AYFWART: CHAPTER 8

549 470 294
                                    

MR. PEREZ' POV

Is it a disaster?

I heard Cindy set her alarm to ring as the sounds of nature, as birdsong for the most part. There was a soothing quality to awaking that way. Her morning alarm chimed into her dreams, the opening curtain call for my day.

"Anong klaseng panaginip iyon?" rinig kong wala sa sariling bulalas nito.

"Nak, are you alright?" wika ko sabay katok sa kaniyang k'warto.

"Yes, Daddy. I'm alright," sagot naman nito.

"Good morning, nak! Ayusin mo na iyan at para makapag-almusal tayo ng sabay-sabay," pagpapaalala ko.

"Yes, Dad! Bababa na po ako in any minute," wika nito pabalik.

Hudyat nang aking pagbaba ay agad kong sinalubong si Yaya para masamahan na rin kami sa pag-aalmusal. Agad ko namang pinuntahan ang aking asawa na sa ngayon ay nagluluto na nang aming kakainin sa almusal.

Ganito talaga siya mula noon hanggang ngayon, lagi kaming ini-spoil sa mga pagkain na luto niya.

Our dining-room was exquisite. The walls were covered with a shimmering gold paper and in the middle of the ceiling above the carved oak table was a candelabra. Down the center of the table was a runner with Celtic design woven in gold and green into the fabric itself. At the end of the table were floor to ceiling french doors, left slightly ajar to let in the scented summer air. The polished silver cutlery was heavy to the hand and shone brightly in the early evening light. At each place stood a tall empty wine glass and there were beautifully folded napkins to match the runner. All that was missing was the food and the guests.

Speaking of the food pagkaluto na pagkaluto ay agad itong hinain sa aking harapan ng aking asawa. Kay rami niya talagang maghanda, siguro namiss din niya ang pagluluto ng mga ganito kasarap na ulam dahil no'ng nasa probinsya pa kami at hindi kami maaaring bumili ng mga ganito sapagkat mapaghahalataan kami ng mga tao.

Habang hinahain nila Yaya ang pagkain ay agad rin akong tumulong sakto naman sa aking paglapag ng pagkain sa mesa ay ang pagbaba ng aking unika iha.

"Anak, saan ka galing? Ba't parang takot na takot ka?" bungad kong tanong dahil ang mukha niya at tila putla na putla.

"Daddy, dumaan lang po ako sa Garden para po sana makalanghap ng sariwang hangin o 'di po kaya ay makapagdilig po lamang," sagot nito agad.

"Eh, bakit parang dinaig mo pa ang nakakita ng multo sa sobrang putla mo?" pagbabara ko rito dahil halata naman sa kaniya ang pagkaputla at bago siya pumunta rito ay parang tumatakbo pa siya.

Kita ko sa kaniyang mukha ang bakas ng pagkagulat na tila ay nahulaan ko ang rason kung bakit siya kinakapos ng hininga at hingal na hingal.

"Mommy, Daddy? May pinatay po ba kayong dalawang bata rito? Kaya po sila nagmumulto sa akin?

Dalawang bata?

"Ano ka ba naman, anak. Kay laki laki muna, eh. Takot ka pa sa multo? Anong sinasabi mong pumatay kami ng tao? At tsaka walang multo rito, nak. Sa katunayan nga niyan ay every year pa itong may pa blessing. O 'di kaya ay hindi ka nagprapray? Baka kung ano ano na lang ang pumapasok sa utak mo, anak," pagpapangaral ni Daddy.

"Nagprapray po. Eh, ano po yung dalawang bata na lagi kong napapaginipan?" inosenteng tanong nito.

"Dalawang bata?" gulat na bungad ng aking asawa na ngayon ay tapos na sa paghahanda ng aming almusal.

Agad kong ibinalik kay Cindy ang aking atensyon, halata sa kaniyang maputlang mukha ang pagtataka, surpresa at pagkalito pero agad rin itong nawala.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon