C I N D Y
Kali
Gaya nang napag-usapan. Tinupad nga ni Trisha ang sinabi nito na hindi niya ako iiwan. Halos ilang lingo na rin ang nakaraan mula ng mangyari ang trahedyang iyon sa buhay ko. Hindi naman ako duwag na makaharap sila, hindi ko lang siguro tanggap na baka may masamang mangyayari sa buhay ko o malala ay hindi na ako maabutang buhay ng pamilya ko.
I'm not named Cindy for no reason!
"Cindy! Alam mo na ba? Balita ko ay may meeting daw mamayang after class sa cheerleading club." Rinig kong wika ni Trisha mula sa aking likuran.
Nilingon ko rin siya at sumagot sa pahayag nito, "Wow! So, sasama ka?"
"Yup! Malay mo kasi kasama si Mahlabs Dave!" excited na wika nito.
"Sige, sasama ako," simpleng saad ko at muli nang nakinig sa aming guro sa harapan.
Hindi ko namalayan ang napakabilis na pagtakbo ng oras. Uwian na, ibig sabihin kailangan ko pang pumunta sa meeting para sa cheerleading club. Alam kong ilang linggo na akong parang wala sa aking sarili dahil hindi ko maiwasan ang mag-over think sa nangyari no'ng nakaraan.
Lagi na lang malayo ang iniisip ko kaya hindi ko na rin masyadong napagtutuonan masyado ng pansin ang aking pag-aaral na lalong ikinababahala ko. Pinaghirapan kong makarating dito tapos sasayangin ko lang.
Hayst! Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
Sana lagi ko na lang kasama si Trisha ng sagayon ay pakiramdam kong ligtas ako.
I'm drained physically and mentally.
Wala akong lakas para magpatuloy pa sa aming pupuntahan ngunit kahit na nanghihina ako kailangan ko paring dumalo sa pagpupulong. Gaya nang napag-usapan ay sa nurse building gaganapin ang nasabing meeting. Kasama ko ngayon si Trisha, hindi katulad ko na parang lantang gulay. Siya'y labis na masayang nagpapakilala sa iba pang miyembro ng club.
Sa pagsisimula nito, marami silang binitawan na mga pamamaraan o tips no'ng magsimula sila rito sa cheerleading. Mula history, wins, finals, at iba pang karanasan nila ay kasama. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila. Wala naman kasi akong karanasan sa ganitong larangan.
Mukhang nahulaan nila ang ipinapahiwatig ko kaya nagsimula silang magbahagi ng iilang mga exercise na makakatulong daw sa amin upang maging mas bihasa at upang hindi masyadong magulat ang aming katawan sa mga intense pang-stunt.
Sa totoo lang ay marami pa silang napag-usapan tulad ng oras kalamitan nagpa-practice ng sayaw, pagpapakilala nila sa bawat miyembro, at higit sa lahat pagpapa-unawa kung ano ang bawat posisyon ang ginagampanan ng bawat miyembro.
Alam kong napakahalaga ng meeting na ito pero wala talaga ako sa tamang wisyo para making at makihalubilo sa kanila. Kaya pagkatapos na pagkatapos nilang magsalita patungkol sa club agad kong kinausap si Trisha na mauuna na ako. Hindi ko na talaga kaya.
"Trish! P'wede ba kitang maka-usap saglit?" bulong kong mahina sa kaniya.
"Sige, wait lang," sagot naman nito.
May binulong siya sa leader ng cheerleading club sabay tingin sa akin. Mukhang nagpaalam na ito na kakausapin lang ako pansamantala kaya agad akong tumayo sa aking kinauupuan at pumunta sa gilid upang kami ay mag-usap.
"Ano iyon, best?" bungad nito sa akin.
"Gusto ko na sanang umuwi," panimula ko.
"Tapos naman na ang meeting pero ang problema ay hindi kita masasamahan. Dahil may pag-uusapan pa kami ni Leader Arianna patungkol sa mga kaganapan pa," pagpapaliwanag nito.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Novela JuvenilIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...