C I N D Y
Is it real?
Nagising ako dahil sa pagkaramdam ng naalimpungatan. Pagtapos nang halik na iyon ay wala na akong matandaan. Sa katunayan nga niyan ay hindi ko alam kung papaano ako nakauwi gayong naaalala ko lang ay ang lalaking humila sa akin sa punong iyon.
Hindi ko nga mawari kung ito'y totoo o gawa-gawa lang ng aking malikhaing isipan. Na para bang nag-aagam-agam sa mga nangyayari sa aking buhay. Kaya kahit kay-aga-aga ay agad akong nagsisigaw upang hanapin si Trisha. Siya lang ang alam kong makakasagot sa aking mga katanungan.
Asan na naman kaya ang bruha?
Halos libutin ko na ang dorm naming ngunit ni-hibla ng buhok ng aking hinahap ay hindi ko pa rin natatagpuan.
"Best?! Asan ka? Trisha!" malakas na sigaw ko. Gaya nang nakaraan ay pabagsak akong naupo sa sofa sa may sala at nagsimula muling hintayin siya.
"Ano ba! Kay-aga-aga pa nagbubulyaw ka na riyan!" bungad nito pagkapasok sa pintuan.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"As usual naki-chismis sa labas at nagpahangin na rin."
"Sa lagay na iyan?" nagtataka kong wika.
Literally, Trisha looks mess! Napakagulo ng kaniyang buhok na animoy nakipagbakbakan sa kaniyang pinuntahan.
"Yup! Wala naman kasi gaanong tao kaya okay na ito. #Wokeuplikethis ang peg ko!" Natatawa pang sagot nito.
"Tingnan mo kaya ang buhok mo. Parang sinalanta ng napakalakas na bagyo," asik ko naman dito.
"Maayos naman, ah!" pagdedepensa nitong wika sabay suklay gamit ang kaniyang magagandang kamay. Binigyan ko naman ito ng hindi naniniwalang titig.
"Okay, okay. Sasabihin ko na ang nangyari. Kagabi kasi bigla ka na lang din nawala sa pinag-iwanan kong lugar at sakto namang dumaan si Mahlabs Dave na daladala ka. Hindi ko na nga natanong bago ka ibigay sa akin pero agad naman itong nagsalita na nakita ka raw niya sa may puno. Tapos saktong umalis 'yung mahlabs ko may nag-eskandalo sa aking babae. Ang sabi niya inaagaw ko raw 'yung jowa niya kahit wala akong ginagawa," mahabang salaysayin nito ngunit sa isang linya lang niya ako nakaramdam nang nabuhusan ng malimig na tubig.
Wait! Tama ba ang pagkakarinig ko? Binigay ako ni Kuya Dave kay Trisha?
Totoo kaya ang naiisip ko?
Kung totoo ay siya nga ba ang lalaking humalik sa akin?
O, totoong nakita niya lang akong nakahiga ng lalaking iyon?
Hindi ko alam kung bakit wala akong maalala sa mga nangyari. Wala rin akong ininom doon. "Best, maiba ako. Bakit daw kasama ko si Mahlabs Dave mo kagabi?" May pag-atubiling tanong ko sa kaniya malay naman natin sa pamamagitan ng sagot niya ay magkaroon ako ng sagot sa aking katanungan or hindi naman kaya ay may maalala.
"Hindi ko rin alam. Kaya nga tatanungin din kita, eh." Pagbabalik niya sa akin ng katanungan.
"Pero gaya nga ng sabi niya nakita ka raw niya na nakahiga sa may puno kaya agad niya raw akong hinanap. Ow, 'di ba! Napaka-sweet and caring ng mahlabs ko!" Nakakalokong ngiti pang dadag nito.
In love na nga siya.
Siguradong nananaginip lang ako patungkol sa kiss na iyon. Kahit na ang isang bahagi ng aking pag-iisip ay hindi sumasangayon dito.
Hayaan ko na nga lang dahil baka nag-i--imagine na naman ako.
"Ahh, oo nga. Ano nga ba ulit ang sabi mo patungkol diyan sa pagkakasabunot sa iyo kagabi?" Pagpapaulit ko sa kaniya. Natuon kasi ang aking atensyon sa dahilan kung paano ako nakauwi. Ayan tuloy at hindi ko na napakinggan ang mga sumunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
A Yellow Flower with A Red Tip #Mus-alomlynAward20
Genç KurguIn a room full of lies, they thought running away from the past would hide their deceitful secret. *** Cindy Perez is a joyous person who loved her family dearly, especially her twin, Catherine. She never wanted to be a disobedient daughter nor the...