang nakain nito?

"Magpapahangin muna ako," wika nito sa akin sabay tuluyang umalis sa aking harapan at iniwan akong tulala.

Wait! What just happen?

Kanina lang naguguluhan ako dahil doon sa sulat na nakita namin tapos idadagdag n'yo pa 'yung ngayon na pa-emote-emote ni Cindy? #Gulong-gulo

Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang pinagmasdang lumakad paalis sa aking harapan ngunit namalayan ko na lang na wala na akong nasisilayan na bulto ni Cindy. Kaya dali-dali ko siyang hinanap. Halos bulabugin ko na nga ang mga dorm dito para lang mahanap siya ngunit sa ibang dereksyon napako ang aking atensyon.

Si Ethan may kasamang babae, and to be honest they look good together. Hindi katulad no'ng kami pa. Bakit ko nga ba ito iniisip pa? Hindi ba't naka-move-on na ako sa kaniya?

"Trisha?" Hindi ko mawari kung nagulat ba sila sa presensiya ko dahil nakita ko sila o sadyang hindi lang nila ako inaasahan.

"Sorry to interrupt. Aalis na rin naman ako. Just continue what you're doing," tanging nasabi ko dahil sa awkward na nararamdaman.

"Trisha, wait!" Rinig kong tawag ng pansin sa akin ni Ethan. Agad ko silang nilingon ulit at naghintay ng kanilang sasabihin.

Tama ba ang ginawa ko?

"Trisha, it's not what you think-" Agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin.

"Ethan, you don't need to explain to that b*tch! Just come back here!" Sigaw ng babaeng kasama ni Ethan kanina.

Sa paglipas pala ng taon, mas lalong bumababa ang standards niya sa babae. Well, that's bad. T'saka ano bang pakialam ko sa kanila? #WalaTalagaAkongPake

"Tumigil ka, Agatha! Hindi mo siya kilala. Umalis ka na nga!" Gulat akong tumingin sa babaeng tinawag niyang Agatha. I really thought that he would say something harsh about me but surprisingly he defend me.

Why do I feel so relieved with that?

Umaasa pa rin ba talaga ako?

Does it mean, I'm still cannot move on with him?

Padabog na umalis ang babae rason na napabalik ako sa aking katinuan. Ang awkward tuloy ng feeling. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos ang pangyayaring iyon. Kaya akmang hahakbang ako na tila ba'y walang pangyayaring naganap ng bigla siyang magsalita sa aking likuran.

"Hanggang ngayon ba, iiwan mo pa rin ako? At magpapanggap na parang hindi tayo magkakilala, ha, Trisha?" Rinig kong sambit nito sa akin. Literal na gusto kong tumawa sa sinabi niya. Ako? Ako ang nang iwan? Lakas ata nang amats nitong isang 'to!

Hindi ko siya sinagot sa mga tanong niya dahil wala akong lakas para kausapin pa siya. Baka ako na naman ang masaktan bandang huli kapag nagpatuloy lang ito. Isama ko pa ang dahilan na hindi naman siya ang rason kaya ako nandito kung hindi si Cindy na kaibigan ko.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon