CINDY'S POV
Another glimpse ✨
After so long in the maze in this dream, I was confused as to which path to take. I'd sat there all day, lost, figuring I'd never get out, when someone just walked right through the walls. I sat and stared as he passed through the maize stems into the still sunlit path. He smiles and beaconed me to come. "Follow me," he said with one of his sheepish grins. I wrapped my fingers into his loose cotton shirt, her heart flooded with relief. I could have walked through them herself she supposed, but it was wonderful to have a guide.
"You'll see your future and past if you continue this dream, your life is like a world winding. But, maybe your past repeat itself," rinig kong wika ng lalaki at biglang naglaho.
When the guy who helped me disappeared, nakarinig ako ng masasakit na salita mula sa isang pamilyar na lalaki.
"Dydy, please tigilan mo na ako, hindi ikaw ang gusto ko kundi ang kapatid mo," Malakas na sigaw ng lalaki.
Wait? Lalaki? May panibago na naman? - italic
Pero patuloy pa rin ang babae sa pag hawak ng kamay ng lalaki na tila'y nagmamakaawa ito. Mga bata pa sila pero kahit gano'n ay madadala ka na.
"Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin? Mag-kamukha naman kami? Mabango naman? Ano bang kulang sa akin? 'Yun lang naman ang gusto kong malaman," hagulgul ng batang babae sa lalaki.
"May mali ba sa akin? Hindi ba ako kamahal-mahal? May mali ba sa akin? Panget ba ako? Hindi ba ako kaugali niya?" sunod-sunod na tanong ng babae.
"Wala. Kailanman ay kamahal-mahal ka, Dydy. Ang kaso lang hindi ako ang tamang tao para pag-alayan mo niyan. Hindi ka panget at mas lalong 'wag mong gagayahin ang ugali niya. Huwag mong sayangin ang pagmamahal mo sa akin, Dydy. There is one person who will love you for the rest of your life but it's not me," mahabang wika ng lalaki.
"Kung gano'n bakit hindi ko siya mapalitan diyan sa puso mo? May pagkukulang ba ako sa 'yo? Tantan, napakaraming tanong sa utak ko 'tas sasabihin mo sa akin na hindi ikaw?" mas lalong iyak nito sa harapan ng babae.
"Wala kang pagkukulang. Ako, ako ang may problema, Dydy. Kaya please tama na, tumigil ka na. Hindi tama ito dahil mahal ko siya at patuloy ko siyang mamahalin."
"Ako, ako ang may problema. Akala ko ikaw, pero hindi pala siya at siya pa rin. Kaya please! Dydy, tama na. Itigil mo na ito!" sigaw ng lalaki habang pilit na inaalis ang pagkahawak sa kanya ng babae na nagmamakaawa.
"Wala ka na bang ibang masabi? Lagi na lang iyan ang sinasabi mo! Hindi ka ba nagsasawa? Puro sarili mo na lang ang sinasabi mong may problema," wika ng babae na unti-unting bumitaw sa pagkahawak sa kamay ng binata.
"Tantan, hindi ko ba siya kayang palitan diyan sa puso mo?" muling wika ng babae na ngayon ay nakatayo na sa harap ng binatang nakatalikod sa kaniya dahilan para hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha.
Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaki. Tanging hikbi lang na nagmumula rito ang kaniyang narinig.
"Paalam na, Dydy," huling sambit ng lalaki bago tuluyang iwan ang babae sa isang magandang parke.
"Kambal ko man ang minahal mo pero hindi ko ba siya kayang palitan diyan sa puso mo?" huling sambit na tanong ng babae ngunit hindi siya pinansin ng binata at tuluyan lamang itong naglakad.
Tuluyan akong nagising sa hindi gano'n kagandang panaginip na may luhang dumaragsa sa aking mukha. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit gano'n ang napaginipan ko. Para bang naging parte o saksi ako sa kanila. Iba kasi ang sakit na aking nadarama. Na kahit gising na ako ay paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang huling mabibigat na salita na binitawan ng babae na sa aking palagay ay tumatak na sa aking puso at pagkatao.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Teen FictionIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...