AYFWART: CHAPTER 12

424 359 311
                                    

D A V E

Meet Dave

"Danielle Dave Ace Pangilinan Natividad! Are you even listening to me?!" agad akong napalingon sa cellphone nang marinig aking marinig ang galit na boses ni Georgina. I don't know what happened to me pero lagi ko nang napapansin na nawawala ako sa aking sarili.

Strange . . .

Halata sa aking mukha ang hindi rin alam kung bakit ko 'yun nasabi kay Cindy. Pero may isa sa aking bahagi na nagsasabi na baka dahil umaasa pa ako na sa simpleng kataga na iyon ay maalala ako nito.

But it's impossible . . . she will never love me like the way he loved, Tantan.  

"Bakit ba kasi hindi na lang ako? Ako 'yung bumuo sa 'yo noong nawasak ka pero bakit siya pa rin ang pinili mo? Why do I have to be the second lead on my own story? Why?" wika ko sa kaniyang sarili.

Dave Pangilinan ang kilala nila sa akin na aking ginamit upang magpanggap. Pero sa aking pagkakaalam ay simula noong nagpakilala ako sa kanila dati ay iyon na ang aking gamit.

Ako'y isang lalaking sa probinsiya ang pinagmulan kaya roon ko nakilala noon ang amo kong dalaga na kung tawagin ko noon ay Dydy na minsan niya nang minahal dahil minsan na rin silang tumira roon ng kaniyang pamilya kaya paniguradong pamilyar ang aking mukha sa kanila. Pero kahit anong kilala sa akin ng mga magulang nito, ako'y hindi nito kilala o maalala dahil sa aksidente na sumira sa buong pagkatao nito. Nagtratrabaho ako sa kanila mga dalawang buwan na ang nakakalipas pero kahit sa dalawang buwan na iyon ay agad niyang naging close lahat ng mga namamahala rito.

Gumagawa ako ng mga paraan para mapalapit sa kaniya. Even if I become a stalker, one night in their province where they clandestinely live. I've stalk her, I followed her to all destinations that she had and I think she knows that someone stalking her. Yes, ako 'yung taong sumusunod sa kaniya no'ng nag-enroll siya sa Manila. Pero alam mo ang mas nakakatuwa? 'Yung natanggap pa rin ako rito sa bahay nila sa Manila. Nagustuhan daw nila ako dahil nakakitaan nila ito nang sobrang kasipagan at pagiging matulungin sa kapwa. Hindi raw kasi halata sa aking hitsura na kaya niyang gawin lahat ng ipinapagawa nila dahil sa aking mukhang yayamanin na mala-maharlika ang dating. Isa sa mga halimbawa ay ito.

"Ate Beth tulungan ko na po kayo," magalang na wika ko kay Ate Beth habang kinukuha ang mga dala nito dahil sa aking tansya ay galing ito sa pamilihan.

"Nako, iho salamat at nandiyan ka ito kasing si Simon lagi lang akong titignan. Hindi man lang ako nagagawang tulungan dahil napakabigat ng dala ko dumagdag pa ang init," mahabang sabi ni Ate Beth na tila ay sobrang naiiinitan dahil ginagawa niya nang pamaypay ang kan'yang kamay.

Totoo ngang napakabigat ng dala nito. Buti nga at na kakaya ng mayordoma na si Beth kahit 56 years old na siya.

"Iho, pakilagay na lang diyan sa kusina at hayaang si Louisa ang maglagay sa ref," ani ni ate Beth na nag papahinga sa sofa dahil sa sobrang paguran.

As a que, I put the groceries on the the top of the island counter in the cozy spot at home which is also known as kitchen.

"Ate Beth, ako na lang po ang maglalagay sa refrigerator tutal wala naman po akong gagawin bukod sa pagdidilig ng mga halaman," pag-boboluntaryo ko sa ginang.

"Nako, iho. Huwag na't baka masanay 'yang si Louisa na lagi kang nandiyan upang bawasan ang mga trabaho niya," nag-aalangang wika ni Ate Beth.

"Hindi po kaya ko na po ito," pasigaw na wika ko mula sa may kusina at agad ngang sinimulan ang paglalagay ng pinamili sa ref.

A Yellow Flower with A Red Tip  #Mus-alomlynAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon