AYFWART: CHAPTER 29

238 196 118
                                    

D A V E

This man is getting into my nerves!

"Bakit ka pa ba nandito? Para saktan ulit siya?"

Pagkabalik na pagkabalik ni Trisha mula sa ibaba ng ospital agad kong binago ang aking ekspresyon. Masakit palang tratuhin ka ng taong mahal mo bilang hindi niya kilala.

Naranasan ko na rin naman ito dati, ah?

Bakit parang naninibago pa ako?

"Sorry, medyo natagalan," bungad ni Trisha.

Nginitian ko naman ito kahit nanghihinayang akong ng hindi ako masagot ni Cindy dahil sa pagdating nito. Marami pa sana akong sasabihin sa kaniya pero pinangunahan na naman ako ng takot.

Lagi naman.

Muling namutawi ang katahimikan sa buong kuwarto kaya muling nagsalita si Trisha. "Hindi man lang ba kayo nag-usap simula no'ng umalis ako?" Hindi na ako nagulat nang sabihin iyon ni Trisha. Sa mga inaakto niya ay hindi ko mahulaan kung may alam ba siya sa mga nangyayari sa paligid niya o wala. Dahil kung pagmamasdan maigi para lamang itong inosente sa mga nakikita niya. Lumingon ako kay Cindy na walang patid na umiiling.

"Hindi, hindi naman kasi kami close." Pag-sangayon ko kahit na kabaliktaran ito 'noon.'

"Sayang naman! Paniguradong kung magiging close kayong dalawa, magka-vibes kayo!" Natatawang saad pa nito. Tanging pag-ngiti na lang sa kaniyang itinuran ang aking naging sagot.

"Kain muna tayo! Kanina pa kasi ako nagpipigil ng gutom," saad nito at tuluyang lumapit sa dala nilang pagkain kanina.

"O, kanino ito galing?" Gulat na tanong ni Trisha sabay turo doon sa dala ni Dean na mga prutas. Tanging pakikinig na lang ng kanilang mga pag-uusap ang aking ginawa. Masaya na rin ako sa ganito. Makita siyang masaya at kontento.

"Ah, ayan ba? Dala 'yan ni Dean kanina no'ng bumisita siya."

"Grabe naman si Dean! Masyado tayong binubusog!"

"Pinabibigay lang daw kay Dean kanina ng isang concern student," paliwanag naman nito.

"May iba bang nakakaalam? Bukod sa atin?" nag-aalalang tanong pa niya.

Ang alam ko ay inilihim ni Dean ang nangyaring ito para na rin sa kapakanan ni Cindy at sa eskuwelahan. Tanging mga guro lang naming nila Cindy, Trisha, at ako ang nakakaalam maliban sa mga gumawa nito sa kaniya.

"Hindi ko alam. Pero sino raw ang nagbigay?" Pabalik tanong naman nito.

"Nadulas ata no'ng sabihin ito ni Dean pero Kali raw 'yung pangalan nang nagbigay."

"Kali?" Hindi ko sinasadyang mabigkas ito ng malakas.

Alam na ba niya?

Papaano nakilala ni Dean si Kali?

Nag-uusap ba ang dalawa?

Labis akong na bahala sa impormasyon na nakalap ko ngayon. Ang tanong lang sa aking isipan ay bakit? Bakit niya ito kilala?

"Kilala n'yo ba siya?" Naguguluhang tanong niya sa amin ni Trisha. Dahil do'n ay nagkatinginan kami ni Trisha. Naka-usap niya na ba si Kali? May alam ba siya?

"H-Hindi!"

"H-Hindi!" Halos sabay naming saad.

"Okay, sabi n'yo, eh!" Halata sa kaniyang boses ang pagiging hindi kombensido sa aming sinabi.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon